Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

7 Lantern Gawain nakatago sa hardin sa likod ng Taipei, halina sa pagtitipon ng kultura ng bagong imigrante

Ulat sa Balita mula sa Kagawaran ng Sibil Gawain sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei

Tagapaglathala: Patakaran sa Pantaong Populasyon

Petsa: Enero 17, 2023

Contact: Division Chief Wu Chong-Xin,  Lo Hsiang-Yun

Telepono: 1999 ext. 6258、6375、0966590813、0935265759


  “2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei”, masayang isinagawa Pebrero 5-19 sa may distritong Silangan, sa Songshan Cultural and Creative Park at sa commercial district sa may Distrito ng Xinyi at ang may pinaka-elementong kultura ng iba’t ibang bansa ay ang display na ilaw sa “Fount of Life” sa Songshan Cultural and Creative Park! Inanyayahan ng Kagawaran ng Sibil Gawain sa Lungsod ng Taipei ang madaming tagasining na bagong imigrante at lokal na mamamayan, magkasamang sumali sa paglilikha. Ginamit ng mga bagong imigrante ang kanilang karanasan at nadarama sa pamumuhay sa Taipei at mga kuwento mula sa sariling bayan sa paglikha ng mga ilaw (lantern) na magkakaiba sa isa’t isa.

  Ang pinakamalaking kaibahan ng Taiwan Lantern Festival ngayon ay ang “magkasamang nabubuhay, magkasamang naglilikha” na ginawang ideya sa pagtatanghal ng mga lantern ng bagong imigrante. Pagtitipon sa ibang bansa, pagkain ng sariling bayan sa Taipei at damdamin ng “Magkasama” sa mundo, “Naririto Kami”, “Itanim ang Lasa ng Taipei” at “Pista sa Bagong Taon”. May paksang “Naririto Kami”, inimbita ng tagasining Wang Wen Chih ang madaming bagong imigrante sa panahon ng kanyang pagdisenyo, magkasamang nagtalakay ng kanilang isipan at lumikha ng isang may taas na 7 metrong lugar gawa sa kawayan. Ang paghabi ng kawayan ay kumatawan sa pagsasama ng iba’t ibang kultura ng bagong imigrante. Ang pagpapalapad at pagkumpol ng mga materyales na kawayan ay simbolo ng paghahamon at pagsasanay sa kanya-kanyang buhay. Ang mga telang may kulay pula, dilaw, luntian at bughaw ay tila mga bagong imigranteng dumaan sa mga alon at nagsimula ng ibang buhay rito. Ang “Itanim ang Lasa ng Taipei” ni Cheng Ro-Han, sa pamamagitan ng hapag-kainan, ipinapakita ang kahalagahan ng panlasa at pagkain sa kultura ng lupa. May habang 12 metro, nakapaligid sa malaking puno, nagsasagisag ng pagbuklod at pagtagumpay ng bagong imigrante. Ang Chito Color Workshop sa paksang “Pista sa Bagong Taon”, inilarawan ang kakaibang mga pagkain ng iba’t ibang bansa tuwing Bagong Taon sa Wanhua New Immigrants’ Hall, sa pamamagitan ng ilaw ng sterilamp, nailalahad ang kakaibang pakiramdam ng ibang bansa sa araw at sa gabi.

  Naipanganak sa ibang bansa, inilarawan ng mga bagong imigranteng artists na magkakasamang nabubuhay rito, ang kanilang kuwento sa “Hito Bito”, “Isang Sariling Tahanan” at “Ilog ng Alaala”. Magkasamang inilikha ng artist mula sa Japan, Chang Yo Da Fu at ang kanyang asawa, Chan Ming Nee ang “Hito Bito”, gumamit ng salitang ‘tao’ sa istrakturang nagsasagisag ng pagtitiwala at suporta sa isa’t isa. May 2 maliit na salitang ‘tao’ at naging isang malaking ‘tao’ sa gawaing ito, nailalarawan ang paglapag sa Taipei nilang dalawa, dito nag-uugat ang binuo nilang pamilya. Ang “Isang Sariling Tahanan”, magkasamang inilikha ni Margot Guillemot mula Pransya at ng kanyang asawa Chiu Chiehsen, gamit ang maletang nagsasagisag ng damdamin sa paglalakbay, paglayo sa sariling bayan at pagpaparito sa Taiwan ng bawat isang bagong imigrante at kasabay sa pagbukas ng maleta, nagbuo ng isang tahanan at kumakatawan na nakahanap ng isang pansariling bagong uuwian. Si Mark Lester Lugay Reyes, isang Filipino artist at isa ring dayuhang manggagawa at kahit pa man, hindi napigilang lumikha ng kagandahan sa factory at naging pinangarap na tagasining. Nagmula sa Bayanihan (ugaling Filipino) ang naisip ni Mark at kasama ang Light Arts Lab, nilikha ang gawang “Ilog ng Alaala”, nagbabahagi ng magandang kuwento ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Filipino.

  Nabuo ang “Ukol sa Taipei” at “Kami sa Ilalim ng mga Bituin sa Langit” sa pakikilahok at magkasamang paglilikha ng mga palamuting ilaw sa pamamagitan ng aktibidad na workshop, inimbitahan ang mga pamilya ng bagong imigrante, mga nakakaalam ng kultura at sining ng kanilang mga bansa at magkasamang naglikha ng mga gawa. Gumamit ang Liu Yee Workshop at ang Light Arts Lab ng disenyo ng mga hugis at ritmo ng ilaw at liwanag upang iparangya ang mga kakaibang guhit at mga sulat-kamay sa mga gawaing ilaw. Bukod rito, ang Kagawaran ng Sibil Gawain ay nagdisenyo ng AR rito sa dalawang gawain upang makapaglitrato ang publiko, may kunehong suot ang iba’t ibang disenyo ng iba’t ibang bansa at mga salitang nasa screen, isang kakaibang karanasan sa madlang namamasyal sa Lantern Festival.

  Nagtitipon ang mga artist na may magkakaibang nasyonalidad sa grupo ng ilaw ng mga bagong imigrante sa lugar ng eksibisyon. May paksang “magkasamang namamalagi”, “magkasamang nabubuhay”, “magkasamang lumilikha” sa kabuhayan sa Taipei. Subalit magkakaiba ang wikang salita, may magkakaibang kultura ngunit maaari pa rin magtipon, magkasamang kumain; kasama ang pamilya, magkasamang maglakbay; magkasamang lumakas ang loob, magkasamang habulin ang pangarap, magkasamang itanim ang aking pagkilala sa Taipei.