Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/65514/9399774/21d0e39a-2c43-4769-9a23-2f92b0695b12.jpg    Nagsimula ang Araw ng Manggagawa sa 1886 nang ang Amerika ay nagpapalit sa lipunang indistriya mula sa lipunang agrikultura. Mahaba ang oras ng trabaho sa panahong iyon, 14-15 oras sa isang araw at kailangang magtrabaho pa sa Sabado. Dahil dito, nagtawag ng nasyonal strike ang organisasyon ng mga manggagawa sa buong Estados Unidos simula Mayo 1 at huminging ipatupad ang sistemang 8 oras na trabaho. Isinugpo sila ng mga pulis at madaming manggagawang nasaktan at namatay sa protesta. Upang magbigay-alaala sa pangyayaring ito, ipinasa sa pangalawang internasyonal na pagpupulong sa Paris sa 1889 at itinakdang Internasyonal Araw ng Manggagawa ang Mayo 1. Hiniling ang magkasamang pagsisikap ng mga manggagawa sa bawat bansa upang ipaglaban ang 8 oras ng trabaho sa isang araw.


    Sa Taiwan, itinakdang Araw ng Manggagawa ang Mayo 1. Walang pasok ang mga manggagawa ngunit hindi nagpapahinga ang mga militar, empleyado ng gobyerno, mga tagapagturo sa elementarya at high school (itinuturing na manggagawa sa non-public sector kindergarten at daycare center), doktor (itinuturing na manggagawa sa sistemang hindi civil servants), tagapamahala sa industriya (hindi relasyong empleyado) o mga empleyado sa pampublikong institusyon.