Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
Ang mga bagong imigrante ay dapat mag-apply para sa pagkawala ng orihinal na nasyonalidad sa orihinal na pamahalaan o embahada sa Taiwan o awtorisadong ahensiya, bago mag-apply para sa naturalisasyon sa Republika ng Tsina mula pa ng makuha ang permiso para sa pagiging banyagang residente. Iminumungkahi na tanungin ang orihinal na pamahalaan, embahada sa aming bansa o awtorisadong ahensiya dahil ang mga alituntunin ng estado ay iba-iba.

〔Mga tala〕: Isama ang bersyon sa Instik kung ang mga kinakailangan na mga dokumento ay nasa wikang banyaga. Ang mga dokumento, na ipinagkaloob ng banyagang embahada sa Taiwan o ng mga awtorisadong ahensiya ay sisiyasatin ng Ministeryo ng mga Banyagang Ugnayan; ang ipinagkaloob sa ibang bansa, ay kikilalanin ng aming embahada sa ibang bansa at muling susuriin ng Ministeryo ng mga Banyagang Ugnayan. Kung nag-apply sa aming banyagang embahada at inaprubahan para sa pagsusumite sa Panloob na Ministeryo sa pamamagitan ng Ministeryo ng mga Banyagang Ugnayan, ang dokumento ay maaaring hindi isama sa muling pagsusuri ng Ministeryo ng mga Banyagang Ugnayan. Ang bersyon sa Instik ay patutunayan ng kapwa banyagang embahada at ng mga notaryo ng aming bansa.