Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Epidemic Command Center pumapayag at maaaring magpaturok ng COVID-19 bakuna ang mga tagadayuhang wala pang hawak na ARC (C/11-3)

Nagbigay ng pahintulot ang Central Epidemic Command Center (CECC) na maaaring magpaturok ng COVID-19 bakuna ang mga tagadayuhang wala pang hawak na ARC (kasama ang mga dayuhan, mamamayan ng Tsina, residente ng Hongkong at Macau, at mga Taiwan national na walang household registration). Maaaring gamitin ang Unified ID No. kasama ang Entry and Exit Permit No. o passport no. sa pagrehistro sa nais na magpabakuna at sa paggawa ng appointment sa “COVID-19 Vaccination Registration and Appointment Reservation Platform”. Nagpahayag ang National Immigration Agency (NIA) na maaaring mag-apply ng Unified ID No. mula sa NIA kapag may pangangailangan na magpabakuna.

Ipinaliwanag din ng NIA, para sa mga tagadayuhang mas mahaba ang panahon ng pagtigil sa Taiwan, mayroon nang Unified ID No. na nakatala sa Entry and Exit Permit at hindi kinakailangan gumawa ng iba pang aplikasyon. Para naman sa mga ibang dayuhan na walang Unified ID No., maaaring mag-apply sa online o mag-apply sa opisina ng NIA.