Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pinakabagong Anunsyo ng mga Tuntunin sa Paghihiram ng Lugar sa New Immigrants Hall sa Lungsod ng Taipei (4-1)

A. Sanggunian: Pagsasagawa ayon sa “Paraang Pamamahala at Paggamit ng Lugar sa Magkakaibang Opisina sa ilalim ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei”.


B. Paraan at Saklaw ng Paggamit:

(1) Saklaw ng paghiram ng paggamit ng New Immigrants Hall sa Lungsod ng Taipei: Espasyo sa Wanhua New Immigrants Hall sa ilalim ng pamamahala ng Departamento ng Civil Affairs sa Lungsod ng Taipei.


(2) Oras ng Paggamit:

Martes hanggang Linggo (Sarado tuwing Lunes, opisyal na holiday at mga araw na may anunsyong walang pasok mula sa Pamahalaan nang dahil sa natural na kalamidad, aksidente o pangyayaring hindi inaasahan o sa araw na sariling gagamitin ng namamahalang tanggapan, mga repair at pagsasaayos at iba pang kalagayan na hindi maaaring buksan sa publiko)

    Bukas tuwing: 9:00-12:00、13:30-16:30 


(3) Paghiram at Paggamit ng Hall

Paraan ng aplikasyon: Aplikasyon sa online (service.gov.taipei)


(4) Pagkasunod-sunod sa Aplikasyon:

    1. May prayoridad sa paggamit ang mismong Departamento at maibabahagi ang natirang mga araw.

    2. Prayoridad sa natirang panahon: Kapag may pansamantalang pangangailangan na paggamit ang Departamento, may prayoridad pa rin ang Departamento.

Note: Kapag may dalawa o higit pang magkasabay na aplikasyon sa paggamit sa parehong panahon, may prayoridad ang naunang nagpasa ng aplikasyon.


C. Aplikasyon sa Paghiram:

(1) Maaaring hiramin ang oras na walang taong gumgamit sa loob ng 90 araw mula sa araw ng aplikasyon. Maaaring gumawa ng pinakamadaming 30 beses sa isang aplikasyon. Isulat ang kaugnay na impormasyon sa aktibidad para sa pagsusuri. Maaaring hindi aprubahan ang aplikasyon sa paghiram kapag hindi naibigay ang impormasyon sa loob ng 3 araw matapos gumawa ng aplikasyon o kapag ang gaganapin na aktibidad ay hindi angkop sa tuntunin sa paghiram. Matapos maaprubahan ang paghiram, ilakip ang pangalan ng mga kalahok sa bawat beses ng paggamit ng lugar para sa pagsusuri ng Hall.


(2) Ipinapahiram ang lugar sa mga pagsasaliksik, pag-aaral, pagsasanay, pagpupulong, pagtitipon, eksibisyon, aktibidad at iba pang may kaugnayan sa bagong imigrante at umaabot sa 20% ang bilang ng bagong imigrante o bagong pangalawang henerasyon na sumali sa aktibidad. Pagpapasyahan ng staff sa Hall ang kalikasan ng aktibidad. Kapag nasuri at natuklasang hindi angkop sa tuntunin ng paggamit, may aktibidad na kumikita ng pera, maaaring may panganib sa pampublikong kaligtasan o magbigay ng pinsala sa karapatan ng ibang tao, babawiin agad ng Departamento ang aplikasyon sa paggamit ng lugar, ikakansela ang permisong ibinigay at ititigil ang paggamit ng grupong ito o ng alin mang samahan sa ilalim nito, sa alin mang lugar sa Hall sa loob ng 3 buwan at may nakatalang punto na 1 beses. 


(3) Ititigil ang pagpapahiram sa loob ng 6 na buwan kapag lumabag ang grupo o publiko sa regulasyon nang 3 beses sa loob ng isang taon.


D. Kapag mayroong anumang isyu na hindi saklaw dito, maaari itong baguhin at irebisa sa anumang oras.


E. Ipapatupad ang mga tuntunin dito matapos maaprubahan. Ganoon din sa mga pagbabago at pagrebisa.


Petsa ng Pagpapahayag

2025-04-09