Ang Pista ng mga Viking ay ginaganap sa “Viking Village” sa Hafnarfjordur sa timog ng Reykjavik. Sa panahon ng pista, makikita sa nayon ang mga pagkain at gawaing-kamay sa kapanahunan ng Viking. Magsusuot rin ang mga tao ng damit ng sea pirates, maririnig ang tugtog ng mga panahong iyon, may dalang iba’t ibang gamit ng panahong nakalipas, tulad ng North European sea pirates na nagtatanghal ng labanan at mararamdaman ang mga kasanayan at tradisyonal na kabuhayan ng mga Vikings. Sa aktibidad na ito, mararanasan ang lokal na kultura at kultura ng mga Vikings, makipag-ugnayan sa lokal na tao at maaari pang sumali sa paglalaro at pagtatanghal sa loob ng barko ng Vikings. Isa itong magandang pagkakataon upang maranasan ang katutubong kultura at mga tradisyon.