Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan, inilapat ng bansa ang sistemang 「Pambansang Insurance sa Kalusugan」. Ang bawat mamamayan ay magbabayad lamang ng premium sa insurance bawat buwan at kung sakaling magkasakit, manganak o mapinsala sa aksidente, maaring tumuloy sa ospital o klinikang kasapi ng Pambansang Insurance sa Kalusugan at tumanggap ng nararapat na pangangalaga, kung kaya hindi dapat kaligtaan ng mga bagong imigrante ang benepisyong ito. Mayroong papeles na nagpapatunay ng paninirahan dito sa Taiwan at alinsunod sa kwalipikasyon ng mga kinakailangan ang taong nakaseguro at mga dependents, nakatira sa Taiwan nang mahigit sa 6 na buwan ay maari nang sumali sa health insurance. Kasama sa serbisyong medikal ng Pambansang Insurance sa Kalusugan ang mga sumusunod:
(1) Sa may sakit, napinsala, panganganak, aksidente, mabibigyan ng clinical serbisyo sa pagkonsulta o pagtira sa ospital, dapat sundan ang mga may kaugnay na regulasyon sa pagpapagamot at babayaran ang bahagi ng gagastusin sa pagpapagamot.
(2) Pagbibigay ng pagsugpo at serbisyong pangkalusudan sa mga bata, pagsugpo at serbisyong pangkalusugan sa mga matatanda, Pap smear test para sa mga kababaihan, pre-natal check-ups at mga iba pang preventive health care serbisyo. Walang babayaran sa ilang bahagi ng mga gagastusin sa preventive health care services.