Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
Itinaguyod:
Contact:
Sy Lu Yin  0966-061-113
Zhang Huei Fang  0921-191-722
 
Binubuo ng mga imigranteng taga-Indonesia ang bandang ito at kanilang ginagamit ang tradisyonal instrumentong pangmusika na kawayang organo sa Indonesia, tinatawag na Angklung. Gawa sa kawayan ang angklung. Ang bawat angklung ay may isang tunog lamang. Hindi lamang hahawak ng isang angklung ang bawat miyembro ng grupo kundi tatandaan din ang tunog ng hawak na angklung at makikisabay sa ibang miyembro ng grupo upang magkaroon ng magandang indayog ng tugtog.
Palagi ring nagsasanay sa angklung ang bawat miyembro at kasama nila ang kanilang mga anak sa pagsasanay upang maunawaan ng mga anak ang kultura ng bansa ng kanilang ina. Inaasahan din na sana’y lalong makilala ng Taiwan lipunan ang kultura ng Indonesia sa kanilang pagtutugtog.

Litrato ng grupo bago magtanghal

Eksena ng pagtatanghal sa harap ng templo

Litrato ng pagtatanghal

Pagtatanghal sa may crossing