Q: ANO-ANO ANG MGA PAKINABANG NG GATAS NG INA? A: Mga pakinabang ng gatas ng ina:
Nutrisyon Naglalaman ng immunoglobulin at mayaman sa DHA (polyunsaturated fatty acids), na nakakatulong sa mga sanggol sa paglaban sa impeksiyon, pagpapahusay ng utak at retina.
Pagtunaw Ang lactalbumin, ang protina sa gatas ng ina, ay natutunaw. Ang lipase na pinaghiwa-hiwalay ng gatas ng ina ay pinaka-natutunaw, nasisipsip at kapaki-pakinabang para sa mga sanggol. Ang electrolyte at Fe na may mas mataas na pagsispsip at pakinabang ay maaaring makapagbabawas sa problema sa bato (nephritic burden) ng mga sanggol kahit na ang nilalaman ay mas mababa kaysa produktong gatas.
Mga Pangangailangan Nagpapaalab sa relasyon ng ina-sanggol, umaakto bilang pampagising ng pag-iisip (mental impetus) ng mga sanggol, nagpapakuntento sa mga pangangailangan sa pagsuso at sikolohikal na pagkabusog, at nagbibigay ng pakiramdam ng seguridad upang mapagbuti ang kanilang kakayahang makibagay.
Ekonomiya Mas mura sa gastos: nagtitipid ng mga gastos para sa mahalagang mga kasangkapan at pagkain, at iba pa, na kailangan para sa pagpapadede ng pormulagatas ng hayop, at tighawan ang malaking pabigat na pang-ekonomiya sa pamilya.
Kalusugan Ligtas Ang gatas ng ina ay maiinom nang direkta, kaya ang polusyon na sanhi ng di-wasong paglilinis ng bote ng dede o paglilinis ng kamay ay maiiwasan. Ang mga posibleng panganib na mula sa di-wastong pagpapakulo o produksiyon ay maaari ring maiwasan.
Kumbinyente Hindi na kailangang gumamit ng mga kasangkapan o pamatay ng mikrobyo, ito ay kumbinyente sa paglabas at pag-inom anumang oras, at ang gatas ay pinaka-sariwa at ang temperatura ay pinaka-wasto para sa mga sanggol.
Hitsura Ang mga sanggol ay kailangan ng paggalaw ng bibig kapag sumisipsip sa gatas ng ina, kung saan ang gilagid ay lumalakas at ang mukha ay bumubuti.
Proteksiyon Kung pinapasuso ng gatas ng ina, ang mga sanggol na may mga alerhiya ay makakaiwas mula sa pagtatae, pagsusuka, pamamaga ng trachea (daanan ng hangin), hika, eczema (sakit ng balat) at di-normal na paglaki, at iba pa na sanhi ng alerhiya sa gatas ng hayop.
Tulong sa mga ina Nakakatulong sa kontraksyon ng matris, nagpapadali sa pagrekober pagkatapos ng panganganak, at nagpapaantala sa pagbalik ng dalaw pagkatapos manganak upang matupad ang natural na pamigil sa pagbubuntis. Nilulusaw ang mga calorie at nakakatulong na maging husto ang hugis. Nasa estadistika na ang ina na nagpapasuso ay nasa mababang panganib ng kanser sa suso, kanser sa obaryo at osteoporosis.
Q:Sapat ba ang aking gatas? A: Ang karamihan sa mga ina na nagpapasuso ay may katulad na pag-aalala at nagpapalagay na umiiyak ang mga sanggol dahil sa gutom. Dapat nating malaman ang mga pangangailangan ng mga sanggol; karamihan sa kanila ay may sapat na gatas para sa kanilang sariling mga sanggol, dahil ang paglabas ng gatas ay ginawa para sa mga pangangailangan ng sanggol. Ang di-sapat na gatas na ipinapalagay nila ay malaki ang idinadahilan sa mas kaunting oras ng pagdede ng mga sanggol, kaya “mas madalas ang pagdede ng mga sanggol, mas maraming gatas ang nailalabas”. Kung dagdagan ng pormula o gatas ng hayop, ang oras na pagsuso ay lalawig at mababawasan, ang mga sanggol ay masasanay sa pag-inom ng gatas sa pamamagitan ng boteng pampadede, at hindi na gugustuhing dumede sa suso ng ina.
Q: Kailangan ba ng ina ng espesyal na pagkain upang madagdagan ang gats sa panahon ng pagpapasuso? A: Napag-aralan na ang dami ng gatas at ang kalidad ay walang direktang kaugnayan sa pagkain ng masustansiya, ngunit may kaugnayan sa pagsuso ng mga sanggol sa maunlad/papaunlad na mga bansa. Kaya, ang gatas ng ina ay makakatugon lang sa mga pangangailangan ng mga sanggol kung ang mga sanggol ay nasisigurong makasuso at magkaroon ng gatas sa bibig nang wasto, at mapasuso kung gusto nila.
Q: Sa kaso ng pagpapasuso, ilang beses sa isang araw ang normal? A: Ang beses ng pagdumi ay malaki ang kaibahan sa unang iilang linggo kung ang mga sanggol ay pinapasuso ng gatas ng ina. Sa pangunahing una o dalawang buwan, ang dumi ay karaniwang manipis na may kaunting mucus at mga maliliit na bagay o particle, maasim ang amoy. Maaaring dudumi ang mga sanggol kahit na pagkatapos agad uminom ng gatas nang posibleng higit sa walong beses sa isang araw. Ito ay normal, hindi pagtatae. Ang katulad na pagdumi ay maaaring tatagal at hindi magkakahugis hanggang ang mga sanggol ay pinapakain ngg solidong pagkain. Pagkatapos ng isa o dalawang buwan, ang ilang sanggol ay maaaring dudumi isang beses ng buo-buong dumi (loose stool) kadalasan sa maraming araw, kahit na dalawang linggo pinaka-mahaba. Ito hindi matigas na dumi o hirap sa pagdumi, na nagpapahiwatig na ang gatas ng ina ay pinaka-mainam na pagkain na nasisipsip nang lubos nang walang anumang nalalabi. Kapag natiyak lang na ang mga sanggol ay walang pagbinat ng tiyan o pag-iyak dahil sa sakit, ang sigla at pagiging nauunat ng balat ay mabuti, at ang dami ng ihi ay normal, walang dapat ipag-alala kahit na sa dami ng beses ng pagdumi.
Q: Ano ang aking gagawin sa pagkapuno? A: Sa sitwasyon ng pagkapuno, dapat mong hayaan ang mga sanggol na sumuso pa upang tanggalin ang gatas, mapalambot ang suso at di-mabarahan ang mammary gland. Kung hindi makakuha ng lubos na ginhawa pagkatapos ng pagpapasuso, maaari mong pigain ang ilang gatas upang matighawan ang pagkapuno.
Q: Ang ina ba ay maaaring patuloy na magpasuso sa dibdib kahit na nagkaroon ng sipon o nagtatae? A: Oo, maaari mong gawin. Kung ang isang ina ay may impeksiyon ng iba’t ibang bakterya o virus mula sa labas, ang partikular na nailalabas na immunoglobulin A laban sa mga virus na ito ay magkakahugis sa katawan at humahalo sa gatas. Samantala, ang leukocytes na napalapat sa katulad na mga virus sa katawan ng ina ay magpapa-aktiba sa phagocyte at lymphocyte, at iba pa, papunta sa epithelium ng suso, at magpapalabas ng mga antibody sa gatas. Dahil sa ilang pampalabas na kasangkapan sa gastrointestinal tract ng mga sanggol, ang katulad na naipalabas na immunoglobulin A at mga antibody ay hindi mapipinsala ng gastric acid, at poprotekta sa mga katawan mula sa mga mikrobyo. Ang pagpapatuloy sa pagpapasuso ay higit na poprotekta sa mga sanggol kahit na ang ina ay may impeksiyon o nagkasakit. Kung umiinom ng mga antibiotic, maaari pa ring magpasuso ang ina, ngunit kailangang obserbahan ang pagdumi ng sanggol. Magtanong sa mga doktor tungkol sa gamot sa kaso ng pagkabahala.
Q: Ano ang magagawa ko sa pagsusuka ng gatas? A: Normal ito sa pagka-sanggol. Malamang na sumuso siya nang mas marami kaysa kaya ng kanyang tiyan, sumusuka habang sumisinok pagkatapos pinadede, o maaaring susuka sa loob ng isa o dalawang oras pagkatapos pededehin. Karaniwan, ang sitwasyon ay hindi makakabikig sa mga sanggol, makapagpa-ubo o magbigay ng kawalang-ginhawa, may kaunting panganib kapag naganap ito habang sila ay natutulog .Ang ilang bata ay madalas na isinusuka ang gatas, karaniwang bumubuti kapag nakaupo sila nang mas matagl. May kakaunting mga bata ang nagsusuka pa rin hanggang sila ay mga 1 taong gulang. Kung ang mga bata ay malakas na isinusuka ang lahat ng gatas nang higit sa dalawang beses kada araw pagkatapos pasusuhin, o ang pinagsamang timbang ay di-normal na nadadagdagan, dapat kang makipagkita sa doktor para sa diyagnosis. Ang pagsusuka ay nababawasan sa pamamagitan ng sumusunod na mga hakbang:
Ipadede ang gatas nang kalmado at dahan-dahan.
Iwasan ang biglaang suspensiyon, ingay/maliwanag na istimulasyon, o iba pang nakaka-istorbong bagay habang nagpapadede.
Panatilihing nakatayo nang tuwid ang mga sanggol pagkatapos padedehin.
Huwag laruin ang mga sanggol nang paloko-loko pagkatapos padedehin.
Padedehin ang mga sanggol bago sila maging gutom na gutom (huwag silang hayaang umiyak nang labis).
Tiyakin na ang butas para sa gatas ng boteng pampadede ay hindi napakalaki o napakaliit.
Habang natutullog, iangat ang itaas ng kama upang ang ulo ng sanggol ay mas mataas kaysa tiyan o pahigain silang patagilid sa kanang bahagi.
Mangyaring makipagkita kaagad sa doktor ng mga bagong panganak na sanggol/pediatrics department para sa diyagnosis kung ang mga sanggol ay bumuga ng gatas kada pagpapadede, ang suka ay manila-nilaw, ang timbang ay katulad pa rin dahil sa pagsusuka, ang pinagsamang sigla at pagsipsip ay sumama, o ang dami ng pag-inom ng gatas ay malinaw na nababawasan.
Q: Gaano katagal ang pagpapasuso ng gatas ng ina, pinakamababa? A: Nagmungkahi ang WHO at ang Unicef noong 1999: magpadede ng gatas ng ina sa loob ng 30 minuto ~1 oras pagkatapos maisilang ang mga sanggol, at:
Magpadede lang ng gatas ng ina sa panahon ng 0~6 buwan.
Magbigay ng dagdag na pagkain pagkatapos ng 6 na buwan.
Ipagpatuloy ang pagpapasuso hanggang ang mga sanggol ay 2 taong gulang o higit pa.
Nagmungkahi ang American Academy of Pediatrics na ang pagpapasuso sa gatas ng ina ay dapat tatagal hanggang higit sa 1 taong gulang ang bata, saka ang ina at bata ay magkasamang magpapasya sa paraan at panahon ng pag-awat sa sanggol sa pagsuso sa ina.
Q: MAAARI BANG ANG INA AY HINDI KUMAKAIN NG KARNE SA PANAHON NG PAGPAPASUSO? A: Sigurado. Ang pagkakaroon ng buong nutrisyon at pagkain ng Vitamin B12, ang mga ina na gatas ng ina (pahabol: Ang Bitamina B12 ay nasa pagkaing galing sa hayop lang). vegetarian o hindi kumakain ng karne ay nakapagpapalabas din ng kumpletong masustansiyang
Q: Saan ako makakahanap ng materyal o babasahin sa pagpapasuso? A: *.Taipei City Government衛生局官方網站 》pampakay seksyon 》婦幼優生》母乳哺育 *.衛生福利部國民健康署 孕產婦關懷諮詢網站》母乳哺育