Host sa broadcasting programa sa wikang Filipino
Pangalan: Sa Ai-Lee
Nasyonalidad: Filipino
Ako si Sa Ai-Lee, may asawang Taiwanese at may isang anak na babae. Dating building manager ang asawa ko at nagtratrabaho ako noon bilang administrative secretary sa travel agency. Dahil nais kong bumili ng bahay sa Pilipinas kaya nagtrabaho rin ako bilang English teacher sa gabi. Dahil pareho kaming nagtratrabaho kaya palitan kaming nag-aalaga sa aming anak - hatid at sundo sa paaralan, ihanda ang kanyang pagkain. Sa simula, hindi mataas ang aming sahod kaya nagtipid kami upang kumasya sa panggastos namin. Ganunpaman, masaya kami sa simpleng buhay, ibang-iba sa kabuhayan ng pangkaraniwang malalaking pamilya sa Pilipinas.
Sa unang panahon ng paghahanap ng trabaho sa Taiwan, itinatag ko ang Filipinos Married to Taiwanese (FMTA). Sa simula, iilan lamang ang aming miyembro. Sa panahon na paghawak ko nang 7 taon, kumatawan ako sa FMTA sumali sa ilang internasyonal na pagpupulong, nagturo ng Ingles, pagluluto at iba pang aralin sa anak ng mga miyembro. Tinulungan ko ang mga nangangailangan at mga mag-aaral mula sa Pilipinas na pumunta rito sa Taiwan upang mag-aral, at nagplano ng mga kaugnay na aktibidad at iba pa.
Noong namatay ang aking asawa, binitawan ko ang trabaho sa travel agency at sa pagtuturo ng Ingles. Nagsimula akong magsulat ng ulat. Tinulungan ako ng aking anak sa pag-post at pagkakalat nitong mga ulat at lumabas ang unang publikasyon ng 《The Migrants》. Sa simula, hindi namin kayang magpasahod sa tao kaya kailangan sariling gawin namin ang lahat.
Umasa kami sa kita mula sa patalastas upang mabayaran ang gastos sa pambili ng papel at sa printing. Mahilig akong magsulat ngunit dahil sa gawain sa pamilya at dahil sa pera, lumipas ang maraming taon bago nailathala ang 《The Migrants》. Nakatulong itong publikasyon sa maraming taong hindi nakakalabas sa bahay, nabawasan ang kanilang stress at balisa sa buhay. Ngunit sa huli, natuklasan namin na dumadami ang social media, nag-iiba ang kasanayan ng taong magbasa ng publikasyon sa papel, kaya hindi nagpatuloy ng paglathala ng publikasyon. Subalit natigil ngunit nararamdaman ko ang aking halaga sa trabahong ito. Pansamantalang nakakalimutan ko ang lungkot sa pagkamatay ng aking asawa tuwing naroroon ang atensyon ko sa pagsusulat.
Pagkatapos ng trabaho ko sa pagsusulat, napakasuwerte at nakuha ko ang trabahong pag-uulat sa Taiwan balita sa Radio Taiwan International (RTI). Nasasabik at ipinagmamalaki ko ang magtrabaho sa RTI. May mga bagong residente sa Taiwan na hindi makapagtrabaho at umaasa lamang sa kinikita ng asawa. Sa palagay ko, hindi patas ang sitwasyong ito. Hindi lamang makakatulong sa pagkakaroon ng pera sa pamilya ang trabaho, maaari pang matuto ng madaming kaalaman at
magkaroon ng madaming kaibigan sa trabaho.
Subalit mahal ko ang aking trabaho ngunit para sa akin, pinakamahalaga pa rin sa lahat ang pamilya, lalo na ang edukasyon ng anak ko. Binibigyan ko ng halaga ang pagturo sa bata na magbigay ng galang sa mga tao sa kanyang paligid, lalo na sa matatanda, sa guro at sa kaibigan. Kapag marunong gumalang ang bata sa ibang tao, igagalang rin ng ibang tao ang bata. Mahirap ang proseso ng pagpapalaki sa anak dahil kailangan isipin ang madaming bagay tulad ng kanilang edukasyon at ang kanilang pagganap sa paaralan. Ngunit may mga bagay na hindi mapipilit tulad ng pagsusulit. May mga batang matalino at may batang hindi. Kapag masyadong mataas ang inaasahan natin sa kanila, maaaring hindi niya kayanin at saktan ang kanyang sarili. Kahit anupaman ang kanilang kaganapan, dapat natin bigyan ng paghihikayat ang mga bata.
May kilala akong ilang mga magulang, pinipuwersa ang sariling anak na kumuha ng matataas na marka sa pag-aaral upang maipagyabang nila ang mga anak sa kanilang mga kaibigan. Hindi ito tama. Dapat natin bigyan ng pagpupuri ang mga bata ngunit huwag natin silang bigyan ng stress. Dapat maging magandang huwaran ang magulang dahil gumagaya ang anak sa magulang at tumutulad kung paano ituring ang ibang tao.
Madami rin akong kilalang mga kabataan. Subalit hindi pinakamataas ang kanilang marka sa paaralan, ngunit nakakahanap sila ng magandang trabaho. Hindi ba ito sapat upang magkaroon ng masaya at maayos na kabuhayan? Kapag nagtratrabaho ang kabataan, madami siyang natututunan na kaalaman mula sa lugar ng trabaho, sa mga kaibigan at sa mga kasama sa trabaho. Isang tao, gumagawa ng anumang trabaho, basta’t masaya, may sinasahod, dapat matuto tayong makontento. Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa ating puso at looban. Ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito. Ito ang karanasan ko sa Taiwan, sana’y makatulong sa mas madaming bagong residente at sa kanilang mga anak.