Upang matulungan ang mga bagong imigrante sa mahusay na pagsasanay sa local na lipunan at upang matanggap ng mga mamamayan ang madaming klaseng kultura, itinayo ng Kawanihan ng mga Gawaing Sibil ng Pamahalaan ng Lunsod ng Taipei ang kaunahang “New Immigrants’ Hall”sa Lunsod ng Taipei noong Pebrero 26, 2005.
Ang New Immigrants’Hall ay inayos na tulad ng bahay upang maramdaman ng mga bagong imigrante ang tulad nang nasa sariling bansa, maaring magbasa ng mga pahayagan at magasin, makilala at makipagkaibigan sa sariling kabayan, at maari pang sumali sa mga kursong pag-aaral. Sa lugar na ito, ang mga bagong imigrante ay maaring makakuha ng tulong at maari ring tumulong sa mga iba pang nangangailangan.
Ang pagtaguyod ng New Immigrants’ Hall ay pagpapatibay ng pananagutan at tungkulin ng Pamahalaan sa mga bagong imigrante, at ipinamalas ang malugod na pagtanggap ng Taiwan sa mga imigrante, nagbibigay ng tulong sa mga imigrante upang madaling masanay at maging bahagi ng lipunan pasulong sa isang bagong yugto sa buhay.