Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Hardin sa Palitan ng Emosyon at Damdamin

Nagbibigay ng espasyong tulad ng tahanan, suporta sa isa’t isa sa mga bagong imigranteng malayo sa sariling bansa, nagtataguyod ng network ng emosyonal na suporta.


Pagsasanay sa Pag-aaral

Ginagamit sa kaugnayang pag-aaral ng bagong imigrante na isinasagawa ng magkakaibang opisinang administratibo at grupong sibiko. Bukod sa araling pagsasanay sa wika at kultura, pagluluto, pagpapakilala ng mga tradisyon at kaugalian, mga gawaing kamay, pagdadalantao at pangangalaga sa kalusugan, mayroon pang magagamit na paggabay sa pagrehistro ng tirahan, komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa sa pamilya at iba pang araling pagpapalago ng isip at damdamin.


Pagpapahiram ng Lugar

Paggamit ng silid-aralan sa pagsasayaw, multi-functional classroom, silid-aralan, assembly hall, pangsining at kulturang silid-aralan ng bagong imigrante at ng mga nagsasagawa ng nauugnay na aktibidad ng bagong imigrante. Para sa mga detalye, sumangguni sa: Mga Tuntunin sa Paghiram ng Lugar sa New Immigrants Hall.

Link: Mga Lugar ng Bagong Imigrante sa Lungsod ng Taipei>New Immigrants Hall sa Lungsod ng Taipei>Pahina sa Paghihiram ng Lugar


◎ New Immigrants Hall

Martes – Linggo (0900~1700)

(02)2370-1046


Pagpapayo sa Magkakaibang Wika at Serbisyong Pagsasalin

Mayroon pang serbisyong pagsagot sa mga tanong ng bagong imigrante sa telepono at sa mismong lugar tulad ng sa pagtira, naturalisasyon, health insurance, edukasyon ng magulang at anak, daycare edukasyon, mga subsidiya at benepisyong panlipunan at iba pa sa Counter 58 ng Joint Services Center sa Pamahalaan ng Lungsod. May pagpapayo sa iba’t ibang wika at serbisyong pagtulong sa pagsasalin sa publikong naroroon.

    Counter 58 Pagsisilbi sa Dayuhang Wika sa Joint Services Center sa Pamahalaan ng Lungsod

Lunes – Biyernes (umaga 0900-1200)

1999#2543