Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
Kapital: Naypyidaw
Wika: Burmese, Ingles
Pambansang bulaklak: Ixora Chinensis
Relihiyon: Budismo (89%)
Pera: Kyat


Heograpikong lokasyon
Matatagpuan sa kanluran ng Peninsula ng Indo-Tsina. Karatig ng Mainland ng Tsina sa hilaga, India at Bengal sa hilagang-kanluran, nasa hangganan ng Laos, Thailand sa timog-silangan. Karatig ng Look ng Bengal at Dagat ng Andaman sa timog-kanluran.


Buod ng Kasaysayan
Pagkatapos mabuo ang pinag-isang bansa noong 1944, ang Myanmar ay nakaranas ng tatlong piyudal na dinastiya. Sa ika-19 na Siglo, inokupa ng United Kingdom ang Myanmar pagkatapos simulan ang 3 digmaan upang salakayin ito. Noong 1886, ang Myanmar ay hinati upang maging isang probinsiya ng British India. Noong 1937, ang Myanmar ay naging independiyente mula sa British India at direktang kinokontrol ng gobernador na Briton. Inokupa ito ng Japan noong Mayo 1942. Noong Marso 1945, bumangon ang buong bansa at nabawi ang Myanmar. Muli, kinontrol ng United Kingdom ang Myanmar pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong Enero 4, 1948, Ang Myanmar ay naging independiyente mula Komonwelt na Briton at ipinatupad ang sistema ng demokratikong parliyamento na may maraming partido sa Pamahalaang U Nu.

Noong 1962, inilunsad ni Heneral Ne Won ang reporma, pinabagsak ang Pamahalaang U NU at itinatag ang 「Rebolusyonaryong Komite」. Noong Enero 1974, inisyu ang bagong mga polisiya at itinatag ang Asemblea ng Mga Tao. Ang bansa ay pinangalanang 「Sosyalistang Republika ng Unyon ng Myanmar」. Noong Hulyo 1988, bumaba ang ekonomiya ng Burma at naganap ang demonstrasyon sa buong bansa. Sa Setyembre ng taong iyon, humalili ang mga sundalo sa rehimen, nilansag ang konstitusyon, tinanggal ang konstitusyon at pinalitan ang pangalan ng bansa bilang「Ang Unyon ng Myanmar」. Noong Oktubre 21, 2010, pinalitan ng Pamahalaan ng Myanmar ang pambansang bandila at simbolo batay sa bagong konstitusyon ng 2008 at pinalitan ang pangalan ng bansa bilang 「Ang Republika ng Unyon ng Myanmar


Mahalagang mga pagdiriwang
  • Thingyan
    Bawat Gitnang Abril ay ang Bagong Taon ng Myanmar. Samantala, ito ang tradisyonal, abalang Thingyan. Ang tawag sa Burmese ay「Sakripisyo sa tubig sa lunar na Enero」, na nangangahulugng parating ang bagong taon. Ang Bagong Taon ng Burma ay nagsisimula matapos ang pagwawakas ng transisyon na yugto ng Thingyan. Ang buong seremonya ay tumatagal ng 3~4 araw; ang unang 3 araw ay upang tanggalin ang luma at papasukin ang bago. Mula sa kasiyahan ng mga tao sa pagwiwisik ng tubig, mararamdaman natin ang kahulugan ng kasabihan ng Burma「kasayahan at kakayahang tumagal」.
     
  • Thadingyut
    Bawat Hulyo, ayon sa kalendaryo ng Burma (mga Oktubre ayon sa kalendaryong Gregorian) ay ang Thadingyut ng Myanmar. Sa panahon ng Thadingyut, lahat ng templo ng Budista at mga pamilya ay nagsisindi ng mga lamparang ginagamitan ng langis at mga ilaw; ang mga habong ng lampara (lamp shed) ay inilalagay sa buong lungsod. Ang mga gusali sa kalye ay pinapalamutian ng makukulay na mga lampara. Lahat ng mga paputok at ilaw ay lumilitaw sa kalangitan sa gabi. Kumakanta at sumasayaw ang mga tao. Sa probinsiya, may kaugalian ng pagsisindi ng mga ilaw sa ilog at mga ilaw sa kalangitan (tinatawag din na ilaw ng Kongming).