[Bago ang pagbubuntis]
Pagbutihin ang uri ng pamumuhay upang maiwasan ang wala pa sa panahong panganganak
- *Ihinto ang paninigarilyo, pag-inom at droga, pagbutihin ang mga nutrisyon at pangkalusugang mga gawain, iwasan ang pagod sa trabaho, panatilihin ang magandang disposisyon, subukang magbuntis sa wastong edad, iwasan ang pinsala sa sistemang reproduktibo at hinikayat na pagpapalaglag.
[Sa pagbubuntis]
Inisyatibong pangangalaga, positibong atensiyon, ang wastong kamalayan tungkol sa kalagayan ng panganganak. buntis ay mahalaga para sa buntis upang mabawasan ang panganib ng wala pa sa panahon na - *Sundin ang payo ng doktor, gawin ang pangangalaga bago manganak, gawin ang pagpasya sa mataas na panganib at seryosohin ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa pagbubuntis (obstetrical check) at kasaysayang medikal.
- *Panatilihing normal ang yugto ng pagbubuntis, subukang pahabain ang paglaki ng fetus sa sinapupunan, makipagkita kaagad sa doktor sa sitwasyon ng mga palatandaan ng wala pa sa panahon na panganganak, makipagtulungan sa doktor upang maiwasan ang pagkalaglag at wala pa sa panahong pagputok (ng amniotic fluid). Mas maaga na matuklasan mo ang mga palatandaan ng wala pa sa panahon panganganak at makipagkita sa doktor para sa paggagamot, magiging mas matagumpay ang pagpigil ng pagkalaglag.
Mangyaring pansinin ang mga item sa ibaba kung matasa na posibleng wala pa sa panahon na manganak:
*Piliin ang wastong ospital para sa panganganak Subukang manganak sa ospital na may sentro para sa pangangalaga ng bagong panganak na sanggol kapag hindi maiwasan ang wala pa sa panahon na panganganak. Ang sanggol na ipinanganak na wala pa sa panahon, inilipat pagkatapos maisilang, ay mas malamang magtiis sa hypothermia (di-normal na mababang temperatura ng katawan), sakit hinggil sa paghinga at iba pang pangyayari kaysa karaniwang sanggol. *Pansinin ang mga palatandaan ng wala pa sa panahong panganganak anumang oras:
Regular na hipuin ang tiyan sa loob ng 2-3 beses, pansinin ang kontraksyon nito at mga pagkakataon ng paninigas bawat oras na mga tatlong beses pinaka-marami bago ang ika-30 linggo, 4 na beses pinaka-marami pagkatapos ng 30 linggo. Kung mas mataas kaysa pamantayan, dapat kang magpahinga sa higaan at uminom ng tubig anng wasto. Kung mabigo, mangyaring makipagkita kaagad sa doktor. Humingi ng tulong sa sitwasyon ng iba pang mga palatandaan tulad ng di-normal na pagdurugo, pagputok, mga komplikasyon ng pagbubuntis. Dahil may 50% ng di-maipaliwanag na mga sanhi ng wala pa sa panahong panganganak, hindi tiyak na sabihin na ang mga natasang mataas ang panganib na mga tao ay mararanasan ang wala pa sa panahong panganganak, ang mga taong natasa na hindi mataas ang panganib ay hindi makakaranas ng wala pa sa panahong panganganak. Kaya, dapat pansinin ng buntis ang mga palatandaan ng wala pa sa panahon at subukang iwasan ang wala pa sa panahong panganganak.
◎Aling mga pagsusuri ang kailangan sa pagbubuntis
[Regular na mga item ng pagbubuntis]
- Timbang, presyon ng dugo, beri-beri, urinalysis (glucose at protina sa ihi), pintig ng puso ng fetus, sukat ng matris at posisyon ng fetus, at iba pa Unang obstetrikal na pagsusuri
- Kumpletuhin ang blood count (suriin kung may kakulangan ng iron na anemia o thalassemia ),
- Pagsamahin ang pagsusuri sa Down syndrome ng fetus sa unang pagbubuntis
- High-definition ultrasonic na pagsusuri para sa fetus sa unang yugto
- Ang pagtatasa at inspeksiyon sa cervix ay kailangan para sa buntis na nagkaroon na ng mga
Mga serum index ng buntis sa pagsusuri ng dugo (PAPP-A, Freeβ-HCG)
sanggol na wala pa sa hustong panahon na naipanganak. Alamin nang maaga kung kailangan ang cervix cerclage upang maiwasan ang wala pa sa panahong panganganak na bunga ng kakulangan ng cervix.
14~20 linggo
- Screening para sa Down syndrome ng buntis sa kalagitnaang yugto
- Pagsusuri sa amniocentesis chromosome
- Mataas na antas na ultrasonic na pagsusuri
- 3D na imahe ng fetus
- Ultrasonic na pagsusuri para sa paglaki ng fetus
- Regular na screening para sa gestational diabetes
- Pagsusuri sa hepatitis B antigen at antibody, serologic na pagsusuri para sa syphilis
- Group B streptococcus screening para sa buntis Higit sa 40 linggo
- Pagsusuri sa tunog ng puso ng fetus, pagsusuri sa pagganap ng uterus placenta
◎Gabay ng buhay sa pagbubuntis
[Unang yugto]
- Huwag gumamit ng gamot nang walang pakundangan, huwag magpa-X-ray o magsuot ng mga sapatos na mataas ang takong upang maiwasan ang pagkatumba. Magsuot ng maluwang at mga damit na sumisipsip ng pawis, wastong bra upang suportahan ang dibdib.
- Ang pagdaloy ng perineum ay magiging mas marami, imungkahi ang pagpapanatili sa bahaging iyon na tuyo at linisin sa pamamagitan ng madalas na pagpapalit ng salawal, hindi pagsuot ng mga legging/tights, hindi paggamit ng airproof pad, paglilinis ng ari sa tubig na walang sabon/pamatay-mikrobyo habang naliligo araw-araw. Makipagkita sa doktor sa kaso ng pangangati, pakiramdam na nagliliyab, amoy at mas marami pang sekresyon.
- Imungkahi ang karagdagang pamamahinga. Ang paglalakad ay ang pinaka-mabuting ehersisyo, pinapahintulutan ang wastong mga ehersisyo bago manganak.
- Madalas ang pag-ihi dahil ang pantog ay nadidiin ng fetus. Huwag panatilihing puno ang pantog o bawasan ang pag-inom ng tubig.
- Malamang na magkakaroon ng konstipasyon o kahirapan sa pagdumi pagkatapos manganak. Uminom ng mas maraming tubig, gawin ang wastong ehersisyo, kumain ng prutas at pagkain na nasa shell, masanay sa araw-araw na pagdumi, gumamit ng pampalambot ng dumi batay sa resita ng doktor, ipagbawal ang paggamit nang walang pakundangan ng mataas na uri na materyal.
- Walang dahilan para ihinto ang buhay sa pakikigtalik. Kung nakaranas ang buntis ng wala pa sa panahong panganganak o pagkalaglag, mas mabuting huminto sa unang 3 buwan at huling 2 buwan ng pagbubuntis. Kung may mga sitwasyon tulad ng pagdurugo ng ari at pananakit ng tiyan sa pagbubuntis, dapat din itong ihinto.
- Paggamot sa pakiramdam na ibig masuka at pagsusuka: *Sa umaga, dapat kang kumain ng ilang biskwit na soda, dry toast o shell food (hal., cereal) at saka bumangon.
*Iminumungkahi ang pag-inom ng sabaw at tubig pagkatapos kumain nang 30 minuto, hindi sa pagkain.
*Kumain nang kaunti ngunit, madalas, iwasan ang walang lamang tiyan at pagkagutom, kumain sa pagitan ng bawat oras ng pagkain.
*Iwasan ang mamantika, di-natutunaw o pagkain na matapang ang lasa.
*Magmumog ng pinakuluang tubig pagkaapos ng morning sickness upang matanggal ang lasa ng pakiramdam na ibig masuka.
- Pag-usapan ang tungkol sa pakibanang ng pagpapasuso.
- Maligo at iwasan ang paliligo sa tub.
1. pamamanas ng paa at pagkakaroon ng varicose
- Iwasan ang mas matagal na pag-upo at pagtayo, gawin ang mga ehersisyo ng pagbaluktot ng paa upang mapahusay ang sirkulasyon ng dugo. Iangat ang dalawang paa sa 30-60°sa pamamahinga o pagtulog.
- Iwasan ang pagsuot ng masisikip na damit, sinturon at stockings.
- Huwag kumain ng masyadong maalat o inasnang pagkain sa kaso ng pamamanas ng paa.
- Magsuot ng nababanat na stocking sa sitwasyon ng malalang varicose.
[Huling yugto]
- Paghahanda ng mga kagamitan ng sanggol.
- Paghahanda para sa mga kagamitan sa panganganak.
- Tagubilin sa palatandaan ng panganganak.
- Inroduksiyon sa kurso ng panganganak at mga pantulong na kagamitan.
◎Mga kagamitan para sa mga sanggol
[Food]
- Bra na nasa harapan ang bukasan o bra na espesyal para sa pagpapasuso, 4 na sukat na mas malaki kaysa bago magbuntis. Kung ang sukat ng iyong bra ay 34, ang 38 ay mas mabuti para sa paghahanda.
- Pad ng gatas: Ilagay ang pad sa bra upang maiwasang mabasa ang damit sa di-napipigilang gatas na umaagos palabas.
4-6 gasang damit, 4-6 roba/kimono, 4-5 pirasong bandana at apron sa dibdib, 1-2 pares ng stocks, mga diaper ng sanggol o maliit na sukat na diaper, 1-2 pares ng pamproteksiyong guwantes, pati na rin ng mga sumbrero. Ang mga damit ay dapat madaling ibihis o tanggalin, na ang tela ay nalalabhan, lalo na ang cotton at sumisipsip ng pawis.
[Silungan]
Kuna ng sanggol, cotton na kubrekama, muskitero at bell ng musika.
[Transportasyon]
Stroller ng sanggol, upuan ng sanggol sa sasakyan.
[Paliligo]
pang-sanggol, losyon ng sanggol o Vaseline, bulak, o maliit na pamputol ng kuko.
◎Alintuntunin sa palatandaan ng panganganak
[Relaks na pakiramdam]
Ang buntis ay makakaramdam ng pagiging relaks, huminga nang mabuti at magkaroon ng mas mabuting gana sa pagkain habang ang ulo ng fetus ay bumababa sa pelvis cavity. Ang kagayang mga sitwasyon ay nagaganap 2 linggo bago ang panganganak, na umaakma kadalasan sa babae na manganganak sa unang pagkakataon, tiyak na hindi sa babaeng nakapanganak na nang dalawa o tatlong beses.
[Mucus ng dugo o pagdurugo]
Sa panahon ng 24 at 48 oras bago ang kontraksyon ng matris, karaniwang nakakakita ang buntis ng may dugong sekresyon na may halong malagkit na mucus na dumaloy palabas ng ari, na kulay-rosas o matingkad na pula. Sanhi ito ng mucus ng cervix na umagos palabas nang ang cervix ay nagiging malambot at nipis, nagpapahiwatig ito na ang sanggol ay handa na upang ipanganak, hindi para sa agarang panganganak. Pagkatapos, hindi kailangang magpa-ospital kapag mas mababa ang pagdurugo kaysa ikalawang araw ng pagkakaroon ng dalaw.
Magpasuri kaagad sa ospital kapag ang dugo na lumabas ari ay matingkad na pula, at ang kahalong mucus ay hindi likido.
[Peke na pananakit]
Sa panahon ng ilang linggo/araw bago ang panganganak, may di-regular na kontraksyon ng matris sa ibaba ng tiyan, paminsan-minsan isang beses kada 20-30 minuto o dahan-dahang lalawig sa kada 30 minuto o higit pa; titigas ang ibaba ng tiyan habang nagko-contract ang matris, wala itong sakit o medyo masakit na nawawala sa pamamagitan ng masahe, paglalakad at pamamahinga. Ang katulad na pagko-contract ng uterus ay hind magiging sanhi ng pag-unat ng cervix, kaya ang tawag dito ay peke na pananakit, hindi totoong pananakit sa panganganak. Maaari kang magpahinga sa bahay nang hindi nagpapaospital.
[Regular na pananakit sa panganganak o pananakit ng baywang]
Tumitigas ang buong tiyan sa sitwasyon ng pananakit sa pagli-labor. Habang nasa yugto ng labor o pagsakit ng tiyan, ang itinatagal at lakas ay mas dumalas nang dumalas, ang itatagal at lakas ay dahan-dahang nadadagdagan hanggang 2~3 beses kada 10 minuto o isang beses kada 5 minuto, na tumatagal nang 15-30 segundo. Ang katulad na pananakit ay hindi napapahupa sa pamamagitan ng masahe o paglalakad. Ang kagayang palatandaan ay nagpapahiwatig ng parating na yugto ng pagli-labor, dapat kang maghanda sa panganganak sa ospital.
[Pagputok]
Ang pagputok ay sanhi ng amniorrhexis. Ang amniotic fluid ay likido na may malansang amoy at walang kulay, umaagos palabas ng ari bilang ihi, samantala, ito ay kakaiba, hindi mapipigilan ng buntis ang daloy nito. Pagkatapos ng pagputok, dapat hindi ka masyadong magkikilos at pumunta kaagad sa ospital. Mas mabuting humiga at magpahinga, na siyang paraan para sa pagtiyak ng seguridad.
[Kamalayan sa pagdumi]
Magbubuhos ka ng lakas sa puwit nang di-namamalayan at magkakaroon ng kamalayan sa pagdumi na mas malubha sa sitwasyon ng pananakit sa panganganak. Makipagkita kaagad sa doktor at huminga nang malalim/maghikab nang hindi pinipilit.
※Pinagmulan ng impormasyon: Website ng Heath Bureau
◎Paano maiwasan ang wala pa sa panahong panganganak
[Bago ang pagbubuntis]
Pagbutihin ang uri ng pamumuhay upang maiwasan ang wala pa sa panahong panganganak
- Ihinto ang paninigarilyo, pag-inom at droga, pagbutihin ang mga nutrisyon at pangkalusugang mga gawain, iwasan ang pagod sa trabaho, panatilihin ang magandang disposisyon, subukang magbuntis sa wastong edad, iwasan ang pinsala sa sistemang reproduktibo at hinikayat na pagpapalaglag.
Prinsipyo sa Pangkaraniwang Pagkain ng Babaeng Buntis at Nagpapagatas
1.Dapat pangalagaan ng isang babaeng naghahandang mabuntis ang kanyang katawan sa pinakamalusog na kalagayan. Panatilihin ang pinakamainam na timbang ng katawan bilang paghahanda sa pagbubuntis. Kung may tanong ukol sa pagkain ng buntis at ng nagpapagatas, maaring magtanong sa doktor o sa dietitian.
2.Timbang ng Katawan: Sa panahon ng pagbubuntis, ang timbang ng katawan ng taong nagdadalantao ay dapat magkaroon ng nararapat na pagbabago. Pinakamainam ang madagdagan nang 10-14 kilograms at bigyan ng pansin ang bilis ng pagdagdag ng timbang. Hindi nababagay ang magbawas ng timbang sa panahon ng pagdadalantao.
3.Calories
- Ayon sa mungkahi ng Dietary Reference Intakes (DRIs), dapat na madagdagan ng 300 calories bawat araw ang energy intake mula sa pangalawang stage ng pagdadalantao. Ngunit ang total calorie intake ng bawat tao sa isang araw ay naaayon at maaring mabago dahil sa edad ng babaeng nagdadalantao, ang kinakailangan na calorie, kalagayan ng kalusugan bago mabuntis at ang kalagayan ng pagdagdag ng timbang ng katawan.
- Ayon sa mungkahi ng Dietary Reference Intakes (DRIs), dapat na madagdagan ng 500 calories bawat araw ang energy intake ng mga inang nagpapasuso sa sanggol.
4.Protina:
- Ayon sa mungkahi ng Dietary Reference Intakes (DRIs), dapat na madagdagan ng 10 grams ng protina bawat araw mula sa unang stage ng pagdadalantao dahil sa pagsimula ng paglaki ng sanggol. Mahigit sa kalahati ng pinagmumulan ng protina ay galing sa may High Biological Value, HBV na protina, tulad nang low-fat dairy products, soya bean milk, tofu at iba pang mga yellow bean produkto, isda, karne at itlog.
- Sa panahon ng pagpapasuso sa bata, umaabot sa 850 ml ang gatas ng ina bawat isang araw sa 2-3 buwan makaraan makapanganak. Dahil may 1.1% na protina sa gatas, may 10 grams na protina ang naibibigay ng gatas ng ina sa sanggol, kaya iminumungkahi na dapat madagdagan ng 15 grams na protina ang pagkain ng inang nagpapasuso sa bata. Mahigit sa kalahati ng pinagmumulan ng protina ay galing sa may High Biological Value, HBV na protina.
5.Nadadagdagan ang pangangailangan ng madaming klaseng bitamina at minerals sa panahon ng pagdadalantao at pagpapasuso sa bata. Ang babaeng nagdadalantao o ang inang nagpapasuso ng kanyang gatas ay dapat magkaroon ng balanseng pagkain ng lahat ng uring pagkain. Kumain ng madaming gulay na kulay berde, mga whole grain cereals. Mahalaga na kumain ng mga natural na pagkain at huwag pipili lamang ng mga suplemento sa bitamina at minerals. Maaring magtanong sa doktor ukol sa mga mabibiling supplements upang magkaroon ng hustong minerals at sustansya ang nagdadalantaong babae.
6.Minerals
- Calcium: Dapat magkaroon ng sapat na calcium sa panahon ng pagdadalantao at pagpapasuso sa bata. Ang babaeng nagdadalantao o ang inang nagpapasuso ng kanyang gatas ay nirerekomendang magkamit ng 1000 miligramo na calcium sa isang araw upang matugunan ang pangangailangan ng bata sa paglaki at sa pangangailangan ng katawan ng ina. Mga pagkaing masagana sa calcium: low-fat na gatas, dairy products, tofu, mga madahong berdeng gulay at iba pa.
- Iron: Nadadagdagan ang pangangailangan ng iron sa panahon ng pagdadalantao. Mungkahi na magkaroon ng 15 miligramo bawat araw sa una at pangalawang stage ng pagbuntis, 45 miligramo bawat araw sa pangatlong stage ng pagbuntis at sa nagpapasuso ng gatas. Bukod sa pangangailangan ng taong buntis at ng bata sa tiyan sa iron, iniipon ang madaming iron sa katawan ng sanggol upang magamit niya sa unang apat na buwan ng kanyang pagkasilang. Ang hindi sapat na sustansyang iron sa pagbubuntis ay maaring magkaroon ng hindi magandang epekto sa utak at pag-iisip ng sanggol. Mga pagkain na masagana sa iron: madahong berdeng gulay, pulang karne, atay at mga laman-loob, mga kabibi at iba pa.
- Iodine: Ang malubhang kakulangan ng iodine sa pagdadalantao ay maaring maging sanhi ng retardation o apektado sa pag-iisip ng sanggol at posibilidad na mamatay ang bata. Nirerekomenda na ang mga nagdadalantao ay may 200 microgram ng iodine sa isang araw, mga nagpapasuso ng gatas 250 microgram ng iodine sa isang araw. Mga pagkain na masagana sa iodine: mga damong-dagat, kabibi, gulay na kulay berde, itlog, gatas, grains at iba pa. Pinakamasagana ang iodine sa mga damong-dagat at maari ring gumamit ng iodized na asin.
- Sodium: Kailangan ikontrol ang pagkamit ng sodium sa mga may mataas na presyon ng dugo o pamamaga ng katawan sa panahon ng pagdadalantao.
- Magnesium: Ang pagdagdag ng pagkamit ng magnesium sa panahon ng pagdadalantao ay makakabawas sa posibilidad ng sakit na epilepsy at iba pang abnormality sa bata. Ang mga nagdadalantao ay rekomendadong magkaroon ng 355 mg ng magnesium bawat araw, 320 mg ng magnesium bawat araw sa mga nagpapasuso ng gatas. Ang magnesium ay matatagpuan sa mga berdeng gulay tulad ng spinach at repolyo, whole grains, nuts, saging at iba pa.
- Zinc: Ang kakulangan ng zinc ay maaring maging sanhi ng retardation o apektado sa pag-iisip ng sanggol. Ang mga nagdadalantao o nagpapasuso ng gatas ay dapat magkaroon ng 15 mg sa isang araw. Mataas ang laman na zinc sa mga pagkaing atay, karneng walang taba, talaba, isda, hipon, alimango at iba pa.
- Mga iba pa: Ang pagkamit ng mga minerals ay dapat umabot sa halagang sang-ayon sa Dietary Reference Intakes (DRIs) at huwag hihigit sa maximum limit intake.
7.Bitamina
Nadadagdagan ang pangangailangan sa karamihan ng bitamina sa panahon ng pagdadalantao at pagpapasuso sa bata.
- Ang pangangailangan sa Bitamina B1、B2、B6 at niacin ay sumasang-ayon sa pagtaas ng calories at protina. Ang Bitamina B1 ay pinakamadami sa wheat germ. Bukod dito, pinakamahalagang pinagkukuhanan nito ang mga nuts, karneng walang taba, atay, yellow beans at iba pa. Ang Bitamina B2 ay matatagpuan sa gatas, dairy products at grains; Bitamina B6 sa karne at whole grains. Ang mga pagkain na masagana sa niacin ay atay, karneng baka, baboy at manok, isda, itlog, gatas, keso, brown na bigas, yeast, kabute, damong-dagat at iba pa.
- Bitamina B12: Ang kakulangan ng Bitamina B12 sa ina ay maaring maging sanhi ng diperensya sa mga nerves ng sanggol. Dapat bigyan ng pansin ang pagkamit ng Bitamina B12, lalo na sa mga vegetarian. Mga pagkain na masagana sa Bitamina B12: mga pagkain na karne, pinakamasagana ang atay.
- Mga iba pa: Ang pagkamit ng mga minerals ay dapat umabot sa halagang sang-ayon sa Dietary Reference Intakes (DRIs) at huwag hihigit sa maximum limit intake.
8.Ang Kahalagahan ng Folic Acid
- Ayon sa imbestigasyon sa mga bagong silang sa bansa sa taong 1993-2002, ang pangyayaring may depekto sa mga nerves sa 10 taon ay 0.4-10/00, may average na 7/10,000 ang rate ng pangyayari. Base sa pagsasaliksik na ginawa ng Estados Unidos, ang sapat na pagkamit ng folic acid sa panahon ng pagdadalantao ay makakapigil sa posibilidad ng pagkakaroon ng depekto sa utak at congenital neural tube defects sa spinal column ng sanggol. Maaring mabawasan ng 50-70% ang pangyayari ng depekto sa utak at congenital neural tube defects sa spinal column. Ayon sa DRIs, mungkahi ang pagkain ng 400 microgram folic acid bawat araw sa mga kababaihan. Ang babaeng naghahandang magdalantao (1 buwan bago magdalantao) hanggang sa panahon ng pagdadalantao ay dapat magkamit ng 600 micrograms na folic acid bawat araw para sa pangangailangan ng kanyang sarili at ng sanggol.
- Ang folic acid ay matatagpuan sa madaming klaseng pagkain at masagana sa mga berdeng gulay, karne na walang taba, atay, yeast at mga pagkain na gawa sa yellow beans. Mungkahi na maunang magkamit ng folic acid mula sa mga naturang pagkain. Kung hindi sapat sa pangkaraniwang pagkain, maaring magtanong sa doktor ukol sa tabletas ng folic acid.
9. Dapat balanse ang pagpili sa pagkain. Mga pagkain na dapat bawasan o iwasan ng babaeng nagdadalantao o nagpapasuso ng gatas sa sanggol:
- Sigarilyo, alak, kape at tsaa.
- Pagkain na masyadong madami ang mantika: karneng may taba, pritong pagkain at iba pa.
- Karneng ibinabad at ibinuro, maalat na itlog, isdang daing, hamon, burong tofu at iba pa.
- High-calorie na pagkain: kendi, softdrinks at iba pa.
10.Kapag may pagsusuka at masama ang nararamdaman sa simula ng pagbubuntis, maaring kumain nang unti-unti at damihan na lamang ang beses ng pagkain. Piliin ang mga low-fat na pagkain at walang anghang. Sa umaga, maaring kumain ng biskwit, rolls o tinapay para maiwasan ang pagsusuka. Sa huling stage ng pagdadalantao, iwasan ang pagkain ng masyadong madaming carbohydrates at fats upang hindi madagdagan ang taba sa katawan.
11.Huwag kumain ng Chinese medicine nang hindi sinisigurado ang paraan ng paggamit ng gamot sa sertipikadong doktor ng Chinese medicine.
12.Magkaroon ng naaangkop na ehersisyo bawat araw at sundin ang mga kaugnay na bagay sa kaligtasan sa ehersisyo.
(※ Impormasyon mula sa Handbook ukol sa Kalusugan ng Babaeng Nagdadalantao, Kawanihan ng Kalusugan at Kapakanan Administrasyon sa Pagpapalaganap ng Kalusugan)
Pag-iwas at Pagpigil sa mga Genetic Sakit
May humigit-kumulang sa 25,000 genes sa loob ng katawan ng tao. Ang mga genes na ito ay naipapasa sa sumusunod na henerasyon sa pamamagitan ng DNA duplikasyon. May 5-10 genetic deficiency sa bawat isang tao. Kahit na makikitang malusog ang kalagayan ng mag-asawa, maaring isa o pareho sa kanila ay may genetic disorder at magkaroon ng anak na may genetic sakit.
◎Mahalagang Bagay ukol sa Pagcheck-up sa Pagdadalantao:
Para sa pangkaraniwang walang historya ng sakit sa pamilya, hindi mahigit sa 34 edad na nagdadalantaong ina, ang 10 beses pre-natal eksaminasyon na bigay ngayon ng Health Insurance ay sapat upang malaman ng doktor at ng ina ang mga pagbabago at kalagayan ng sanggol sa buong panahon ng pagdadalantao. Ngunit kung kakayanin ng pera, maaring makipag-usap sa doctor at dagdagan ng ilan pang eksamen sa sariling gastos.
Sa kasalukuyan, madaming klaseng sariling pinaggagastusan na eksaminasyon ngunit higit na nirerekomenda ang eksaminasyon para sa Spinal Muscular Atrophy sa pang-12 hanggang 20 linggo ng pagdadalantao. Ang sakit na ito ay maaring manahin at may dalang panganib sa buhay. Kung ang isa sa magulang ay may dala nito (carrier), ang bawat sanggol ay may 25 na posibilidad na maaring maging biktima. Ito ang dahilan kung bakit mungkahi na gawin ang eksaminasyon sa bawat sanggol.
Ang Down’s Syndrome ay isang madalas mangyaring genetic sakit. Mas mataas ang pagkakataon sa mga nagdadalantao na 35 taon gulang at higit pa ngunit mayroon pa ring 80% ng mga sanggol na may Down’s Syndrome ay isinilang ng inang hindi pa umaabot sa 34 taon gulang. Kaya mungkahi sa mga nagdadalantaong ina na wala pang 34 taon gulang, na gumawa ng eksaminasyon para sa Down’s Syndrome at ayon sa resulta ng eksaminasyon, gumawa ng pasya kung gagawa ng amniotic fluid test upang mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng sanggol na may Down’s Syndrome.
Kapag ang ina ay dati nang may anak na may kakaibang sakit o may hereditary na sakit sa pamilya, lalong kinakailangan at maagang makipagkonsulta sa doktor, makibagay sa paggawa ng Chorionic Villus Sampling sa pang-10 hanggang 12 na linggo, amniotic fluid test sa pang-16 hanggang 20 na linggo, advanced level ultrasound scan sa pang-20 hanggang 24 na linggo, upang magawa ang mga chromosome test at iba pa.
Ang lahat ng tao ay may panganib na magkaroon ng genetic (pinagmamanang) sakit. Ang bawat nagdadalantaong ina ay dapat sumunod sa iskedyul at gumawa ng pre-natal check-up at makibagay sang-ayon sa doktor.
(Impormasyon mula sa Taiwan Foundation for Rare Disorders)
Napaagang Panganganak (Premature Delivery)
Ang napaagang panganganak ay tumutukoy sa pagsilang sa sinapupunan na sanggol sa ika-20 linggo at hindi pa umaabot sa ika-37 na linggo ng pagdadalantao. Hindi maginhawa ang pag-aalaga sa sanggol na maagang ipinanganak. Malaking dahilan ito sa pagkamatay ng bagong silang na sanggol. Hindi pa rin malaman ang 50% na dahilan kung bakit nangyayari ang napaagang panganganak. Sakop sa mga nalalaman na dahilan ang:
Pangkabuhayang Kasanayan | Kalagayan bago Magdalantao | Sa panahon ng Pagdadalantao |
Oo/Hindi | Oo/Hindi | Oo/Hindi |
Karamihan ng mga dahilan na ito ay maaring maagap bago magdalantao. Kapag nakita ang mga sumusunod na senyas, kailangang magpagamot kaagad.
Oo/Hindi □□ May contractions sa uterus 6 na beses sa loob ng 1 oras o 1 beses bawat 10-15 minutos,at walang pagbabago kahit magpahinga nang 30 minutos. Maaring walang sakit ang contraction pero tumitigas ang tiyan at may pakiramdam na bumababa ang tiyan. □□ May naramdaman na sakit tulad nang nararanasan bago magkaroon o tuwing may regla □□ May naramdaman na bumababa ang uterus at parang nadadaganan ang vagina □□ Walang ibang paraan upang mapaginhawa ang sakit sa likod (bandang ibaba) ng katawan □□ Hindi matigil ang pagtae (loose bowel) o sakit ng tiyan □□ Dumami ang tubig, malagkit at may dugong discharge sa vagina □□ Pakiramdam na nabawasan nang higit sa kalahati ang paggalaw ng bata sa sinapupunan |
(Kapag ikaw ay sumagot ng Oo sa alinmang senyas sa itaas, ikaw ay maaring maging isang nagdadalantaong may mataas na panganib. Tandaan na sabihin sa doktor upang makatulong sa diagnosis at upang matiyak ang kalusugan ng iyong sarili at ng sanggol sa tiyan. Maaring tumingin sa website ng Premature Baby Foundation of Taiwan) |
(Impormasyon mula sa Handbook ukol sa Kalusugan ng Babaeng Nagdadalantao, Kawanihan ng Kalusugan at Kapakanan Administrasyon sa Pagpapalaganap ng Kalusugan)
Senyas ng Panganganak
Ang 2 linggo bago at makaraan ang expected date ng panganganak ay kabilang sa normal na inaasahang araw ng panganganak. May makikitang mga senyas kapag palapit na ang inaasahang araw ng panganganak:
1. Mas magaan ang pakiramdam
Ilang linggo bago dumating ang inaasahang araw ng panganganak, ang ulo ng sanggol ay bababa sa may balakang. Gagaan ang pakiramdam ng ina, magkakaroon ng ganang kumain at magiging maayos ang paghinga.
2. May patak ng dugo
Unti-unting magbubukas ang uterus at lalabas mula sa vagina ang discharge na malagkit at may halong dugo mula sa uterus.
3. Paulit-ulit na sakit o sakit sa baywang
- Sa simula, sakit na walang regular pattern, unti-unting magkakaroon ng pattern. Unti-unting humahaba ang tagal ng sakit.
- Mararamdaman ang sakit sa buong tiyan at likod, lalo na sa may balakang.
- Tumitigas ang uterus tuwing may naramdamang sakit, at lumalambot kapag hindi masakit.
- Hindi gumagaan ang sakit kahit magpamasahe o maglakad.
4. Lumabas ang Madaming Tubig (Amniotic Fluid) mula sa Vagina
Nabutas ang membrane na nagproprotekta sa sanggol, lumabas ang tubig (amniotic fluid) mula sa vagina. Sa ganitong sitwasyon, may sakit mang naramdaman o wala, bawasan ang paglalakad at pumunta agad sa ospital.
★ Kailan dapat pumaroon sa Delivery Room?
Tumungo agad sa Delivery Room tuwing may isa man sa mga sumusunod na senyas:
- May pattern ang sakit ng tiyan: Sa unang sanggol, 1 beses na sakit bawat 7-8 minutos. Sa pangalawang sanggol, maari nang manganak basta’t may pattern ang sakit.
- May dugo kasabay nang may pattern na sakit
- Paglabas ng tubig (amniotic fluid)
( Impormasyon mula sa Handbook ukol sa Kalusugan ng Babaeng Nagdadalantao, Kawanihan ng Kalusugan at Kapakanan Administrasyon sa Pagpapalaganap ng Kalusugan)