Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paano Magkaroon ng Health Insurance

1. Paraan ng pagsali sa health insurance:

(1) Kapag walang trabaho ngunit maaaring sumali sa insurance nang ayon sa regulasyon, maaaring maging dependent sa asawang may trabaho o sa direktang kadugong kamag-anak. Pumunta sa insured unit ng asawa o direktang kadugong kamag-anak at magpa-insure bilang dependent.

(2) Kapag walang trabaho at wala rin makakasamang insurance ng asawa o direktang kadugong kamag-anak, pumunta at magpa-insure sa pampublikong opisina ng township (bayan, lungsod, distrito) ng lugar na kinaroroonan ng household registration.

2. Ukol sa detalyadong impormasyon sa kwalipikasyon sa health insurance at komputasyon sa babayarang premium at iba pa, maaaring tanungin ang mga tuntunin sa National Health Insurance Administration, Ministri ng Kalusugan, telepono: 02-27065866.