1. Sakop sa pagsusuri ng dayuhang manggagawa (bagong dating at bago umuwi sa sariling bansa) ang taas at bigat ng katawan, mata, presyon ng dugo, temperatura, pisikal na pagsusuri, syphilis (RPR), dumi, X-ray ng dibdib, German measles antibodies, tigdas, sakit sa balat, leprosy. (Ikinansela na ang pagsusuri sa pagbubuntis at sa Hepatitis B)→ Kapag regular na pagsusuri, hindi kailangan ang pagsusuri sa German measles at tigdas.
2. Sakop sa pagsusuri ng dayuhang guro ang taas at bigat ng katawan, mata, presyon ng dugo, temperatura, pisikal na pagsusuri, syphilis (RPR), X-ray ng dibdib, tigdas at German measles antibodies.
3. Sakop sa pagsusuri para sa residensya ang syphilis (RPR), German measles antibodies, tigdas, dumi (batay sa listahan, may mga bansang hindi kailangan ang pagsusuri sa intestinal parasites), X-ray ng dibdib, sakit sa balat, leprosy (batay sa listahan, may mga bansang hindi kailangan ang pagsusuri sa leprosy).
Maaaring sumangguni sa Taiwan Centers for Disease Control [link] (Home page > Internasyonal na paglalakbay at kalusugan > Pagsusuri sa kalusugan ng tagadayuhan).
Pinagmulan ng Impormasyon: Taipei City Hospital