Tinatawag na pistang “Mawlid” sa wikang Arabo at ayon sa kasabihan, ang araw ng kapanganakan at kamatayan ni Muhammad ay Marso 12 ng kalendaryong Islam. Bilang pag-alaala sa pagkabuhay ni Muhammad sa relihiyong Islam, idinaraos ang relihiyosong pagtitipon sa araw na ito at unti-unting naging isa sa tatlong pinakamalaking pista sa relihiyong Islam.
Kadalasan pinamumunuan ng imam sa lokal na mosque ang mga aktibidad tuwing pista. Sa araw ng Mawlid, ang mga Moslem ay naliligo, nagpapalit ng damit, maayos ang suot at pumupunta sa mosque upang magdasal, magbigkas ng mga kapahayagan ng Koran, at magkukuwento ng kasaysayan ng Islam at ng mga dakilang tagumpay ni Muhammad sa muling pagbuhay sa Islam.