Ulat sa Balita mula sa Kagawaran ng Sibil Gawain sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei
Tagapaglathala: Patakaran sa Pantaong Populasyon
Petsa: Pebrero 15, 2023
Contact: Division Chief Wu Chong-Xin, Lo Hsiang-Yun
Telepono: 1999 ext. 6258、6375、0966590813、0935265759
Ang Fount of Light display area sa 2023 Taiwan Lantern Festival ngayong taon, sakop ang magkakaibang kultura ng iba’t ibang lugar, gamit ang wika, salita, tugtog at simbolong guhit ng magkakaibang grupo ng tao, lumikha ng bagong tanawin. Kasama rito, ang pangunahing paksa sa proyekto “Naririto Kami・Taipei|Kuwento ng Bagong Imigrante”, sagisag ng magkasamang mamuhay, magkasamang mamalagi, sa paraang pag-imbita sa mga artist at mga bagong imigrante at kanilang mga anak, magkasamang nakilahok sa paggawa ng palamuting lantern. Dito ipinagsama ang magkakaibang kuwento, nagniningning sa ilalim ng kalangitan ng Taipei sa gabi.
Ang Light Arts Lab, mahusay sa teknolohiya ng makina at ilaw, ginamit ang nag-iibang makulay na liwanag ng ilaw upang ilahad ang gawaing “Ukol sa Taipei”. Naririto ang nasasaisip ng mga bagong imigrante tungkol sa Taipei, nagkokonektado sa magkakaibang wika, inilalahad ang pagsasaisip sa magkasamang pagsisikap at buhay sa Taipei sa ritmo ng liwanag ng ilaw. Ang artist Wang Wen Chih, mahusay sa paghabi ng materyales na kawayan, inilikha ang malaking “Naririto Kami” para sa Taiwan Lantern Festival. Magkaibang itsura sa araw at sa gabi sanhi ng magkaibang pinanggagalingan ng liwanag, dahil sa iba’t ibang katangian ng materyales, sagisag ng pagsasama ng bagong imigrante at iba’t ibang kultura. Ang artist Chang Yo Da Fu(ながともだいすけ)at si Chan Ming Nee, ipinaliwanag ang sining na malapit sa isa’t isa sa pagitan ng tao sa tao sa gawaing Hito Bito, dalawang salitang tao sa pasukan ng daanan, nagsasagisag ng pagsusuporta sa isa’t isa at magkasamang pagbabahagi ng kasiyahan sa isa’t isa.
Ang artist na si Margot Guillemot (taga-Pransya) at si Chiu Chiehsen, sa itsurang pagpapatong ng mga maleta at mga ilaw sa hugis ng 12 administratibong distrito sa Lungsod ng Taipei. Ang loob ng gawain ay idinesenyo bilang “tahanan”, nagsasagisag sa bawat bagong imigrante, lumipat mula sa iba’t ibang lugar sa mundo at nariritong nakatira ngayon sa Taipei, nakahanap ng “Isang Sariling Tahanan”. Cheng Ro-Han, isang artist sa paggugupit ng papel, ginising ang alaala ng tao sa nakalipas sa kanyang gawain na “Itanim ang Lasa ng Taipei”. Isinama ang lugar ng eksibisyon ngayon at ang kasaysayan ng Songshan Creative and Cultural Park, dating kinikilalang Songshan Tobacco Factory. Sa pag-alaala ng enerhiyang init mula sa boiler room ng Songshan Tobacco Factory, makakapaghain ng isa-isang bagong panlasa sa Taipei ng pinaghalong kultura at lutuin ng ibang bansa at ng Taiwan. Ang Liu Yee Workshop ay nag-imbita ng mga bagong imigrante at pangalawang henerasyon sa workshop upang lumikha ng “Kami sa Ilalim ng mga Bituin sa Langit”. Nagguhit ang lahat ng kanilang karanasan sa pamumuhay sa Taipei at inilahad ang kaibahan ng kultura at grupo ng tao. Ang “Ilog ng Alaala”, magkasamang nilikha ni Mark Lester Lugay Reyes, isang Filipino artist at ang Light Arts Lab, batay sa “pagtutulungan sa paglipat ng bahay” sa tradisyonal kultura ng Pilipinas, nagpapahayag ng magandang alaala ng pag-iisa at pagtutulungan sa pagitan ng tao. Matatagpuan ang gawaing “Pista sa Bagong Taon” sa Wanhua New Immigrants’ Hall. Inilarawan ng Chito Color Workshop ang pagkain na kinakain sa 13 bansa (Vietnam, Malaysia, Indonesia, Japan, Pransya, Myanmar, Korea, Kampuchea, Italy, Pilipinas, England, Netherlands at Ireland) tuwing Bagong Taon at binuo sa isang larawan sa dinding, inilahad ang isang pamilya mula sa iba’t ibang sulok ng mundo, magkasamang kumakain ng masasarap na pagkain.
2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei “Naririto Kami・Taipei|Kuwento ng Bagong Imigrante”, sa paraang magkasamang paglilikha ng mga artist sa sining, bagong imigrante at bagong pangalawang henerasyon, isinaad ang kuwento ng kanilang buhay at pamamalagi sa Taiwan. Subalit magkakaiba ang wikang sinasabi, may magkakaibang kultura ngunit nakatagpo ng pag-uunawaan sa isa’t isa at naipahiwatig ang sarili nilang mga kuwento. Inaanyayahan kayong pumaroon sa Songshan Creative and Cultural Park at sa Wanhua New Immigrants’ Hall upang panoorin at tingnan ang mga gawaing lantern na gawa ng mga bagong imigrante at kasama namin maranasan ang magkakaibang kuwento ng pagbubuklod ng kultura.