Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Simula Agosto 15 madaling-araw 00:00, hindi na kailangan ang COVID-19 PCR report sa nakaraang 2 araw para sa lahat ng sumakay sa eroplano papunta rito sa Taiwan (C/8-1)

Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC) ngayong araw ng 10, bilang pagtugon sa unti-unting pagpapaluwag ng patakaran sa bawat bansa at matapos suriin na madaming bansa ang nag-alis sa tuntunin ng ulat sa eksaminasyon bago sumakay sa eroplano at nananatili ang kasalukuyang PCR pagsusuri sa laway sa mga dumadating sa airport sa Taiwan, ang patakaran na 3+4 sa pag-iwas sa sakit pagdating sa Taiwan, nagagawa ang pag-iwas sa pandemya sa mga borders kaya simula madaling-araw 00:00 ng Agosto 15 (nakatakdang oras ng pagdating ng eroplano sa Taiwan), kinakansela ang pagdala ng PCR report sa nakaraang 2 araw para sa lahat ng manlalakbay na pumarito sa Taiwan. Ngunit sa lahat ng magpositibo sa COVID-19 sa labas ng bansa, nananatili ang pansamantalang hindi pagsakay sa eroplano sa loob ng 7 araw mula magpositibo upang maiwasan ang pagkalat ng sakit mula sa ibang bansa.

Paalala ng CECC, bagamat bahagyang nababawasan ang sitwasyon ng pandemya sa buong mundo ngunit may madaliang pagbabago rin. Paalala sa mga manlalakbay, dapat sundin ang lahat ng mga hakbang sa pagsusuri at pag-iwas sa sakit pagkatapos dumating sa Taiwan. Itutuloy din ng CECC ang pagbabantay sa kalagayan ng pandemya sa buong mundo, ang pagbabanta ng mga bagong variant at ang kalagayan ng pagpapatupad sa pagsusuri ng mga dumarating na manlalakbay. Kapag nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng internasyonal na pandemya at magdudulot ng malaking pagbabanta sa pag-iwas sa pandemya sa bansa, maaaring muling ipatupad ang panukalang ito.