尚未定義

臺北市新移民專區網站菲律賓文版

Pagluluto at pagkain

Pagluluto at pagkain
Ang Pagkain sa Taiwan
Ang mga pagkain sa Taiwan ay kilala sa buong mundo. Dahil sa katangian ng kultura, nagkakaroon ng pagkakaiba mula sa timog hanggang sa hilaga. Kailangan na maunawaan din ang pagkain at mga kasanayan kapag ikaw ay tumira at mamuhay dito. Ipinapakilala rito ang ilan sa mga kinakain tuwing agahan ng mga taga-Taiwan at mga pangkaraniwang meryenda. Kung mayroon kayong pagkakataon, maaari ninyong subukan. Tuwing agahan, pangkaraniwang kinakain ng mga taga-Taiwan ay sesame pancake, piniritong buchi-buchi (gawa sa arina), soybean milk, sandwich o tradisyonal na lugaw at atsarang gulay.
Mga karaniwang meryenda ng taga-Taiwan: Tempura, Tortang Talaba, Sausage, Bilu-bilo, Tan-Tsai Noodles, Steamed Rice Cake, Sabaw ng Atay ng Baboy, Ginisang Pusit, Stinky Tofu (Mabahong to-fu) , at inuming malamig na gelatin.

Matutong Magluto sa Taiwan:
Sa Taiwan, napakaginhawa ang pamimili ng pagkain, at bukod sa mga pangkaraniwang pamilihan, mayroong ilang mga malalaking pamilihan at mga supermarket na maaring pagpilian. Ang mga tradisyonal na pamilihan ay karaniwang nagnenegosyo hanggang tanghali lamang, habang ang mga malalaking pamilihan at ang mga supermarket ay bukas at nagnenegosyo nang 24 na oras. Ang kultura ng pagkain ng taga-Taiwan ay sakop sa marami at iba’ t-ibang klaseng uri ngunit ang pangkalahatang pagkain ay pangkaraniwang matabang. Kapag ang mga bagong imigrante ay nagluluto, matapos gawin ang masasarap na pagkain alinsunod sa lasa ng inang-bayan, maaari ninyong gawing sariling idagdag ang mga pampaanghang at pampalasang iba pa nang sa gayon maaring makatikim ng mga tunay na pagkain na lutong-bahay ang inyong pamilya, at makakain nang ayon sa sariling kagustuhang panlasa!
Para sa ibang karagdagang impormasyon, maaring sumangguni sa 【 Taipei Market Theme Network