Dapat tumawag sa pagamutan o ospital o Health Service Center / Public Health Center ang bagong imigrante na may asawang nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at magpatulong gumawa ng appointment sa pagsusuri o gumawa ng appointment sa online. Sumusunod ang mga libreng pagsusuri sa kalusugan sa kasalukuyan:
1. May edad na 30 taon gulang at higit pa (may sekswal pagtatalik), 1 beses na pap smear test bawat 1 taon (para sa kababaihan lamang).
2. May edad na 30 taon gulang at higit pa, 1 beses na pagsusuri ng kanser sa bibig sa bawat 2 taon (para sa nagngunguya ng betel nut o sa nagsisigarilyo lamang).
3. May edad na 45 taon gulang at higit pa, 1 beses na pagsusuri ng mammography sa bawat 2 taon (para sa kababaihan lamang).
4. May edad na 50 taon gulang at higit pa, 1 beses na pagsusuri ng dugo sa dumi (stool occult blood) sa bawat 2 taon.
5. May edad na 65 taon gulang at higit pa, 1 beses na pagsusuri ng kalusugan ng seniors sa bawat 1 taon.
6. Pinalawak na pagsusuri ng hepatitis B at C (may subsidiyang 1 beses sa bawat tao).
7. May edad na 40 at higit pa ngunit hindi pa umaabot ng 65 taon gulang, 1 beses na pagsusuri ng kalusugan sa bawat 3 taon.