Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mula Marso 1, ititigil na ang pagbigay ng home antigen rapid test kit sa publikong dumadating sa bansa at sa mga may malapit na pakikipag-ugnayan sa pasyenteng positibo (C/2-3)

Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC) noong ika-20, makaraan ang ebalwasyon sa kalagayan ng pandemya sa bansa at ang kakayahan ng paggagamot at pampublikong kalusugan sa bansa, ititigil na ang pagbigay ng home antigen rapid test kit sa publikong dumadating sa bansa at sa mga may malapit na pakikipag-ugnayan sa pasyenteng positibo mula Marso 1. Kapag nangangailangan ng rapid test kit ang publiko, maaaring bumili nang sarili sa botika o sa tindahan na may tindang swab test kit.


Ipinaliwanag ng CECC, sa kasalukuyan, ang taong dumadating sa bansa ay maaaring kumuha ng isang test kit at nagbibigay ang Kagawaran ng Kalusugan ng isang test kit sa mga taong nakasalamuha ng pasyenteng positibo. Sa konsiderasyong umayos na ang sitwasyon ng pandemya sa buong mundo at sa bansa nitong kamakailan, binago na ang paggamit ng swab test. Kapag nagkaroon ng sintomas ang taong nanggaling sa ibang bansa o ang taong nagkaroon ng malapit na ugnayan sa taong positibo, magsuri at gumamit ng rapid test kit at magpahinga sa lugar ng kusang pag-iwas sa sakit. Kapag ang taong nagmula sa ibang bansa at may sintomas pagdating sa Taiwan, dapat magsabi sa tauhan ng Centers for Disease Control (CDC) sa airport o sa pier at gumawa ng pagsusuri kung kinakailangan. Sa mga taong walang sintomas, dapat ipatupad ang 7 araw ng kusang pag-iwas sa sakit. Sa kasalukuyan, madami at madali na ang pagbili ng rapid test kit. Batay sa nasabing pagtatasa, ititigil ang pagbigay ng libreng home antigen rapid test kit mula Marso 1 sa publikong dumadating sa bansa batay sa oras ng pagdating ng eroplano sa Taiwan at sa mga may malapit na pakikipag-ugnayan sa pasyenteng positibo mula sa araw ng pagsimula ng quarantine.


Isinaad ng CECC, subalit gumaan ang kalagayan ng COVID-19 sa bansa, may panganib ng pagkalat ng virus pa rin sa lipunan. Kasalukuyan rin ang panahon na uso ang virus ng daanan ng paghinga (respiratory tract) at ipinapaalala sa lahat na dapat pa rin sundin at ipatupad ang mga kaugnay na hakbang sa pag-iwas sa sakit, panatiliin ang mga magandang kasanayan sa pansariling pag-iwas sa sakit. Ipatupad ang kalinisan ng kamay at magandang etiketa sa pag-ubo at iba pang hakbang sa pangangalaga sa sarili. Inaanyayahan ang publiko, magpaturok ng bakuna sa COVID-19 upang mapabuti ang kaligtasan ng sarili at ng marami, pangalagaan ang sarili at pangangalaga rin sa ibang tao.