Mga batang mas bata sa edad na 12 ng aming siyudad at sumusunod sa isa sa mga sumusunod na katangian ng allowance:
- Itinakdang low-income household, middle low-income household ng Lunsod ng Taipei.
- Mga preschooler na itinalaga at inilagay namin sa kakalingang bahay.
- Mga batang itinalaga at inilagay namin sa preschool.
- Mga batang nasa pamilyang kritikal.
- Mga batang mas bata sa edad na 6 sa pamilyang nasa sa espesyal na sitwasyon.
- Mga bata na agarang kinakailangan ng pangangalaga batay sa pagtatasa namin (tumutukoy sa mga tagapag-alaga ng mga bata na hindi nag-aalaga sa mga bata ng naaangkop at nangangailangan na agarang pangalagaan ng isa pa batay sa pagtatasa namin).
Mga yunit na nag-aayos:
Kagawaran ng Kapakanan ng mga Kababaihan at Pangangalaga sa mga Bata ng Kagawaran ng Panlipunang Ahensiya
1999 (para sa nasa labas 02-2720-8889) ekstensyon 1623-1625
Mga batang mas bata sa edad na 0-12 ng aming siyudad at sumusunod sa isa sa mga sumusunod na katangian ng allowance:
- Ang pamilyang mababa ang kita sa listahan ng siyudad
- Ang isa sa mga magulang ay isang orihinal na katutubo.
- Ang isa sa mga magulang ay ang katamtaman o malubhang may kapansanang tao.
- Ang isa sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae na ay mayroong manwal ng siyudad sa pagkabalda o katibayan ng ospital sa mabagal na paglaki isang taon mula sa petsa ng pag-aapply.
- Ang mga anak o mga apo na mas bata sa edad na 6 na taon na sumusunod sa Aytem I hanggang Aytem III, Aytem V at Aytem VI ng Artikulo IV sa Regulasyon ng Tulong para sa Pamilyang nasa Espesyal na Sitwasyon (pagpapaikli ng mga bata sa pamilyang nasa espesyal na sitwasyon).
- Pamilya ng solong magulang.
- Mga kambal o maraming panganganak.
- Ang isa sa mga magulang ay walang trabaho nang hindi sinasadyaat kailangang maghanap ng trabaho.
- Ibang mga pamilya na kailangan ang allowance para sa pansamantalang pangangalaga ng Sentro ng Taipei sa Karahasan sa Pamilya at Pag-iwas sa Panggagahasa, Sentro ng Serbisyo sa Panlipunang Kapakanan o Serbisyo sa Kapakanan ng mga Kababaihan o mga organisasyon para sa kapakanan at mga referral ng yunit ng plano at pagkatapos ng pagbeberipika namin ng pagkakakilanlan.
Mga yunit na nag-aayos:
- Kagawaran ng Panlipunang Ahensiya sa Kapakanan ng mga Kababaihan at Pangangalaga ng mga Bata
1999 (para sa nasa labas 02-2720-8889) ekstensyon 1623-1625
- Ang Tagapagtaguyod ng Sistema ng Komunidad ng Babysitter (mangyaring sumangguni sa impormasyon ng telepono ng “Sistema ng Komunidad ng Babysitter”). Ang pinakamataas na allowance sa bawat buwan para sa pansamantalang pag-aalaga ay 40 oras. Para sa mga taong nangangailangan ng espesyal na pangangailangan at sa pamamagitan ng kauganay na ng sentro sa serbisyoat ang pagbeberipika namin, ang pinakamataas na allowance sa bawat buwan ay 80 oras, at ang kabuuang pinakamataas na allowance sa bawat taon ay 240 na oras.,
Pampublikong Serbisyong Pangangalaga sa mga batang wala pang 2 taon gulang 【Ipinatupad 8/1/2018, sa mga matapos sa pagpirma ng kasunduan sa loob ng 2 buwan mula 8/1/2018 at angkop sa kwalipikasyon, mabibilang ang ibibigay mula Agosto 2018】
- 1. Mga mabibigyan ng subsidiya
Ang taong pinagkakatiwalaan at tumutugon sa mga sumusunod na kwalipikasyon, kapag naipadala na ang bata sa rehistradong tagapag-alaga, gagawa ng aplikasyon sa paghingi ng tulong sa pambayad sa serbisyo mula sa pamahalaan ng munisipalidad, county o lunsod:
- (a) Ang taong pinagkakatiwalaan, kumpirmado ng Tanggapan ng Buwis na hindi umaabot sa pamantayan ng deklarasyon ang total income o hindi umaabot sa 20% ang income tax rate sa pinakamalapit na isang taon ng magulang (o tagapangalaga) ng bata o nakumpirma ng pamahalaan ng munisipalidad, county o lunsod bilang low-income household, middle-low income household o pamilyang nangangailangan ng tulong (less advantaged families) ayon sa batas sa panlipunan na tulong.
- (b) Ipinadala ang bata sa daycare center, buong araw na pangangalaga o gabi lamang, at umaabot ang bilang ng oras nang mahigit sa 30 oras bawat linggo.
- (c) Sa panahon ng paggawa ng aplikasyon, hindi naka-shelter ang bata sa pampublikong pondo ng pamahalaan, hindi tumatanggap ng subsidiya sa pangangalaga ng anak habang natigil ang sahod (parental leave without pay), subsidiya sa pagpapalaki ng bata o anumang magkasingtulad na subsidiya mula sa pamahalaan.
- (d) Hindi maaaring humingi ng 1-to-1 pangangalaga ang taong pinagkakatiwalaan ngunit hindi sakop sa ganyang kondisyon ang mga batang may retarded development, may kapansanan sa katawan o isip, may pambihirang sakit o may kakaibang kalagayan.
- (a) Ang taong pinagkakatiwalaan, kumpirmado ng Tanggapan ng Buwis na hindi umaabot sa pamantayan ng deklarasyon ang total income o hindi umaabot sa 20% ang income tax rate sa pinakamalapit na isang taon ng magulang (o tagapangalaga) ng bata o nakumpirma ng pamahalaan ng munisipalidad, county o lunsod bilang low-income household, middle-low income household o pamilyang nangangailangan ng tulong (less advantaged families) ayon sa batas sa panlipunan na tulong.
- 2. Halaga ng Subsidiya (Itinuturing na 1 buwan ang higit sa kalahating buwan at hindi pa umaabot sa isang buwan. Kapag hindi umaabot sa kalahating buwan, itinuturing itong kalahating buwan):
- (a) Nasa pangangalaga ng childcare center, pampublikong community nursery sa Lunsod ng Taipei na itinaguyod ng pamahalaan:
- Pangkaraniwang pamilya (tax rate hindi umaabot sa 20%): $3,000 subsidiya bawat buwan sa bawat bata.
- Middle low-income household na pamilya: $5,000 subsidiya bawat buwan sa bawat bata.
- Low-income household at pamilyang nangangailangan ng tulong (less advantaged families): $7,000 subsidiya bawat buwan sa bawat bata.
- (b) Nasa pangangalaga ng pribadong childcare center sa Lunsod ng Taipei na kasali sa pampublikong serbisyong pangangalaga o nasa taong mula sa sentro ng serbisyong pangangalaga at nagsisilbing tagapag-alaga):
- Pangkaraniwang pamilya (tax rate hindi umaabot sa 20%): $6,000 subsidiya bawat buwan sa bawat bata.
- Middle low-income household na pamilya: $8,000 subsidiya bawat buwan sa bawat bata.
- Low-income household at pamilyang nangangailangan ng tulong (less advantaged families): $10,000 subsidiya bawat buwan sa bawat bata.
- (c) Ang tumutugon sa isa sa mga kwalipikasyon sa itaas, at pangatlo o paibaba sa bilang ng anak, madadagdagan ng $1,000 subsidiya bawat buwan sa bawat bata.
- (a) Nasa pangangalaga ng childcare center, pampublikong community nursery sa Lunsod ng Taipei na itinaguyod ng pamahalaan:
Dapat ibigay ng aplikante ang impormasyon ng aplikasyon sa loob ng 15 araw makaraan ang pangyayaring pangangalaga sa sentro ng serbisyong pangangalaga kung saan nagsisilbi ang tagapag-alaga o mag-apply sa tulong ng childcare center kung saan naroroon ang bata. Mula sa kanila, ipapadala ang aplikasyon sa Kawanihan ng Panlipunang Gawain, Women Welfare and Childcare Section 1999 ext. 1624~1625. (Kapag tumawag mula sa ibang lugar bukod sa Lunsod ng Taipei, 02-27208889)
Ang allowance para sa bahagyang gastusin sa pag-aalaga sa pamilyang may trabaho
- Ang mga maaring mabigyan ng subsidy allowance:
Parehong ama at ina (o legal guardian) o nag-iisang magulang na may trabaho, o ama at ina na isang panig ay may trabaho at ang isang panig ay may malubhang kapansanan o nasa kompulsaryong serbisyo sa militarya o nasa bilangguan nang 1 taon at mahigit o ipinapatupad bilang security measure ang pagkawala ng sariling kalayaan nang 1 taon at mahigit (kailangang kalakip ang handicap’s handbook o patunayan ng serbisyo sa military o pagkabilanggo), at dahil sa mga dahilang ito ay hindi maalagaang sarili ang batang musmos na wala pang 2 taong gulang at kailangang ipaalaga sa babysitter na kasama sa sistema ng mga tagapag-alaga sa komunidad o sa day-care center, at sumasang-ayon sa isa sa mga kondisyong nakatala sa ilalim:
- (1) Pangkaraniwang tahanan: Parehong ama at ina (o legal guardian) o nag-iisang magulang sa pagpapatibay ng mga awtoridad sa buwis na ang total gross income sa nakaraang isang taon ay hindi umabot sa limit o hindi umaabot sa 20% tax rate.
- (2) Mga disadvantaged na tahanan: Middle low-income households, low-income households, mga pamilyang may batang wala pang 2 taon gulang at may developmental delay o may kapansanan, mga pamilyang may kakaibang sitwasyon o mga pamilyang mataas ang panganib.
- (1) Pangkaraniwang tahanan: Parehong ama at ina (o legal guardian) o nag-iisang magulang sa pagpapatibay ng mga awtoridad sa buwis na ang total gross income sa nakaraang isang taon ay hindi umabot sa limit o hindi umaabot sa 20% tax rate.
- Sakop ng Subsidiya:
- Ang kwalipikasyon ng babysitter ay “may pinag-aralang kursong may kaugnay sa child care” o “nakapagtapos ng training bilang babysitter”:
- Pangkaraniwang tahanan: Pinakamataas na NT$2,000 para sa bawat bata bawat buwan.
- Mga disadvantaged na tahanan: Pinakamataas na NT$3,000 para sa bawat bata bawat buwan sa mga middle low-income households; sa low-income households, sa mga pamilyang may batang wala pang 2 taon gulang at may developmental delay o may kapansanan, mga pamilyang may kakaibang sitwasyon o mga pamilyang mataas ang panganib, pinakamataas na NT$4,000 para sa bawat bata bawat buwan.
- Ang kwalipikasyon ng babysitter ay “lisensiyadong babysitter”o
nag-aalaga ng bata sa day-care center:
- i. Pangkaraniwang tahanan: Pinakamataas na NT$3,000 para sa bawat bata bawat buwan.
- ii. Mga disadvantaged na tahanan: Pinakamataas na NT$4,000 para sa bawat bata bawat buwan sa mga middle low-income households; sa low-income households, sa mga pamilyang may batang wala pang 2 taon gulang at may developmental delay o may kapansanan, mga pamilyang may kakaibang sitwasyon o mga pamilyang mataas ang panganib, pinakamataas na NT$5,000 para sa bawat bata bawat buwan
Makilahok sa mga yunit ng Sistema ng lungsod sa Komunidad ng Babysitter sa pamamagitan ng babysitter o ang sanggol ay ipapadala sa sentro ng lungsod sa legal na nakarehistrong sanggol at ililipat sa Kagawaran ng Panlipunang Ahensiya ng Kapakanan ng mga Kababaihan at Pag-aalaga sa mga Bata 1999 (para sa nasa labas 02-2720-8889) ekstensyon 1623-1625 - Ang kwalipikasyon ng babysitter ay “may pinag-aralang kursong may kaugnay sa child care” o “nakapagtapos ng training bilang babysitter”:
Mga serbisyo sa maagang pamamagitan sa mga bata
Kapag nalaman ninyo na ang inyong anak ay iba sa ibang mga bata na ka pareho ang edad sa pagsasalita, paggalaw o pag-aaral bago pumasok sa pangunahing paaralan, iminumungkahi namin na dapat ninyong dalhin ang iyong anak para masuri sa ospital o direktang makipag-ugnayan sa Hypoevolutismus Children’s Early Intervention Notification and Referral Center (Sentro sa Pagbibigay kaalaman sa Maagang Pamamagitan sa Mabagal na Paglaki ng mga Bata at Referral) ng Panlipunang Ahensiya ng Pamahalaan ng Taipei.
Mangyaring sumangguni sa website ng Panlipunang Ahensiya ng Pamahalaang Munisipyo ng Taipei para sa karagdagang impormasyon:http://www.dosw.tcg.gov.tw