Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paano magparehistro sa pagsali sa eksamen sa naturalisasyon? Kailan ang eksamen sa Lungsod ng Taipei?

Simula Pebrero 2015, ang “Eksamen sa kakayahan sa wika at pangkalahatang kaalaman ng mga karapatan at tungkulin ng mamamayan” sa Lungsod ng Taipei ay maaaring gawin sa anumang oras ng opisina sa Household Registration Office. Gawin ang rehistrasyon tuwing oras ng opisina (Lunes~Biyernes, 8:30~17:30) sa Household Registration Office ng bawat distrito sa lungsod. Dalhin ang mga sumusunod sa alin mang Household Registration Office upang makapagrehistro:

1. Orihinal kopya ng may bisang Alien Resident Certificate (ARC) o Alien Permanent Resident Certificate (APRC).

2. Isang may kulay na litrato (litratong nakuha sa loob ng nakaraang 2 taon at alinsunod sa detalye ng larawan sa bagong Nasyonal ID).

3. Bayad sa eksamen NT$500