Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Simula Enero 6, mga quarantine hakbang sa manlalakbay sa Taiwan mula sa Tsina via Hong Kong o Macau (C/1-1)

Ipinahayag ng Central Epidemic Command Center (CECC), malala ang lokal sitwasyon ng pandemya sa Tsina. Bukod sa pagsusuri ng PCR sa laway sa airport sa mga manlalakbay sa direktang paglipad mula sa Tsina, ang lahat ng manlalakbay mula sa Tsina, dumaan sa Hong Kong o sa Macau at lumipat ng eroplano upang pumarito sa Taiwan simula Enero 6 hanggang Enero 31, 2023 (araw ng pagdating sa Taiwan) ay dapat may dalang PCR report na ginawa sa loob ng 48 oras o rapid antigen test report sa loob ng 24 oras bago sumakay sa eroplano.


Paliwanag ng CECC, ang pamahalaan ng Hong Kong at Macau ay kasalukuyan may mga kaugnay na regulasyon sa pag-iwas sa pandemya sa mga manlalakbay mula sa Tsina. Regulasyon ng pamahalaan ng Hong Kong, ang mga manlalakbay mula sa Tsina ay dapat may dalang PCR report na ginawa sa loob ng 48 oras o rapid antigen test report sa loob ng 24 oras bago sumakay sa eroplano. Ang mga manlalakbay mula Tsina at naglipat ng eroplano ay dapat sumunod sa tuntunin sa pag-iwas sa pandemya ng bansang paparoonan ng eroplano. Regulasyon ng pamahalaan ng Macau, ang mga manlalakbay mula sa Tsina ay dapat may dalang PCR report na ginawa sa loob ng 72 oras bago sumakay sa eroplano.


Isinaad ng CECC, malala ang lokal sitwasyon ng pandemya sa Tsina. Tumataas ang bilang ng kasong positibo sa bawat lugar at dumarami ang bilang ng nahahawaang matatanda at ng may malubhang sakit. Ayon sa impormasyong pagsusuri ng mga eksperto, pangunahing maapektuhan ng pandemya ang mga probinsya at mas maliit na lungsod mula Enero 1 hanggang sa panahon ng Chinese New Year dahil sa kakulangan ng medikal panggagamot sa mga lugar na ito at dahil sa dami ng nakatatanda at ng mga taong mas mahina ang katawan. Magdadala ng malaking epekto ang paggalaw ng mga tao mula sa lungsod at sa mga lalawigan sa panahon ng Bagong Taon sa Tsina. Inaasahan na muling tataas ang kondisyon ng pandemya bago at makaraan ang Bagong Taon, at maaaring magpatuloy nang mahigit sa 3 buwan.


Ipinahayag ng CECC, BA.5.2 at BF.7 ang main variant ng Omicron na lumalaganap sa Tsina sa kasalukuyan at may pagkakataon na madagdagan ng pagbabago dahil sa paggalaw ng mga tao. Ipagpapatuloy ng CECC ang pagsusuri sa mga kaso mula sa ibang bansa upang magawa ang ebalwasyon sa panganib ng bagong variant at dalang epekto sa kalagayan ng pandemya sa bansa.


Muling binibigyan-diin ng CECC, dahil marami ang taong uuwi sa Taiwan sa Chinese New Year, dapat unawain ng mga manlalakbay at kusang sumunod sa kasalukuyang patakaran na 7 araw ng kusang pangangalaga sa sarili at pagsasagawa ng swab test upang mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat sa Taiwan.