Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2018 Pagpaparangal sa mga Tanging Community Leaders at Grupong Sibiko na nagbibigay-silbi sa mga bagong imigrante

Pinakamataas na Karangalan (Ipinarangal sa pagpupulong ng pamahalaan ng lungsod Hulyo 23, 2019)
1. Funscene Organisasyon sa Lungsod ng Taipei
Nagsasagawa ng mga aktibidad at lektura ukol sa trabaho at karera, pagpapakilala sa kultura ng pinanggalingang bansa; pinalaki ang grupong pinakikisamahan, nakikipagtulungan sa “Community Center para sa mga Bagong Imigrante sa Distritong Kanluran”; naghanap ng mga anak ng bagong imigrante na maging boluntaryo upang maipagpatuloy ang sense of fulfillment at makamit ang konseptong pakikipagtulungan.

2. Young Women’s Christian Association of Taiwan
Tumutulong sa pagsasama ng mga mapagkukunan ng resources sa lipunan, ipinakilala ang pagsisilbi sa pagpapayong sikolohikal; nagsagawa ng konsultasyon sa paglaki ng bata, pagsasanay sa pag-aaral ng kabataan paglabas mula sa pasok sa paaralan, 33 pagsisilbing pagsuporta sa pamilya; inilathala ang “Bagong Lakbay, Bagong Mapa”, aklat ukol sa kuwento ng buhay ng bagong imigranteng nasa Taiwan.

Sertipiko ng Pasasalamat (Ipinarangal sa pagpupulong ng mga kawanihan Hulyo 25, 2019)

1. Taipei Orphan Welfare Foundation
Tumulong sa 33 ulilang pamilya ng bagong imigrante sa pag-apply ng tulong mula sa lipunan, nagsasagawa ng mga aktibidad para sa pamilya ng bagong imigrante tulad ng grupo sa pagkanta, lektura sa pananalapi, paghahanda ng tsaa sa mag-anak, camping para sa pamilya; nagbibigay ng mapalakaibigang community center, nagdadagdag ng community network support at iba pa.
 

2. Zheng Chuan Ta, Puno ng Zhong Po Village sa Distrito ng Xinyi
Tumulong sa bagong imigranteng mag-apply ng tulong mula sa lipunan tulad ng: pagtaguyod sa plano para sa pagtupad ng pangarap sa ilalim ng National Immigration Agency, pagsasagawa ng lektura at pagpupulong ng mga bagong imigrante, paglagay ng fire alarm device sa bahay ng mga bagong imigrante at iba pang aktibidad; nagsimula ng LINE group chat para sa mga bagong imigrante sa Zhong Po at nagtaguyod ng magandang pagsasama at paraan ng komunikasyon.
                                                                                                                                                                                                 
 

3. Xia Wan Lang, Puno ng Wang Hsi Village sa Distrito ng Zhongzheng
Nagbigay ng mapalakaibigang kapaligiran sa mga bagong imigrante: nagsagawa ng lektura at pag-aaral para sa mga bagong imigrante; isinagawa ang “2018 Bagong Imigrante Talent Paligsahan”, pag-aaral ng pagtatanim ng halaman at iba pang aktibidad.
 

4. Direktor Chiu Lee Chiu ng Yuan Huan Community Development Association sa Distrito ng Datong
Nagsasagawa ng mga aktibidad para sa bagong imigrante tulad ng pag-aaral sa kalusugan at therapy para sa mga nakatatanda, music at fashion show sa Araw ng mga Ina, pag-aaral ng 3D imprenta, pag-aaral ng programming para sa mga bata; bigyan ng maganda at palakaibigang kapaligiran sa bagong imigrante; nagtaguyod ng mapaghihiraman ng aparatong pantulong, nagbibigay ng pagsisilbi at pagkonsulta sa kalusugan ng matatanda at ng bagong imigrante; kasama ang Rotary Club at Lions Club, nagbibigay ng pagkain, gamit at tulong sa mga nangangailangan.

5. Fuchou Community Development Association sa Distrito ng Shilin
Nagsasagawa ng kursong pagtuturo sa mga bagong imigrante ng pagsasanay sa kabuhayan; aktibidad sa Araw ng mga Ina, pagtatanghal ng bagong imigrante suot ang tradisyonal na kasuotan sa sariling bansa, pag-aaral at pagsasanay bilang boluntaryong guide sa tabi ng ilog, upang makamit ang layunin na sustainable development para sa komunidad.
 
 

6. Kuo Su Ling, Puno ng Hutong Village sa Distrito ng Shilin
Tumutulong sa pangangalaga sa bagong imigrante; nagsagawa ng multikulturang aktibidad kasama ang pampubliko at pribadong ahensya tulad ng pagdiriwang ng Dragon Festival, Moon Festival, inimbitahan ang mga bagong imigrante na sumali sa pa-raffle at sa paligsahan sa pagkakanta na nakakadagdag sa kumpiyansa sa sarili ng bagong imigrante.                                                                                                                                                                                                                                                                                
 

7. Taipei Hulu Temple sa Hulu Village sa Distrito ng Shilin
Nagbibigay ng materyales na tulong sa pamilya ng bagong imigrante at subsidiya sa pag-aaral sa 8 paaralang elementarya at high school sa lugar ng She Zi; may klab na pag-aaral sa wikang Hapon, pag-ayos ng bulaklak, pagkanta at pagsulat sa Chinese calligraphy; isinagawa ang Guanyin kultura show aktibidad na kasama ang mga bagong imigrante, nag-sponsor sa aktibidad na pagsusulat ng ulat sa Hulu Paaralang Elementarya at naghihimok sa mamamayan at sa mga anak ng bagong imigrante.