Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mula Disyembre 10 00:00, wala nang limitasyon sa bilang ng taong dumadating sa bansa (C/11-3)

Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC) ngayong araw (28), sa konsiderasyon na patuloy na bumababa ang bilang ng kasong positibo sa buong bansa, matatag at nakakontrol ang epidemya sa bansa, may patuloy na pagbabago matapos tingnan ang kalagayan ng pandemya sa bansa at sa buong mundo, at matapos suriin ang kakayahan ng bansa sa paggagamot at pag-iwas sa pandemya, tinatanggal ang limitasyon sa bilang ng taong darating sa bansa mula Disyembre 10, 2022 (oras ng pagdating ng eroplano sa Taiwan).


Isinaad ng CECC, patuloy na dumadami ang bilang ng taong dumarating sa Taiwan bawat linggo. May 281 positibong kaso sa mga dumating na manggagawa nitong nakalipas na 7 araw (11/21-27), mas mababa nang 12.2% sa nakaraang 7 araw. Tinanggal ang limitasyon sa bilang ng taong darating sa bansa sa konsiderasyon na patuloy na bumababa ang bilang ng bagong dagdag na sakit at sa konsiderasyon ng pagsapit ng Pasko, pagtapos ng taon at Bag

ong Taon at maraming tao ang aalis at darating sa bansa at upang makatulong sa pagplano ng mamamayan sa darating na holidays.


Ipinapaalala ng CECC, magbibigay ng 4 na antigen swab test sa mga manlalakbay na darating at gumawa ng pagsusuri sa 7 araw ng self-initiated prevention. Kapag may naramdamang sintomas ang manlalakbay sa loob ng 14 araw bago dumating sa bansa, kusang magsabi at ipaalam sa inspector ng Centers for Disease Control (CDC) sa airport o pier. Sumunod at gumawa ng saliva test ayon sa ebalwasyon ng inspector at sumakay sa sasakyang pang-quarantine pauwi sa tirahan. 


Isinaad ng CECC, nagbukas na ang mga borders at dadami ang taong darating sa bansa. Patuloy na oobserbahan ng CECC ang mga variants sa bansa at ang kalagayan ng pandemya, gagawa ng pagbabago sa kaugnay na patakaran at mga hakbang sa pag-iwas sa sakit nang ayon sa pangangailangan. Dapat ipatupad ng publiko ang mga kaugnay na hakbang sa pag-iwas sa sakit, magkasamang pangalagaan ang kaligtasan ng lipunan, patungo sa pangkaraniwang pamumuhay.