Host ng broadcast programa sa mga bagong residente Wu Zhen-Nan
Nasyonalidad: Malaysia
Sa mga pamilya ng bagong residente na may batang lumalaki, madalas pag-usapan ng mga magkakaibigang bagong residente ang paksang pagpaplano sa kinabukasan ng mga anak!
Ang mga batang pangalawang henerasyon dahil sa may magulang na bagong residente ay may karanasang tumira (hindi lamang tour) sa ibang bansa kaya sa paningin ng kanilang magulang, may pagkakataong magtrabaho at umunlad ang mga batang ito sa ibang bansa.
Lalo na nang naidagdag ng Ministri ng Edukasyon ang pagtuturo ng mga wika ng bagong imigrante mula 2019, hinihikayat ng paaralan sa bagong pangalawang henerasyon ang pag-aaral ng wika ng pinanggalingang bansa ng imigranteng magulang, makakadagdag ng oportunidad sa pag-aaral at trabaho. Isa rin itong paghahangad sa pangalawang henerasyon na maging tulay sa pagitan ng Taiwan at ng bansa ng imigranteng magulang.
Ito ang inaasahan ng mga nakatatanda mula sa mga bata ngunit kapag may suliranin sa pangangalaga ng bata sa pamilya, maaaring ito rin ang maging dahilan ng pagsasalungat sa pagitan ng magulang at anak.
Tulad ng isang anak ng bagong residente, mahuhusay ang marka sa pag-aaral ngunit dahil kailangang lumipat sa tirahang malayo sa paaralan, naapektuhan ng matagal na oras sa paglalakbay ang kanyang pag-aaral at marka sa nasyonal exam. Iminungkahi ng ina na puwedeng niyang piliin bumalik at mag-aral sa bansang X. Hindi akalain, tumutol ang bata at nagkulong sa kuwarto. Mabuti na lamang matapos mag-usap ang dalawang panig, nalaman ng ina na gustong mag-eksamen muli ang anak. Ito ang wastong pagbigay ng kinakailangang tulong sa bata.
Tulad ng sinasabi ng may-akda sa anak na aralin mabuti ang iba’t ibang wika lalo na ang wikang Ingles at mag-aaral siya sa Malaysia. Hindi malaman kung makakaya ng bata ngunit makaraan ang maraming beses ng pag-uusap, mas naintindihan ng bata ang kahalagahan ng pag-aaral ng ibang wika. Tungkol sa pag-aaral sa Malaysia, wala pa ring tiyak na sagot!
Dahil bilang magulang, dapat pa rin unawain na iba ang kapaligiran ng buhay at edukasyong pinaglakihan ng bata sa kanyang magulang. May sarili siyang pananaw sa kanyang pagkilanlan bilang bagong pangalawang henerasyon. Subalit iba ito sa paghangad ng mga nakatatanda, itinuturing pansariling desisyon na dapat bigyan ng galang.