Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Upang mapabuti ang kakayahan ng mga bagong imigrante na umangkop sa buhay sa Taiwan at matulungan silang makilala ang mga katangian ng lokal na kultura, ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng pagkilala sa lokal na industriya, kultura sa relihiyon at mga resulta ng participatory budgeting ng pamahalaang lungsod. Nagsimula ang pag-aaral sa pakikinig sa resulta ng mga mungkahi sa participatory budgeting sa distrito kasama ang: pagbabago sa underpass sa MRT Daqiaotou, guidance tactile paving, kakaibang ilaw sa daan sa distritong Daan at pagpapakilala sa bunga ng hardin sa Administration Center. Inuudyok ang mga bagong imigrante na makilahok sa komunidad, pagtipid ng enerhiya at pagbawas ng carbon. Kasunod dito, pumunta ang mga mag-aaral sa “inBlooom” sa Dadaocheng at gumawa ng paglalagay ng guhit sa ibabaw ng tela.


Mayroon pang propesyonal na guide, pinangunahan ang mga mag-aaral sa pagkilala ng kasaysayan at arkitektura sa Talongtong sa distrito ng Datong, pinalawak ang pananaw ng mga mag-aaral, kilalanin ang madaming katangian ng kultura ng lugar sa paraang pagbabahagi at paglalakad. 


Ipinakilala ang resulta ng participatory budgeting sa distrito upang maranasan ng mag-aaral ang bunga ng pagpapatupad sa patakaran ng pamahalaan ng lungsod at ihikayat ang mag-aaral na sumali sa participatory budgeting. Bukod dito, sa pagpapakilala ng guide at sa pagtuturo ng tindahan sa Dadaocheng, nadagdagan ang kaalaman ng bagong imigrante at mga anak sa pangkaraniwang kabuhayan upang unawain ang magkakaibang kultura at katangian ng lokal na industriya, at naitaguyod ang pakikipagkaibigan sa isa’t isa.