Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
【Mga Serbisyo】Nagbibigay-silbi sa mamamayang nangangailangan ng tulong sa tirahan, dagdag sa subsidiya sa pangungupa sa tirahan
 
 
 【Kwalipikasyon】

1. Mamamayan ng Taiwan.

2. Rehistrado sa Lungsod ng Taipei at umuupa ng bahay sa Lungsod ng Taipei (gumawa ng aplikasyon sa Kagawaran ng Urban Development sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei)

3. Kwalipikado sa isa sa mga sumusunod (limitasyon sa edad):
(1) May 20 taon gulang
(2) Wala pang 20 taon gulang ngunit kasal na
(3) Wala pang 20 taon gulang, natapos ang pansamantalang pagtira sa shelter o sa foster home at walang mauwian.
 

 
4. Kwalipikado sa isa sa mga sumusunod (kahit isa lamang):
(1) May asawa.
(2) Kasama sa isang bahay ang 1stdegree kamag-anak (tulad ng magulang at anak).
(3) Walang asawa, 40 taon gulang.
(4) Patay na ang mga magulang, may batang kasama sa household registered address na wala pang 20 taon gulang o may kasamang mahigit na sa 20 taon at nag-aaral, may physical handicap o walang kakayahang maghanap-buhay at kinakailangang alagaan ng kapatid (walang asawa ang mga kapatid).
 
 

5. Walang pag-aaring lupa o bahay ang sinumang miyembro ng pamilya.
6. Ang kita at mga pag-aari ng buong pamilya ay kwalipikado sa standard ng pagkuha ng subsidiya.
 

【Paraan ng paggawa ng aplikasyon】Punan ang application form at ilakip ang mga kaugnay na dokumento, ipadala sa registered mail o dalhin sa Kagawaran ng Urban Development Opisina sa Sentrong Distrito sa panahon ng pagtanggap ng aplikasyon.
【Opisinang Pagtatanungan】Kagawaran ng Urban Development Dibisyon sa Serbisyong Pangtirahan
【Oras ng Opisina】Lunes hanggang Biyernes, 9:00 - 5:00 
【Telepono ng Opisina】2777-2186 – ext. 0 – pindutin ulit ang 1
【Website ng Opisina】https://www.rent-allowance.gov.taipei/