Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
Thai-Yo-In-Yueh Dance Group
Itinatag:  Oktubre 2014
Pakikipag-ugnay:  Chen Chui Liu 0909508268
E-mail:ao2007yeu@yahoo.com.tw
FB:VIT-Dance-Group

Eksibisyon na naghahanap ng mga bago at nakakabagbag-damdamin na gawain

Pista ng mga Asian Pacific Tradisyonal Sining

 
Nagtanghal ang VIT Dance Group noong Oktubre 10, 2015 sa Pamahalaan ng Lunsod, at nag-anunsyo ng pagkatatag ng grupo sa sayaw sa araw ring iyon. Ang tunog ng “Thai-Yo-In-Yueh” sa wikang Tsino ay may kahulugan na ”masyadong may pakiramdam sa musika”.  Kasama sa miyembro ng grupo ang mga bagong imigrante mula sa magkakaibang bansa ng Vietnam, Indonesia, Pilipinas at Thailand.
Mahigit sa 10 miyembrong bagong imigrante mula sa magkakaibang bansa, kinakailangan nilang pag-aralan ang katutubong sayaw ng bawat magkakaibang bansa. Karamihan ng iniensayong sayaw sa kasalukuyan ang mga sayaw ng Thailand at Vietnam. Sa dahilan ng hilig sa pagsayaw, nagkakilala rito sa Taiwan ang mga miyembro ng grupo at sa pagsasanay ng pagsayaw, nakilala ang kultura ng bawat isang bansa.
Upang magkaroon ng makulay na epekto sa pagtatanghal, kinakailangan ng mga mananayaw na maghanda ng madaming kasuotan ngunit mataas ang halaga ng mga kasuotan kapag bibilhin dito sa Taiwan. Kaya’t bukod sa sariling paggawa , bumibili ang bawat miyembro ng grupo tuwing makauwi siya sa sariling bansa, ng bagong kasuotan ng iba pa niyang mga kasama.
 
 
Pista ng Kultura ng Bagong Imigrante

White paper na nagtutulak ng pakikilahok ng kababaihan sa sports at palakasan