Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Karanasan ng Namumukod-tanging Bagong Pangalawang Henerasyon – Ho Wei-Wei

Host ng programa sa wikang Chinese at Filipino sa broadcast channel

Pangalan: Ho, Wei-Wei

Nasyonalidad: Pilipinas


Nasa sapat na akong gulang at sa simula ng pagkakaroon ng sapat na gulang, mayroon na ring bagong kabanata sa buhay, nakabili ng pangalawang sariling bahay at kasalukuyang sumisikap para sa layuning ito. Unti-unting natutuklasan sa trabaho sa pagbro-broadcast, nasisiyahan sa sariling pagsisikap at pagdating sa bagong yugto ng buhay. 


Nang nag-aaral pa ako noon, hindi ko naisip na magagamit ang aking pangalawang inang-wika (wikang ginagamit ng aking ina) sa lipunan. Sa panahon ko noon, walang gaanong karaming anak ng bagong imigrante sa paaralan, kumbaga nitong huli na bago nagkaroon ng pantawag na bagong imigrante o bagong residente. Kaya simula pa lamang sa kindergarten, naiiba na ako sa paaralan. Pagpasok ng guro sa silid-aralan, una akong nakikita dahil sa malalim na tampok ng aking mukha at maitim na kulay ng aking kutis. Pati sa pagkuha ng litrato ng buong klase, hindi ko namamalayan na tumatango ang aking mukha, walang pagtitiwala sa aking sarili. Mabuti na lamang at may buo akong pamilya. Subalit may agwat na 20 taon ang edad ng aking ama at ina ngunit dahil mula sa militar ang aking ama, nag-iisa akong anak kaya mula maliit, tinuruan akong maging independente at matapang. Sa Pilipinas nakilala at nakasama ni Mama ang aking Papa bago nagpasyang magpakasal. Mula maliit, kausap ko si Mama sa wikang Filipino at si Papa sa wikang Chinese. Para sa akin, naging pangkaraniwan at madali kong natutunan ang dalawang wika.


Inaalala ko dati na mahuhuli ako sa ibang kamag-aral sa pag-aaral dahil walang taong magtuturo sa aking pag-aaral sa bahay. Kaya mula bata, kailangan kong maging mas masikap sa aking mga kamag-aral upang makahabol sa pag-aaral. Sa huli, mapalad akong nakapasok sa Deparmento ng Medical Technology. Pagkagradweyt, naging tagapagsuri ako sa ospital nang isang taon ngunit hindi bumagay sa akin ang trabahong kaharap ang microscope sa buong araw kaya naghanap ako ng ibang mapaglilinang hanggang ipinakilala ako ng kaibigan na magsubok sa broadcasting. Nangangailangan ng tao roon kaya tinanggap ko ang trabahong maging host sa programa sa radyo. Sumunod dito, naging host rin ako sa isang programa sa wikang Filipino at dahil sa ganitong pagkakataon, mayroon akong dalawang programa sa broadcasting hanggang sa kasalukuyan at mayroon ding fan page ng programa. Paminsan-minsan, tinatanggap ko ang trabaho bilang panghukumang tagasalin at kasalukuyan ring nagtatrabaho sa hotline ng pagpapayo sa mga manggagawa sa ilalim ng Ministri ng Labor. Bagamat hindi ito napakadakilang gawain ngunit karapat-dapat itong maging materyal sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga pangalawang henerasyon ng bagong residente at maniwalang nangangailangan ng sariling pagsisikap sa lipunang ito. Huwag mawalan ng tiwala sa sariling kakayahan. Kakayanin mo ang lahat!