Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Katunayan ng Pagkawala ng Orihinal na Rehistrasyon (4-13)

Ayon sa kaugnay na tuntunin, dapat magpasa ang mamamayan mula sa Tsina ng notarized sertipikasyon ng pagkawala ng orihinal na rehistrasyon (notarized sertipikasyon ng pagkansela ng household rehistrasyon sa Tsina) at beripikado ng Straits Exchange Foundation kapag nag-aapply ng registered permanent residence. Ang aplikanteng hindi makapagbigay ng notarized sertipikasyon ng pagkawala ng orihinal na rehistrasyon kapag nag-aapply ng registered permanent residency ay gagawa muna ng garantiya bago mabigyan ng registered permanent residency card. Makakansela ang registered permanent residency permit kapag hindi makapagpasa ng pagkansela ng household rehistrasyon sa loob ng 3 buwan matapos makuha itong registered permanent residency permit, at ipapaalam sa Household Registration Office na ikansela ang household registration nito.


“Kailangan kong alagaan ang matanda at bata sa bahay, hindi maaaring pumunta nang personal sa Tsina upang ipakansela ang household rehistrasyon, maaari ba itong ipagawa sa ibang miyembro ng pamilya?”


Ayon sa regulasyon sa Tsina, dapat personal na iasikaso ang pagkansela sa household rehistrasyon. Ngunit kung hindi maaaring bumalik nang personal sa Tsina, kailangan tumawag (o magpatawag sa miyembro ng pamilya) at itanong sa lokal na opisina ng household rehistrasyon sa Tsina. Maaari man o hindi ay sang-ayon sa regulasyon ng lokal na opisina.


Bigyan ng pansin! Tandaan na dalhin ang orihinal kopya ng sertipikasyon pagbalik sa Taiwan! At mag-apply ng beripikasyon mula sa Straits Exchange Foundation.

Pagkatapos dalhin pabalik sa Taiwan ang orihinal kopya ng sertipikasyon ng pagkansela ng household rehistrasyon sa Tsina, maaaring tumawag sa Straits Exchange Foundation service hotline at itanong ang mga dokumentong dapat ihanda sa beripikasyon ng sertipikasyon. Makaraan ang pagtapos ng beripikasyon, dapat itong ipasa sa loob ng 3 buwan na itinakda ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya upang maiwasan ang pagkansela ng household rehistrasyon sa Taiwan.


Straits Exchange Foundation Legal Service Hotline

Main Branch 02-25335995

Opisina sa Sentral Taiwan 04-22548108

Opisina sa Timog ng Taiwan 07-2135245


Ministri ng Interior, Nasyonal Imigrasyon Ahensya, abiso sa pagpasa ng katunayan ng pagkawala ng orihinal na rehistrasyon:

https://www.immigration.gov.tw/5382/5385/7445/390104/

 


Petsa ng Pagpapahayag

2025-04-16