Panggabing pamilihan ng turismo ng Shilin, panggabing pamilihan sa Kalye ng Raohe, panggabing pamilihan ng Ningxia, panggabing pamilihan sa Kalye ng Huaxi
Ang natatanging kultura ng panggabing pamilihan sa Taiwan ay higit na nagpapasaya sa Taipei pagdating ng gabi! Ang Taiwanese ay nais magtambay sa mga panggabing pamilihan. Maliban sa iba’t ibang mga snack, ang pisikal na mga tindahan sa mga panggabing pamilihan mula sa mga damit, sapatos, palamuti hanggang sa groserya, kagamitang pambahay, at iba pa ay makakatugon sa iyong mga nais sa pamimili na may abot-kayang presyo. Habang ang iba’t ibang mga booth na panlaro tulad ng pangunguha ng isda, pinball, at iba pa ay nakapagpapa-enjoy nang labis sa mga nasa hustong gulang at sa mga bata.
Night market (pamilihan sa gabi) ng turismo ng Shilin
〔Lokasyon〕: Daan ng Dadong, Daan ng Danan, Daan ng Wenlin, Daan ng Jihe at pumapaligid sa, Rehiyon ng Shilin, sa Lungsod ng Taipei.
〔Pangkalahatang ideya〕: Ito ang pinakamalaking night market (pamilihan sa gabi) sa Lungsod ng Taipei, pati rin ang kailangang lugar para sa pagbisita ng mga banyagang turista sa lungsod. Mga inirerekomendang pagkain: tortang talaba, maliit na pancake na binalot ng malaking pancake, pritong pusit, snow ice, inuming may yelong tapioca pearl, mga pira-pirasong manok, stinky tofu (pinaasim na tokwa), pan-fried pork bun (piniritong tinapay sa kawali na mayroong baboy sa loob), nilagang rib na may dahong pampalasa, malalaking sausage ng Shilin.
Night market (pamilihan sa gabi) ng Kalye ng Raohe
〔Lokasyon〕: Kalye ng Raohe sa pagitan ng Section 4, Daan ng Bade at Kalye ng Songhe, kahilera ng Section 4, Daan ng Bade, sa Rehiyon ng Songshan, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Ito ang pinakamaagang night market (pamilihan sa gabi) ng turismo sa Lungsod ng Taipei, hindi malakihan ngunit sentralisado ng mga kubol, pagkatapos hindi magtatagal mahahanap ng mga regular na customer ang paboritong kubol. Mga inirerekomendang pagkain: oyster thin noodles (maninipis na noodles na may talaba), nilagang rib na may dahong pampalasa, pancake na gawa sa sili, Dongshan duck head (ulo ng pato), stinky tofu (pinaasim na tokwa)…
Night market (pamilihan sa gabi) ng Ningxia
〔Lokasyon〕: Daan ng Ningxia, sa Rehiyon ng Datong, sa Lungsod ng Taipei, sa pagitan ng Daan ng West,Nanjing at Daan ng West Minsheng.
〔Pangkalahatang ideya〕: Ito ang night market (pamilihan sa gabi) na malawakang iniuulat ng mga magasin at website tungkol sa masasarap na pagkain, na sumasakop sa Daan ng West Minsheng, Daan ng West
Nanjing at ang gitnang bahagi ng Daan ng North Chongqing, na tumututok sa mga tradisyonal na miryenda ng Taiwan. Ang nakakapagpasiya sa mga matatandang mamamayan ng Taipei ay ang mga pagkain na mayroong hindi makakalimutan at tradisyonal na lasa, malapit sa Yuanhuan, Rehiyon ng Datong.
Night market (pamilihan sa gabi) ng Jingmei
〔Lokasyon〕: Kalye ng Jinghua, sa Rehiyon ng Wenshan, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Napakaraming masasarap na mga pagkain, ang masarap at malaking Jingmei Shanghai pan fried pork bun (piniritong tinapay sa kawali na mayroong baboy sa loob), malasang Alang salt crispy chicken (may asin na malutong na manok), nakakaganang Zhengjia na barbecue, angelica na pato at manok na may sesame oil na mabuti sa kalusugan para sa taglamig, simple at masasarap na mga itlog ng pugo at pusit na pinakuluan sa mainit na tubig.
Night market (pamilihan sa gabi) ng turismo ng Huaxi Street
〔Lokasyon〕: Kalye ng Huaxi, sa Rehiyon ng Wanhua, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Dalubhasa sa hinuling pagkaing-dagat at mga miryenda para sa mga laro, ito ang unang night market (pamilihan sa gabi) ng turismo at isa sa mga paboritong kaakit-akit na lugar para sa mga turistang nandito at nasa ibang bansa. Sa takipsilim, madalas ninyong makikita ang mga banyagang turista na naghahanap ng masasarap na pagkain na mayroong gabay sa paglalakbay.
Pagkaing Tsino
Ding Tai Fung, Szechuan Lao Zhang Beef Noodles, King Join, Shanghai Laotianlu Braised Food, Jiyuan Sichuan Food Restaurant
Ang kultura ng snack sa Taipei ay napakatanyag. Ang Ding Tai Fung, na may maraming kaugnay na mga tindahan sa buong mundo ay minsan nagantimpalaan ng New York Times bilang 1 sa 10 nangungunang mga gourmet restaurant sa mundo. Sa huling mga taon, nabuo ito sa pagiging pagkaing Tsino at Jiangsu cuisine, kawing ng mga negosyo na nasa ibang bansa rin na batay sa Zhejiang cuisine. Bukod pa sa pinaka-kilalang pinasingawang tinapay, pritong kanin na may hipon at itlog, sabaw ng manok sa bilog na tasa, pinasingawang dumpling na sariwang isda, at iba pa ay lahat masasarap na pagkain na dapat tikman.
Ding Tai Fung
〔Lokasyon〕: No. 194, Section 2, Daan ng Xinyi, sa Rehiyon ng Da’an, Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Ang mga Ding Tai Fung na pinasingawan na
Beef Noodles ng Szechuan Lao Zhang
〔Lokasyon〕: Puntahan ang restawran sa Rehiyon ng Zhongzheng, sa Lungsod ng Taipei: No.105, Daan ng East Aiguo (crossing ng Lishui Street) branch ng Nanchang: No.50-2, Section 1, Daan ng Nanchang, sa Rehiyon ng Zhongzheng, sa Lungsod ng Taipei.
〔Pangkalahatang ideya〕: Ito ang tunay na Szechuan beef noodles. Maninipis na mga noodles na nirorolyo ng punong tagapagluto, pinapahiran ng matingkad na kulay kayumanggi at may lasang sarsa, dadagdagan ng nilagang, malambot, madaling nguyain, mala-kristal na malinis ng karne, bubudburan ng hiniwang Yilan Sanxing na mga sibuyas, isang mangkok ng beef noodles na maganda, malasa at may timpla ang kukumpleto dito.
King Join
〔Lokasyon〕: No. 18, Daan ng Siwei, sa Rehiyon ng Da’an, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Ng may mahabang kasaysayan, ito ay internasyonal na kilala bilang palasyo ng Intsik sa masasarap na pagkain at tanyag bilang malusog na kantina ng mga pagkaing puro gulay sa Taiwan. Ang King Join na mayroong maraming pagkain ay nananalo ng gintong medalya sa tangahalan ng pagkaing Instik at palaging pinararangalan bilang: pinaka-espesyal na kantina sa Taiwan… ng UCC Travel Newspaper ng Pransya, Jiangsu Travel Newspaper ng Tsina.
Mga Nilagang Pagkain ng Shanghai Laotianlu
〔Pangkalahatang ideya〕: Ito ay kinikilala na ng matagal sa loob ng mahigit na 60 taong kasaysayan sa Taipei Ximending, tanyag at dapat bisitahin ng mga kumakain, mga kilalang artista ng Taiwan at Hongkong, at mas gusto rin ng mga turista ng mainland ng Tsina upang hanapin ang tradisyonal na lasa. Ang iba’t-ibang mga nilagang pagkain tulad ng dila at pakpak ng pato ay ang pinakatanyag, ang iba’t-ibang mga pastelerya at miryenda ng Shanghai na isinisilbi habang umiinom ng tsaa ay maganda para sa tradisyonal na lasa.
Restawran ng Pagkain ng Jiyuan Sichuan
〔Lokasyon〕: No. 324, Section 1, Daan ng Timong Dunhua, sa Rehiyon ng Da’an, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Paglaga sa 30 matatandang inahin na manok sa loob ng 8 oras, dadagdagan ng lokal na manok, mga scallops at mga ham ng Jinhua at ilalaga muli sa loob ng 3 hanggang 4 na oras para sa sabaw na may mas matapang na lasa, at maluluto sa pamamagitan ng paghahalo ng mga pinakamagagandang sangkap tulad ng abalone (abulon o kabibi), palikpik ng pating at mga fungus sa kawayan, pagkatapos ang masarap na kaldo ng Jiyuan chicken soup (sabaw na may manok) na niluto sa kaserola. Bukod sa sabaw na may manok, ang pinasarap na pagkain ng Sichuan ay tumutugmang mabuti sa kasalukuyang konsepto ng kalusugan, na hindi masyadong maalat at maanghang.
Kakaibang pagkain
Hizen House, Cloud City Thai-Burma Food, Kyoko Japanese Pork Chop, Bolero Western Restaurant, Sheraton Taipei Hotel-Pizza House
Hizen House
〔Lokasyon〕: No. 13-2, Lane 121, Section 1, Daan ng North Zhongshan, sa Rehiyon ng Zhongshan, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Inirerekomenda ang tanyag na kanin ng igat ng Hizen House. Ito ay tradisyon ng Hapon na magkaroon ng igat tuwing tag-init, na sinasabing nagbibigay ng enerhiya. Ang malangis na karne ng igat na ibinabad sa sarsa at inihaw sa apoy ng uling ay sariwa, malambot at kahali-halina. Ang tinuhog, mura at masarap, tanyag na atay ng igat na tinuhog ng may matamis na sabaw, sariwa at malinamnam, ay kadalasang mabilis mabenta. Dapat kayong pumunta doon ng mas maaga.
Pagkaing Thai-Burma ng Lungsod ng Cloud
〔Lokasyon〕: No. 2, Lane 231, Daan ng North Fuxing, sa Rehiyon ng Songshan, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Ito ay ipinagpapatuloy simula ng pagkakatatag, ng may iba’t-bang mga masarap na mga putahe. Natatanging sarsa ng hipon ng Burma na ginawa sa pamamagitan ng maraming paulit-ulit na mga proseso na ginagawang mas masasarap ang hipon, ang piniritong kangkong na may nasabing
sarsa bilang ang espesyalidad ay maaaring paghaluin ang sarsa at ang tangkay ng kangkong ng mabuti at magiging malutong at malinamnam.
Kyoko Japanese Pork Chop-Fuxing na restawran
〔Lokasyon〕: No. 2, Lane 271, Section 2, Daan ng South Fuxing, sa Rehiyon ng Da’an, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Ito ay nagmula sa Kyushu, sa bansang Hapon at ito ay tanyag para sa mga lahi ng baboy at organikong gulay. Bukod sa pork chop na may lasang Hapon, mayroon ding mga sawsawan para sa pork chop at mga kagamitan na may tampok na kinaugaliang kultura.
Kanluraning Restawran ng Bolero
〔Lokasyon〕: No. 314, Daan ng West Minsheng, Rehiyon ng Datong , Lungsod ng Taipei (ang restawran na ito)
〔Pangkalahatang ideya〕: Itinatag noong 1934, ito ang pinakamatandang kanluraning restawran sa Taipei na may tanyag na 「panlalawigang kanin na may curry」at 「masarap na pagkaing kanluranin」, ang sentro ng sining at kultura para sa maraming kultura at mga eksperto sa sining ay nagpapalitan ng mga opinyon o tinatalakay ang pulika sa panahon na iyon, tanyag na lugar din para sa blind date.
Hotel at Pizza House ng Sheraton Taipei
〔Lokasyon〕: B1, No. 12, Section 1, Daan ng East Zhongxiao, sa Lungsod ng Taipei
〔Pangkalahatang ideya〕: Ang pizza ang dapat i-order sa Pizza house kung saan mayroong espesyal na oven sa lugar para sa pagluluto sa hurno ng mano-mano. Anuman ang tradisyonal o makabagong niluto sa hurnong karbon na pizza ay tinatamasa ang katanyagan sa publiko, ang maraming tao na kumakain ng pizza sa restawran ay mag-uuwi pa rin para mas masiyahan.
Mangyaring magtanong para sa karagdagang impormasyon sa Taipei travel net sa: https://www.travel.taipei/en/
Pinagkunan ng datos:Taipei travel net