Kapag ang bagong residente ay may suliranin sa pagsasaayos ng damdamin, pagdisiplina ng magulang sa anak, kasal ng mag-asawa, relasyon at pakikisama sa ibang tao, pagsasanay sa trabaho, stress, pagkabalisa, hindi makatulog at iba pa, o nakakaramdam ng depresyon o may nais na magpakamatay, maaaring humingi ng tulong sa sikolohikal na pagpapayo. Gagamitin ng psychologist ang mga kasanayan sa pakikipanayam at may tagasalin na pamilyar sa kultura upang magsagawa ng talakayang one-on-one o sa pamilya, tumulong sa paghanap ng dahilan na nagdudulot ng problema, magkasamang italakay ang mas magandang paraan sa pag-aangkop, o linawin ang mga kahirapan sa buhay at madagdagan ang inter-aksyon sa loob ng pamilya. Tutulong itong serbisyong paggabay sa kalusugang pangkaisipan at aalagaan ang mga bagong residente na malagpasan itong paghihirap. Sa proseso nitong pagbibigay ng silbi, walang babayaran ang bagong residente. Maaaring humingi ng tulong sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Community Mental Health Center, Kagawaran ng Kalusugan sa Lungsod ng Taipei:
(1) Community Mental Health Center sa Distrito ng Zhongzheng: No. 5, Sec. 1, Jinshan S. Road, Distrito ng Zhongzheng, Lungsod ng Taipei
(2) Community Mental Health Center sa Distrito ng Wanhua: Bldg. B, No. 152, Dongyuan St., Distrito ng Wanhua, Lungsod ng Taipei
(3) Community Mental Health Center sa Distrito ng Wenshan: 1F, No. 220, Sec. 3, Mucha Road, Distrito ng Wenshan, Lungsod ng Taipei
(4) Hotline sa Sikolohikal na Pagpapayo: (02)3393-7885, Oras ng pagsisilbi: Lunes hanggang Biyernes 9:00AM-22:00PM
2. Pearl S. Buck Foundation sa Lungsod ng Taipei: 4F, No.232, Changchun Road, Distrito ng Zhongshan, Lungsod ng Taipei, telepono: 02-2504-8088 ext.26
3. New Residents Family Development Association: 4F-5, No. 56, Sec. 1, Heping W. Road, Distrito ng Zhongzheng, Lungsod ng Taipei, telepono: 02-2369-1001