Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

CECC: Nakatakdang magpaluwag ng paggamit ng facemask sa loob ng gusali mula Pebrero 20 kung matatag ang pandemya (C/2-2)

Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC) Pebrero 9, matapos mabigyan ng konsiderasyon na unti-unting matatag ang kalagayan ng pandemya sa bansa, sapat ang kakayahan sa paggagamot, napag-usapan at matapos ang ebalwasyon ng madaming kagawaran na kapag patuloy na matatag at maaaring masupil ang pandemya, ipapatupad ang pagpapaluwag ng paggamit ng facemask sa loob ng gusali mula Pebrero 20. Nasa ibaba ang mga kaugnay na paliwanag:


A. Dapat sumunod sa tuntunin ng paggamit ng facemask sa lahat ng oras sa mga nakatalagang lugar kabilang ang:

(1) Mga institusyon sa paggagamot at pangangalaga: Pagamutan, mediko, kapakanan ng matatanda, pangmatagalang serbisyong pangangalaga, bahay ng mga beterano, pagsisilbi sa musmos at kabataan, kapakanan ng mga may kapansanan sa katawan at sa isip (detalye sa kalakip).

(2) Pampubliko at mga nakatalagang sasakyan: Sasakyan sa lupa, barko, sasakyang panghimpapawid at mga istasyon (detalye sa kalakip).

Mga kalagayang maaaring hindi gumamit ng facemask sa nakatalagang lugar sa itaas: Kakain, magpapakuha ng litrato, pagsusuri/panggagamot/aktibidad na hindi nababagay o walang paraan na gumamit ng facemask.


B. Hinihikayat gumamit ng facemask sa mga kakaibang kalagayan nang tulad sa:

(1) May lagnat o may sintomas sa paghinga.

(2) Kapag lalabas ng tirahan ang mga nakatatanda o mga taong mahina ang immune system.

(3) May pagtitipon ng tao at hindi mapanatili ang nararapat na distansya sa isa’t isa o kapag hindi maganda ang bentilasyon ng hangin.

(4) May malapit na pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda o sa taong mahina ang immune system (lalo na sa hindi pa kumpleto ang bakuna).


C. Sa mga iba pang lugar sa loob ng gusali, maaaring gumawa ng sariling pasya ang publiko ukol sa paggamit ng facemask.


D. Ang mga nasabing pagpapaluwag na hakbang ay pangheneral na tuntunin. Ang mga kaugnay na detalye ay naaayon sa pagtatakda ng tuntunin ng namamahalang opisina.


Ipinahayag ng CECC, nasa pagplaplano ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Kagawaran ng Kalusugan ang ukol sa bawat antas ng paaralan, nursery, study care center, cram school at daycare centers. Hihigpitan ang mga kaugnay na hakbang sa pag-iwas sa sakit matapos magsimula ang pasukan. Kapag matatag ang kalagayan ng pandemya, ipapatupad ang pagpapaluwag sa paggamit ng facemask sa loob ng silid sa mga paaralan at daycare centers nang ayon sa pangheneral na tuntunin ng CECC simula Marso 6.


Paalala ng CECC, dapat ipagpatuloy ng lahat ang pagpapatupad sa paghugas ng kamay sa sabon, mga etiketa sa pag-ubo at iba pang magandang kaugaliang pangkalusugan sa sarili. Ang pangangalaga sa sarili ay pangangalaga rin sa ibang tao at magkasamang panatiliin ang kaligtasan ng lipunan sa bansa. Ipinapaalala rin ang publikong hindi pa kumpleto ang COVID-19 bakuna, magpabakuna agad sa pinakamadaling panahon upang maprotektahan ang kalusugan ng sarili at ng pamilya’t mga kaibigan.