Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mula 9/12, sisimulang muli ang Taiwan free-visa para sa Estados Unidos, Canada, New Zealand, Australia, Europe at mga diplomatikong bansa (C/9-1)

Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC), dahil sa pangangailangang makipagkonektado sa mundo, pag-iwas sa epidemya at pagsulong ng mga panlipunan at ekonomiyang aktibidad, sisimulang ipatupad muli ang pagpasok sa Taiwan nang hindi kinakailangan ang visa para sa mga mamamayan mula sa Estados Unidos, Canada, New Zealand, Australia, Europe at diplomatikong bansa.

Itinukoy ng CECC, sa konsiderasyong nagbukas na ng borders ang maraming bansa sa mundo at binalik na ang mga hakbang sa pamamahala nang tulad sa bago mag-epidemya, dahil sa pangangailangang mabalanse ang trabaho sa pag-iwas sa epidemya, maisulong ang mga ekonomiya at panlipunang aktibidad at internasyonal na inter-aksyon, makaraan ang pangkalahatang ebalwasyon, ipinahayag na simula Setyembre 12 ngayong taon, sa paunang kondisyon na mananatili ang kontrol sa total bilang ng taong darating sa bansa, pangangalaga sa trabahong pag-iwas sa epidemya at pagkontrol sa sitwasyon ng epidemya, ibinabalik at sisimulang muli ang free-visa treatment sa Estados Unidos, Canada, New Zealand, Australia, Europe at diplomatikong bansa.

Ipinapaalala ng CECC, nagbabago ang mga nasabing hakbang sa kontrol ng borders at mga hakbang sa pag-iwas sa epidemya nang ayon sa kalagayan ng epidemya. Ipinapaalala rin sa mga manlalakbay sa Taiwan na dapat sundin ang mga hakbang sa pagsusuri ng sakit at pag-iwas sa sakit sa panahon ng “3 araw quarantine + 4 araw pagsusubaybay sa sarili” , magkasamang panatiliin ang kaligtasan ng lipunan sa loob ng bansa.