Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
Câu Lạc Bộ Nam Dương
Itinatag:  Marso 2013
Pakikipag-ugnay:  Ruan Shi Hwa  / 0936-608-884
https://www.facebook.com/groups/134840073358593/
 
Litrato ng grupo

Litrato ng grupo sa salu-salo



Binubuo ang Câu Lạc Bộ Nam Dương ng mga dayuhang manggagawa at mga bagong imigrante mula sa Vietnam. Ang Câu Lạc Bộ Nam Dương ay grupong nagsasayaw ng mga katutubong sayaw ng Vietnam, at ilan din sa mga miyembro ng grupo ang kumakanta ng mga awiting Vietnam. Subalit hindi sila mga propesyonal na mananayaw, nagbibigay pa rin ng makulay na pagtatanghal sa entablado matapos ang paghihirap at pag-eensayo ng lahat.
Magkakasama silang nag-eensayo sa araw ng kanilang pahinga. Sa mga taong hindi makarating, nag-eensayo silang mag-isa sa kanilang tirahan sa pamamagitan ng pagtingin sa video.
Sa bahaging Norteng Taiwan ang pangunahing lugar ng pagtatanghal. Kung minsan, napaparoon din sa ibang probinsiya at lunsod. Madalas din silang magbigay ng libreng pagtanghal sa mga nursing homes upang mapasaya ang mga matatandang naroroon. Ipinagdiriwang din nila bawat taon ang Pista ng mga Kababaihan, Bagong Taon o Pambansang Araw.
 

Litrato ng grupo pagkatapos ng pagtatanghal

Litrato sa pagkaloob ng sertipiko ng pasasalamat