◎Pangangalaga sa bagong panganak na sanggol
Ang mga sanggol ay lumalaki sa ibang kapaligiran na kakaiba mula sa katawan ng ina pagkatapos nilang maisilang. Ang yugto ng bagong panganak (neonatal), isang buwan pagkatapos silang maisilang, ay mahalaga para sa kanila na makibagay sa bagong kapaligiran. Maghahandog tayo ng mga pangangalaga dahil maaaring may ilang mga physiological na problema.
[Katahimikan]
Ang mga bagong panganak na sanggol ay kadalasang gumugugol ng panahon sa pagtulog maliban sa pagpapasuso. Pagkatapos, ang silid ng sanggol ay dapat panatilihing maayos at tahimik. Kahit na, hindi kailangang sadyang iwasan ang lahat ng tunog dahil ang wastong tunog na kailangan para sa pagpapahusay ng pakikinig ay siyang magiging dahilan na magawa nilang makibagay.
[Preserbasyon sa init]
Ang thermoregulation na kapasidad ng mga bagong panganak ay mas masama. Dapat alagaan ng mga magulang ang temperatura ng kanilang katawan, panatilihin ang temperatura ng silid ng sanggol na nasa mga 25-28℃, at mas pagbutihin ang pagiging mahangin ng loob.
[Mga damit]
Magmungkahi ng magaan, malambot, komportable, hindi kumukupas na mga damit, at iwasan ang mga telang nylon na madaling masunog. Ang mga cotton na pang-ilalim, sumisipsip ng pawis at hindi nagbibigay iritasyon, ay ang pinaka-akma. Ang estilo ng mga damit ay dapat simple, hindi masyadong masikip o masyadong maluwag na makapigil sa galaw ng sanggol.
[Pagpapalit ng diaper]
Palitan kaagad ang mga diaper sa sitwasyon ng pag-ihi at pagdumi, hugasan ang puwit ng mainit-init na tubig, at saka banayad na patuyuin gamit ang tuwalya na cotton.
[Paliligo]
Paliguan araw-araw ang mga sanggol, kung saan mapapanatili silang malinis at komportable, mapapansin natin kung may mga abnormalidad ng katawan tulad ng erythema, ecchymosis at trauma, at saka nagpapaalab din ito sa relasyon ng magulang -anak. Imungkahi ang pagligo kalahating oras bago ang pagpapasuso, o isang oras pagkatapos magpakain upang maiwasan ang pagsuka ng gatas, sa panahon na ang temperatura ay napakataas sa araw (mga 10:00 A.M.~02:00 P.M.). Panatilihin ang mainit-init na temperatura sa loob (mga 26-29℃) at wastong temperatura ng tubig, at ipaagos muna ang malamig na tubig bago ang mainit(37.5-39℃), gamitin ang panloob ng iyong pulso upang subukan kung ang tubig ay mainit at hindi bumubukal. Kung gayon, maligo mga 5-10 minuto, mas mabuti. Iwasan ang pag-agos ng tubig papunta sa mga tainga dahil sa takot ng otitis media o pamamaga ng tainga, linisin ang panlabas na bahagi ng mga tainga ng malinis na bulak, at iwasan ang pagsuksok sa bulak nang malalim sa loob ng tainga at ilong. *Huwag iwanan ang mga sanggol nang hiwalay sa bathtub upang maiwasan ang mga aksidente habang naliligo.
[Pangangalaga sa umbilical cord]
Layunin: Iwasan ang impeksiyon sa umbilical cord (mahabang bahagi ng pusod). Patuyuin ang umbilical cord at madali itong matanggal. Obserbahan kung nagdurugo ito o di-normal. Karaniwang natatanggal ito 7-14 araw pagkatapos maisilang ang mga sanggol. Bago iyan, dapat tayong mangalaga sa umbilical cord bawat pagkakataon kada matapos maligo. Kung ito ay basa o nangangamoy, dapat tayong higit na mangalaga at panatilihin itong tuyo. Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis kung ang bahagi sa paligid ng umbilical cord ay namumula, ang pusod ay nagdurugo, may granulasyon at amoy kapag natatanggal ang pusod, hindi gumagaling ang sugat. Pamatay-mikrobyo para sa umbilical cord: 75% ethanol at 95% ethanol.
Mga paraan ng pagpuksa sa mikrobyo: Patuyuin ang tubig ng pusod sa pamamagitan ng bulak pagkatapos maligo, ibabad ang bulak sa kemikal na pamuksa ng mirobyo, idiin ang bahagi sa paligid ng pusod sa pamamagitan ng hinlalaki at hintuturo upang ilantad ang lupi (ruffle), at saka mag-disinfect mula sa loob ng pusod papunta sa labas nang 1-2 beses.
*Itakip ang diaper sa umbilical cord upang maiwasan ang impeksiyon mula sa ihi. Pangalagaan muli ang pusod kung basa ito sa pamamagitan ng ihi.
[IPag-iwas ng impeksiyon]
Dahil ang imunidad sa impeksiyon ng mga sanggol ay mababa, dapat nating hugasan ang ating mga kamay bago sila hawakan o maghahanda ng pagkain ng sanggol, ihiwalay sila mula sa mga taong may nakakahawang sakit, halimbawa, pagbawalan ang mga taong may sipon sa paghalik sa kanilang mga labi upang maiwasan ang impeksiyon.
[Kunin ang temperatura]
Dahil ang sentro ng thermoregulation (pagpapanatili ng matatag na temperatura ng katawan) para sa mga bagong panganak na sanggol, ay hindi matatag, ang pagbabago nito ay madaling naaapektuhan ng panlabas na kapaligiran, mababa sa 36.1℃ at karaniwang mataas sa 37.7℃. Ang bahagi para sa pagkuha ng temperatura ay ang puwit ng sanggol, o ang kilikili sa kaso ng natatanging mga sitwasyon tulad ng pagtatae at polyp sa puwit. Dapat kunin ang temperatura bago ang paliligo kada araw, sa anumang panahon na namumula ang mukha ng sanggol, nanginginig ang mga braso at paa.
◎Pangangalaga ng ngipin – Pag-iwas sa pagkakaroon ng bulok ng ngipin sanhi ng bote ng dede
*Makikita ng mga magulang ang palatandaan ng bulok ng ngipin na sanhi ng bote ng dede kapag ang bata ay mga isang taon at kalahating gulang. Ang bahagi sa harapang ngipin ng sanggol na malapit sa gilagid ay mawalan ng calcium sa puti, saka magiging mapusyaw na dilaw hanggang dahan-sahang maging matingkad na kayumanggi. Kung hindi mo iyan makokontrol, ang mga bulok sa ngipin ay madaling pupuno sa paligid ng ngipin. Pagkatapos, ang mga ngipin ay malamang na mabasag kung matumba ang mga bata (madalas sa mga maliliit na bata) at magpapasunggo sa ngipin. Ang hindi wastong paraan ng pagpapadede at oras ay nagpapadali sa pagkalat ng mga bulok sa bagang.
*May apat na aspeto na idinadahilan sa pagkabulok ng ngipin sa mga bote ng dede” mikrobyo, fermentation carbohydrate, mga ngipin at panahon, walang maitatapon. Ang pansamantalang mga ngipin ay tumatanggap ng streptococcus mutans mula sa mga magulang o minder pagkatapos ng pagngingipin, ang fermentation carbohydrate ay nananatili nang mas matagal sa paligid ng ngipin sa pamamagitan ng hindi wastong mga paraan ng pagpapadede, ang lahat ay sanhi ng paglabas ng mga bulok sa ngipin.
◎Paano gamutin ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede?
Ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede ay makapagdudulot ng sakit sa sukdulan, pupuno sa wormhole sa maliit na kaso, magdudulot ng pamamaga sa malubhang kaso, at maging sanhi pa ng pamamaga ng mukha, na kailangang tanggalin o gamutin sa pamamagitan ng root canal therapy. Ang malubhang bulok ng ngipin sa pagpapadede ay magdudulot ng kawalang-kaginhawaan sa pagkain, makakaapekto sa pagbigkas at sa pagkakaayos ng permanenteng ngipin. Mas higit na mahirap para sa dentista ng mga bagong panganak na sanggol ang paggamot sa mga nagtitiis ng mga bulok na ngipin sa pagpapadede na mas bata. Kaya, kung paano iwasan ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede ay mahalaga.
◎Paano iwsan ang mga bulok ng ngipin sanhi ng pagpapadede?
Kargahin ang mga sanggol sa mga bisig para sa pagpapadede ng nakaboteng gatas o ng gatas ng ina pagkatapos silang maisilang, at imungkahi ang pagpapadede nang higit sa 20 minuto. Tanggalin ang nalalabing gatas mula sa cavity ng bibig sa pamamagitan ng mamasa-masang gasa o tuwalya kada matapos ang pagpapadede kahit na hindi pa nagngingipin. Samantala, maaari nating sipilyuhan ang kanilang ngipin ng malambot na sipilyo pagkatapos lumabas ang ngipin upang mabuo ang magandang kaugalian mula pagkabata. Hayaang uminom ang mga bata ng gatas sa baso nang dahan-dahan kapag sila ay 6-9 na buwan. Dalhin sila sa dentista kung ang pansamantalang ngipin ay paisa-isang lumabas kapag sila ay 6 na buwan~1 taong gulang.
◎Pagsasanay sa pag-ihi at pagdumi
*Oras ng pagsasanay
Ang anal sphincter ay nasa kontrol kapag ang mga sanggol ay 18-24 buwang gulang. Tungkol sa oras ng pagsasanay sa pag-ihi, ang pantog ng ihi ay maaaring mag-imbak ng ihi nang dalawang oras kapag sila ay 1 taon at tatlong buwang gulang o isa at kalahating taong gulang, ngunit hindi ito nangangahulugan na makapagkokontrol sila sa kanilang kagustuhan. Karaniwan, mas mabuti para sa pagsasanay kapag namulat sila sa pagbinat ng pantog sa 18-24 buwang gulang.
*Mga hakbang ng pagsasanay
Sa panahon ng pagsasanay, dapat ang mga magulang ay may ugali na mabuti, relaks natural at hindi masyadong mahigpit na makahanap ng problema at maglalagay sa kanilang anak sa ilalim ng pamumuwersa. Bago nila matutunan ang ekspresyon, sasabihin natin sa kanila nang malinaw na 「ang sanggol ay umihi sa kama」, 「dumumi ang sanggol」kapag sila ay umihi o dumumi sa salawal. Samantalahin ang kilos na likas ng sanggol sa paggaya, hayaan ang mga sanggol na obserbahan kung paano ang mas malalaking bata o nasa hustong gulang pumunta sa palikuran, o magsagawa ng demonstrasyon sa pamamagitan ng mga manika. Habang nagsasanay, huwag gumamit ng mga diaper, hayaan silang magsuot ng mga salawal na madaling tanggalin at maghanda ng karagdagang mga salawal. Kung sasabihin nila sa mga magulang ang tungkol sa pag-ihi sa higaan, dalhin sila sa palikuran, at tulungan sila sa bedpan, at subukan silang kumilos nang sarili, bigyan sila ng lakas ng loob at papuri. Turuan sila nang paulit-ulit nang hindi sinisisi kung di-sinasadyang mabigo sila. Kung walang pag-unlad pagkatapos ng sampu o labinlimang araw ng pagsasanay, ibig sabihin na hindi pa hinog ang physiology ng mga sanggol, maaari tayong huminto sa pagsasanay pagkatapos ng ilang araw. Huwag ipakita ang iyong pakiramdam o pagkasuklam na ang dumi ng mga sanggol ay marumi. Hayaan silang matuto na gumamit ng iba’t ibang mga kasangkapan para sa pag-ihi o pagdumi sa iba’t ibang kapaligiran.
◎Karaniwang problema sa bagong panganak na sanggol
*Pagsuka ng gatas at pagsusuka
Pag-iwas at paggamot:
Iwasan na masipsip ng mga bagong panganak ang hangin, palabasin ang hangin pagkatapos ng pagpapadede upang maiwasan ang pagsuka ng gatas. Sa sitwasyon ng pagsusuka, dapat natin itong linisin, iangat ang kanilang mga ulo at likod, o hayaan silang humigang nakatagilid sa kanilang kanang bahagi.
*Jaundice
Ang atay at apdo ng bagong panganak na sanggol ay hindi pa nagma-mature, hindi makatanggal ng mas napinsalang erythrocyte o pulang selyula ng dugo, mas dinagdagan ang problema sa heme metabolism, at saka nagpapalitaw sa jaundice. Ang jaundice ay karaniwang nagaganap sa ika-3 hanggang ika-4 na araw pagkatapos maisilang ang mga sanggol, dumating sa sukdulan sa 4-5 araw at dahan-dahang nawawala mga 7-10 araw pagkatapos. Ito ay normal at tinatawag na physiological jaundice.
*Mga tatandaan:
Kung hindi mawawala ang jaundice, painumin ang mga sanggol ng mas maraming tubig at ilabas ito sa ihi at dumi. Mapapansin pa rin natin ang kulay ng kanilang balat, galaw at gana sa pagkain pagkatapos sila mailabas mula sa ospital, kargahin sila sa mga bisig sa lugar na may sinag ng araw o sikat ng araw, at idiin ang noo, ilong at pisngi nang banayad gamit ang mga daliri upang tingnan kung ang balat ay mas mataas at mas mataas pa rin. Mangyaring makipagkita kaagad sa doktor kung ang jaundice ay tumatagal nang 10 araw nang hindi nawawala.
*Milium
Sanhi ng pagkabara ng sebaceous gland, ang milium ay nagaganap kapag isinilang ang mga sanggol, mas marami sa noo, tulad ng puti at maliliit na tigdas at nawawala sa iilang linggo nang hindi nangangailangan ng paggagamot.
*Miliaria Ang tanging paraan ng pagpigil ay iwasan ang pamamawis. Upang matupad ang layunin, dapat pasuutin ang mga sanggol ng maluwang at sumisipsip ng pawis na mga damit, hindi napakaraming kasuutan, dapat panatilihin ang pagka-mahangin.
*Namumulang balakang
ang namuulang balakang ay madaling naidudulot sa mga sanggol na may sensitibong
Sanhi:
Dahil ang mga balakang ay naiistimula ng maraming beses ng ihi at dumi, natatakpan ng mga diaper na hindi napapasukan ng likido, at pagkatapos balat.
*Sintoma:
May ekstensibong erythema, pamumula o kahit na mga vesicle fester sa puwit at perineum. Ang ilang mga bahaging magaspang tulad ng kraftpaper ay namumula at nagtatalupan, at iba pa.
*Mga tatandaan:
Palitan nang madalas ang mga diaper, linisin ang balat na naabot ng diaper at panatilihin itong tuyo pagkatapos ng pag-ihi at pagdumi. Habang naglalagay ng telang diaper, labhan ito gamit ang sabon sa halip ng washing power at pampaputi na tubig, ibilad ito sa araw para sa pagpapaalis ng mikrobyo at pagpapatuyo. Ibilad ang apektadong bahagi sa tuyong init, kaysa maglatag ng pampaligong pulbo sa bahagi dahil magdudulot ito ng mas maraming iritasyon. Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis kung hindi bumuti ang mga sintoma.
*Eczema
Malamang na magdulot ito ng miliaria o hidradenitis kapag ang mga bagong panganak na sanggol ay nagsususot ng mas maraming damit, mga coating o namamawis sa mahalumigmig at mainit na klima. Ang katulad na eczema ay karaniwang nakatuon sa ulo, leeg, balakang at hilera ng buhok. May mga namumulang nodule na may iba’t ibang sukat o maliliit na tigdas sa malinaw na bagay, kumakati hanggang sa malubhang sukdulan. Kaya, mahalaga na panatilihin ang pagkatuyo, magsuot ng komportable, sumisipsip ng pawis at mahangin na mga damit. Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis sa kaso ng pangangati.
*Thrush
Ang thrush ay isang impeksiyon ng trace bacteria sa bibig, na may hitsura na katulad ng bloke ng gatas tingnan. Mahirap itong tanggalin, at makakaapekto sa dami ng gatas ng bagong panganak. Dapat nating panatilihin na malinis ang bibig para sa pag-iwas.
◎Pagsusuri para sa bagong panganak na sanggol
Ang pagsusuri sa bagong panganak na sanggol o neonatal screening ay ang daglat ng 「Neonatal inborn errors of metabolism screening」, na may layunin na hanapin nang mas maaga ang mga sanggol na nagtitiis mula sa mga inborn error (pagkakamaling dala ng pagkasilang) ng metabolismo pagkatapos silang maisilang, magbigay nang mas maagang paggamot, subukang lumaking normal ang mga nagtitiis, at mabawasan ang nakamit na mga kapansanan. Nagsimula mula Hulyo 1, 2006, ang mga item sa screening na idinagdag ng Kagawaran ng Edukasyon ng Asemblea ay hanggang 11. Karaniwan, ang dugo sa sakong ay kokolektahin para suriin pagkatapos ng 48 oras kapag ang sanggol ay naisilang at napakain, at ang resulta ay makukuha sa isang buwan. Kung hindi normal, ipapaalam sa iyo ng medikal na institusyon para sa ikalawang pagsusuri, kung normal, walang mga abiso.
※Pinagmulan ng impormasyon:Website ng Kawanihan ng Kalusugan