Mula Pebrero 7, pinaluwag ang mga hakbang sa pag-iwas sa pandemya sa pagdating sa bansa. Kinansela ang hakbang ng PCR pagsusuri ng laway sa airport / pier ng mga manlalakbay mula sa Tsina. Nananatili pa rin ang 7 araw na sariling pag-iwas sa pandemya para sa mga taong dumadating sa Taiwan. Dapat gumawa ng rapid test kapag may sintomas. (C/2-1)
Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC) noong Enero 31, mula sa ebalwasyong patuloy na mababa ang pagkakataong may positibo sa pagsusuri ng laway ng mga manlalakbay mula Tsina, kinansela mula Pebrero 7, 2023 (oras ng pagdating ng eroplano sa Taiwan) ang hakbang ng PCR pagsusuri ng laway sa mga airport / pier para sa mga taong kumuha ng direktang paglipad ng eroplano mula Tsina hanggang sa Taiwan at sa mga manlalakbay sa transportasyong proyekto ng Bagong Taon sa Kunmen at Matsu. Bukod rito, kinansela rin sa parehong araw ang tuntunin na pagbigay ng ulat ng PCR pagsusuring ginawa sa loob ng 48 oras bago sumakay sa eroplano at ulat ng antigen pagsusuring ginawa sa loob ng 24 oras. Isinaad rin ng CECC, upang maprotektahan ang kaligtasan ng kalusugan ng tao at sabay masuri ang may peligrong variant mula sa Tsina, mahigpit na ipinatupad ang pagsusuri sa mga manlalakbay mula sa Tsina. Mula Enero 1 hanggang Enero 29 ngayong taon, umabot sa 46000 tao ang sinuri at may 4000 taong nagpositibo. Mula sa 25% nasuring positibo bawat araw sa manlalakbay mula sa Tsina at bumaba na sa may 2%, patuloy na nananatiling mababa, nabawasan ang dami ng samples at karamihan ay BA.5、BF.7, walang nasuring bagong uri; at dahil nabigyan ng konsiderasyon na nananatili ang patakarang hindi pinapayagan ang mga turista mula sa Tsina upang mamasyal sa Taiwan kaya ibinabalik sa pangkaraniwang pagsusuri at kontrol ang mga gawain sa pag-iwas sa pandemya sa mga borders. Patuloy na ipinaliwanag ng CECC, umayos na ang kalagayan ng pandemya sa mundo, walang natuklasan na bagong variant at walang panganib. Nitong nakaraang isang buwan, mababa ang bilang ng kasong positibo sa isang araw (0.4-2.2%). Sa mga dumarating na manlalakbay at may sintomas, kusang magsabi sa taong tagapagsuri sa Taiwan Centers for Disease Control at magpasuri kung kinakailangan. Madali na ring bumili ng antigen rapid test kit ngayon sa buong bansa kaya’t mula Pebrero 7, isang kit (dating apat) na lamang ng antigen rapid test ang ibibigay sa pagdating sa airport o sa pier. Magrapid test lamang kapag may sintomas sa panahong 0+7 sariling pag-iwas sa epidemya. Para sa mga nangangailangan, maaaring bumili sa botika o sa tindahan na may tindang rapid test. Idinidiin ng CECC, patuloy ang 7 araw ng kusang pag-iwas sa sakit sa lahat ng manlalakbay na dumarating sa bansa. Mangyaring sumunod sa lahat ng tuntunin. Magsuri at gumawa ng rapid test kapag may sintomas upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa at kaligtasan ng lipunan.