Tungkol sa Taipei
Panahon ng Pagtatag: Pagtatag ng pamahalaan noong 1884, pagtatag ng lungsod noong 1920.
Rehiyonal na sangay: 12 distrito
Lokasyon ng pamahalaan: No.1 Shifu Road, Xinyi District
Ibon ng lungsod: Taiwan Blue Magpie
Bulaklak ng lungsod: Azalea
Puno ng lungsod: Banyan
Kabuuang sukat: 271.7997 sq.km. (Ang ika-16 sa Taiwan)
Kabuuang populasyon: 2,480,681 tao (2022/12)
Dami ng populasyon:9,127 katao / kwadrado kilometro (2022/12)
Longitude: longitude 121.3°
Latitude: Hilagang latitude 25.1°
Elebasyon: Ang pinakamataas: 1,120m (Bundok ng Qixing)
Uri ng klima: Subtropical monsoon na klima
Pangkaraniwang Temperatura: 22.7℃ Ang pinakamataas na pangkaraniwang temperatura 22.7℃, Ang pinakamababang pangkaraniwang temperatura 13.7℃ (Taong 2011)
Lupa
Ang kalagitnaan ng lunsod ng Taipei ay nasa ibaba ng lunas (basin) ng Taipei. Ang pangkat ng bulkang Tatun (di-aktibong bulkan) ay matatagpuan sa pagitan ng hilagang Taipei at ng lunsod ng New Taipei. Ang kabuuang bundok ay karaniwang lumalawig pa-timog at dahan-dahang humihinto sa Yuanshan, Dazhi at Neihu at mga kalapit na lugar.
Ito ay siyang pinakamalaking grupo ng bundok sa Taipei; ang pinakamataas na Bundok na Qixing ay 1,120m sa taas at ang ikalawang pinakamataas na Bundok ng Tatun ay 1,092m ang taas. May maraming malabulkang hugis ng lupa sa sentral ng grupo ng mga bundok at sa gilid ng bahagi ng Beitou.
Ang Neihu at Nangang sa may silangan at Mucha sa timog ng lunsod ay karamihang may hugis na burol ng lupa; ang may tinatayang higit sa 300m sa taas na grupo ng bundok ng Nangang (Mu-tzi Shan) ay tumatawid sa pagitan ng mga distrito ng Xinyi at Nangang.
Hydrolohiya
Karamihan sa mga ilog sa Taipei ay sakop ng sariwang tubig na ilog. Ang Ilog ng Xindian, ang tagabigay ng sariwang tubig-ilog, ay dumadaloy mula sa timog ng Lunas ng Taipei at kasama ng Ilog ng Jingmei ay bumubuo sa natural na hangganan sa pagitan ng timog-kanlurang Taipei at New Taipei Ang lagusan ng ilog ay lumulusot ng pahilagang-kanluran sa Jingmei, Gongguan, Guting at iba pa, hanggang sa kalapit ng Wanhua hanggang umabot sa Ilog ng Dahan, na tinatawag na Tamsui River.
agkatapos, dumadaloy itong pahilaga hanggang Dadaocheng, Shezi at Guandu kung saan humahalo sa daloy ng Ilog ng Keelung, na bumubuo rin sa natural na hangganan sa pagitan ng kanlurang Taipei at New Taipei. Ang Ilog ng Keelung ay dumadaloy mula sa hilagang-silangan ng lunas at tumatawid sa hilagang bahagi ng lunas ng Taipei mula Nangang, Songshan, Neihu, Shilin, Beitou at mga kalapit na lugar.
Klima
Ang Taipei ay nasa malapit sa hilagang latitude na 25°. Bukod pa sa pagiging isang isla sa kalagitnaan ng dagat, ito ay matatagpuan sa pagitan ng Kontinente ng Silangang Asya at ng Karagatang Pasipiko, kaya ang subtropical monsoon na klima ay nahugis sa ilalim ng malaking impluwensiya ng tuyong lamig ng Mongolian High Pressure at ang mainit na Pacific High Pressure.
Malinaw ang pagkakaiba ng panahon: Marso ~ Mayo pangkaraniwang tagsibol (spring), Hunyo ~ Agosto ay tag-init (summer), Septyembre ~ Nobyembre bilang taglagas (autumn), at Disyembre ~ Pebrero ang taglamig (winter). Minsan, iniimpluwensiyahan ng pandaigdigang pag-iinit o mga natatanging pagbabago ng klima, kung kaya nagkakaroon ng mas mainit na taglamig o mas malamig na tagsibol.
May iba ring natatanging katangian ng klima; dahil ang sentro ng lunsod ay nasa kalagitnaan ng lunas (basin) ng Taipei, kaya ang klima ay naiimpluwensiyahan ng hugis-lunas ng lupa. Tuwing tag-init, mahirap palabasin ang mainit na hangin dahil sa mataas na bundok sa paligid ng lunas, na siyang dahilan kung bakit ang temperatura sa loob ng lunsod ay karaniwang mas mataas nang 1~2° kaysa sa mga nakapaligid na lugar.
Pagdating ng panahong taglamig, ang ulan ay madaling mabuo sa bundok at burol sa paligid ng lunsod. a bandang buwan ng Mayo ng bawat taon, ang Taiwan ay nagkakaroon ng panahon ng tag-ulan dahil sa monsoon front na binubuo ng Mongolian High Pressure at Pacific High Pressure. Sa panahong ito, madadagdagan ang mga araw ng tag-ulan sa Taipei. Tuwing tag-init, magkakaroon ng pagkulog sa bandang hapon makaraan ang tanghalian dahil sa malakas na hihip ng mainit na hangin.
Pinagmulan ng datos:Taipei travel net ng pamahalaang munisipal ng Taipei, Kawanihan ng Turismo