Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman
Kung sa kasamaang-palad nagkaroon ng mga panggagahasa, siguraduhing mahinahong pangasiwaan:
˙Humanap ng kaligtasan: Kung sakaling nagdurusa ng mga pag-atake, dapat ninyong subukang makarating sa isang ligtas na lugar.

˙Ingatan ang lugar ng pinangyarihan: Kung sa kasamaang-palad inatake, dapat ninyong ingatan ang lugar ng pinagyarihan. Huwag galawin o hawakang muli ang anumang mga kasangkapan na nasa lugar ng pinangyarihan para makagawa ng mga kaayusan at magtipon ng mga palatandaan ang pulis.
  1. Ingatan ang mga ebidensiya: Kumuha ng isang diyaket upang takpan muna ang sarili at mag-ulat sa pulis. Huwag maligo, palitan ang mga damit o subukang huwag maghugas ng inyong mga kamay, magsipilyo ng inyong ngipin at pumunta sa banyo.
  2. Sa parehong oras, dapat ninyong tawagan ang espesyal na linya sa proteksyon na 113 upang hanapin ang pagsama ng mga social worker o mga babaeng pulis, at kaagad na pumunta sa ospital upang siyasatin ang mga pinsala at tipunin ang ebidensiya.
  3. Maligo pagkatapos ng medikal na paggamot: Huwag kaagad maligo, palitan ang mga damit o sirain ang mga damit pagkatapos ng pangyayari ng kaso, na makakasira sa mga ebidensiya at ang may kasalanan ay makakawala.

˙Tandaan ang mga katangian at ang mga tampok sa kotse ng mga masasamang-loob at tamang ilarawan ang mga pinakamahalagang palatandaan na inyong maaaring makita:
  1. Mga katangian: katangian ng buhok, katangian ng mukha, mga tunog ng pagsasalita, taas, imahe ng katawan, katangiang pisikal, edad, mga damit atbp.
  2. Mga tampok sa kotse: kulay, taon, uri, numero ng kotse, espesyal na dekorasyon, bakas ng kotse, direksyon sa pagtakas, paraan ng pagtakas atbp.

Mga serbisyong ibinibigay ng mga himpilan ng pulis
  1. Maaari ninyong iulat ang krimen sa anumang himpilan ng pulis. Ang himpilan ng pulis ay ipinatupad ang gsistema ng “ Solong Bintana”, at sinuman sa kanila ay maaaring tumanggap ng inyong pag-uulat ng krimen.
  2. Kung inuulat ninyo ang krimen sa pulis, aayusin namin ang pagsama sa inyo ng mga babaeng pulis sa ospital para sa tiyak na pagsusuri, pagsisiyasat sa mga pinsala at kolektahin ang mga may kaugnayan na ebidensiya pagkatapos makuha ang inyong pag-apruba.
  3. Gumawa ng mga hakbang ng paghihiwalay kung tinatanong ang proseso ng kaso upang matiyak ang karapatan sa pagkapribado.
  4. Para sa taong pumasa sa pagtatasa at naging sangkot sa proseso ng operasyon ng biktima sa pagbabawas ng inulit na mga pahayag, gagawa kami ng buong pagtatala at kukunan ng video ang proseso ng pagtatanong upang ingatan ang mga ebidensiya.
  5. Kung kailangan ninyong tanggapin ang psychotherapy (terapewtika ng kaisipan), patnubay na pangkaisipan, paglalagay sa lugar, tulong na legal o pangemerhensyang dyagnosis at paggamot, maaari kayong makipag-ugnayan sa Sentro sa Karahasan sa Pamilya sa Munisipyo at Pag-iwas sa Panggagahasa. (Telepono sa Pakikipag-ugnayan: 23961996#226-227)
  6. Telepono para sa emerhensyang pag-uulat ng krimen: 110
  7. Pambansang Proteksyon Hotline: 113

Mga Pinakunan: Koponan ng Pulis para sa mga Kababaihan at Mga Bata ng Himpilan ng Pulis ng Pamahalaang Munisipyo ng Taipei