Ayon sa Regulasyon Art. 62 ng Batas ng Imigrasyon: “Ang sinumang tao ay hindi maaring gumawa ng diskriminasyon dahil sa nasyonalidad, lahi, kulay ng balat, uri, lugar kung saan ipinanganak at iba pang dahilan, sa kanino mang taong nakatira sa Taiwan. Dahil ang mga nasabing diskriminasyon ay lumalabag na sa karapatan at sa mga iba pang regulasyon sa batas, gumawa ng reklamo ayon sa sitwasyon ng pang-aapi sa mga may karampatang awtoridad . . .” Para sa mga may kaugnay na paraan ng pagrereklamo, maaring tingnan ang Ministro ng Interior Immigrations Agency website: "Impormasyon ukol sa Reklamo sa Diskriminasyon sa mga Taong Naninirahan sa Taiwan. ”