Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
Chi Wu Fei Yang Grupo sa Sayaw
Itinatag: 2011
Pakikipag-ugnay:  Chou Ching Hwa /0921-438-108
FB: https://www.facebook.com/feiyangdance/
 
Bahagi ng pagtatanghal

Aktibidad sa Mid-Autumn Festival


Mula sa Tsina si Chou Ching Hwa, sumali sa mga kursong pag-aaral para sa mga bagong imigrante na isinagawa ng Opisina ng Distrito, nakilala ang madaming bagong imigranteng mahihilig sa pagsayaw at nagbuo ng grupo ng mga mananayaw, nagtatanghal ng kagandahan ng kakaibang kultura ng pinanggalingang bansa.
Galing sa Tsina, Vietnam, Indonesia, Thailand at Taiwan ang mga miyembro ng grupo. Espesyalidad ng grupo ang mga klasikal na sayaw at mga katutubong sayaw ng Tsina at iba pang estilo ng sayaw mula sa magkakaibang bansa. Madalas silang maimbitang magtanghal sa iba’t-ibang lunsod at lugar, at sumali na rin sa malaking aktibidad ng relihiyong pagdiriwang.
Nasa may 30 bilang ang miyembro ng grupo at nag-eensayo sila sa Wanhua New Immigrants’ Hall bawat linggo.
Dahil makulay at maganda ang kanilang pagtatanghal ng sayaw, kaya’t marami silang pagkakataon na sumayaw at mapagkikitaan ng pera. Pinakamarami na rin ang kanilang pagtatanghal tuwing Chinese New Year, bago sumapit at makaraan ang Bagong Taon.

Aktibidad sa Bagong Taon

Litrato ng grupo sa likod ng entablado