Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mula Hulyo 25, pagpapaluwag sa mga tagadayuhang nais pumarito sa Taiwan sa dahilan ng pagiging boluntaryo, sa nagpapangaral ng relihiyon, mga pagpupulong sa relihiyon, training, internasyonal exchange at trabaho habang nagbabakasyon (exchange ng mga kabataan) (C/7-2)

Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC) sa araw ng 19, sa konsiderasyong unti-unting magbubukas ang internasyonal borders, upang mabalanse ang pagsusulong sa trabahong pag-iwas sa epidemya at maisulong ang mga aktibidad sa ekonomiya at lipunan at mga kinakailangan na internasyonal palitan, matapos ang pangkalahatang ebalwasyon sa epidemya sa loob ng bansa, kakayahan sa pagpigil at pagpapagamot sa sakit at matapos pag-aralan ang karanasan sa buong mundo, gumawa ng anunsyo na mula Hulyo 25, 2022, magpapaluwag sa mga dayuhang nag-aapply ng visa paparito sa Taiwan sa dahilan na boluntaryo, magpapangaral ng relihiyon, pagpupulong sa relihiyon, pagsasanay, internasyonal exchange at trabaho habang nagbabakasyon (exchange ng mga kabataan). Umaabot sa mahigit sa 10,000 katao bawat taon ang mga dumating sa Taiwan sa nasabing kategorya bago panahon ng epidemya.
Ipinaliwanag ng CECC, ang pagtratrabaho habang nagbabakasyon (exchange ng mga kabataan) ay kasunduan sa pagitan ng Taiwan at ibang bansa. Ang layunin nito ay ang paghihikayat sa palitan ng mga kabataan sa pagitan ng dalawang bansa. May isang pagkakataon ang bawat tao sa kanyang buhay. Ang mga bansang may kasunduan sa Taiwan ay nagsimula na rin tumanggap ng aplikasyon mula sa mga kabataan sa Taiwan at batay sa prinsipyong may pantay na katumbas, nagpaluwag na sa kategoryang ito.
Idiniin ng CECC, dapat unti-unti nang magbukas ang borders ng bansa. Batay sa pagbabago sa kalagayan ng epidemya, pag-aaralan at babaguhin ng CECC ang patakaran sa pagbukas ng borders. Paalala rin sa publiko na pilitin matapos ang pagbabakuna, panatiliin ang pangangalaga sa sarili at sumunod sa mga tuntunin sa pag-iwas sa sakit upang mapanatili ang kaligtasan ng lipunan sa Taiwan.