Bukod sa salang sekswal na abuso, tumutukoy sa gawain na labag sa kagustuhan ng ibang tao at may kaugnayan sa seks o kasarian, at may isa sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Mga salita o gawang nang-iinsulto o may diskriminasyon sa paraang malinaw o pahiwatig o sa iba pang paraan, at may pinsala sa dignidad ng tao o nagdudulot ng takot, poot o sakit ng damdamin, o hindi nararapat na impluwensya sa pagsasagawa ng trabaho, edukasyon, pagsasanay, pagsisilbi, plano, aktibidad o pangkaraniwang kabuhayan.
2. Paggamit ng pagsunod o pagtanggi ng ibang tao sa isang aksyon bilang kondisyon upang makuha, mawalan o mabawasan ang mga karapatan na nauugnay sa pag-aaral, trabaho, pagsasanay, pagsisilbi, plano, o aktibidad para sa sarili o sa ibang tao.
Ang tinatawag na ‘sekswal panliligalig ng may kapangyarihan’ sa batas na ito ay tumutukoy sa paggamit ng kapangyarihan o pagkakataong manligalig nang sekswal sa taong kanyang pinamamahalaan, inaalagaan at ginagabayan dahil sa edukasyon, pagsasanay, paggagamot, opisyal na tungkulin, negosyo, paghahanap ng trabaho o iba pang katulad na relasyon.
Telepono sa pagreport ng emerhensya: 110
Proteksyon Hotline sa Kababaihan at mga Bata (pagpapayo): 113
Batas sa Pagpigil ng Sekswal Harassment “Hotline sa Muling Pagreport”: 1999 ext. 3365、4553
Pinagkunan ng impormasyon: Kagawaran ng Pulis sa Lungsod ng Taipei, Pulisya para sa Kababaihan at Kabataan
https://wpd.police.gov.taipei/cp.aspx?n=1FDC71A375034BAA