CommonWealth Magazine, Kolumnista
Unibersidad ng Tamkang, Assistant Professor
Pangalan: Kimyung Keng
Nasyonalidad: Indonesia
Ako si Kimyung Keng. Ang aking ama ay taga-Taiwan at ang aking ina ay taga-Indonesia. Ipinanganak ako sa Jakarta, Indonesia, dito lumaki at nag-aral sa Taiwan. Ako ay may kakayahan sa wikang Chinese, Indonesia at Ingles. Pagkatapos ng aking pag-aaral sa kolehiyo, nakamit ko ang scholarship sa Ministri ng Edukasyon at nag-aral ng masteral degree sa Unibersidad ng Hawaii sa Amerika. Taon 2016, napili ako bilang isa sa sampung natatanging kabataan sa Republika ng Tsina (Taiwan) at sa kasalukuyan, isa akong assistant tagapagturo sa Unibersidad ng Tamkang.
Bilang pangalawang henerasyon na bagong imigrante, may kalamangan ako sa wika mula nang maliit pa ako. Sa aking mga pinagdaanan sa pag-aaral, natuklasan kong pangkaraniwang may mas mataas na marka at kakayahan sa pag-aaral ang pangalawang henerasyon na bagong imigranteng may kakayahan sa dalawang wika. Ito ang naging malaking advantage sa aking pag-aaral at maaga rin akong nagsimulang maghanda para sa aking karera at trabaho. Pinili ko ang akademiko at gumawa ng malalim na paggagalugad at pagsasaliksik sa rehiyong Timog Silangang Asya. Hindi lamang ito sanhi ng interes ngunit dahil sa aking pagkilanlan at pinaglakihan, may malinaw akong direksyon sa larangang ito.
Taiwanese ako at Indonesian rin ako. Itong pagkilanlan ko bilang bagong imigrante ay nagbibigay sa akin ng mas maraming advantages kaysa sa ibang tao. Kahit kailan man, hindi ako nakaramdam ng pagkakaiba sa sarili ko at sa kabaligtaran, ipinagmamalaki kong bagong imigrante ang aking ina. Binigyan niya ako ng mas maraming makabubuti kaysa sa ibang tao. Sa aking paglaki, natuklasan kong ang tao na may background na ibang lahi, hindi lamang may kakayahan sa dalawang wika kundi pangkaraniwang may mas mataas na marka sa pag-aaral. Kahit saan mang lugar nagmula ang magulang, dapat natin mahalin muna ang sariling magulang. Makukuha natin ang magandang resulta lamang kapag ating tinanggap at kilalanin ang sariling kultura at pinanggalingan. Nang sinimulan kong ipagmalaki ang pagkakaroon ko ng multikulturang background, doon ko lamang nagamit nang tunay ang sarili kong lakas at kakayahan, at nakita ang pagkakaiba ko sa ibang tao.