Ulat sa Balita mula sa Kagawaran ng Sibil Gawain sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei
Tagapaglathala: Patakaran sa Pantaong Populasyon
Petsa: Pebrero 10, 2023
Contact: Division Chief Wu Chong-Xin, Lo Hsiang-Yun
Telepono: 1999 ext. 6258、6375、0966590813、0935265759
Mula sa Sun Yat-sen Memorial Hall Station Exit 5, dumaan sa Guangfu S. Road at darating sa 2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei “Fount of Light” display area sa Songshan Creative and Cultural Park. Dito makikita ang isa-isang mga lantern na napupuno ng sigasig at kasiglahan ng mga bagong imigrante. Inanyayahan ng Kagawaran ng Sibil Gawain sa Lungsod ng Taipei ang mga tagasining at bagong imigrante mula sa iba’t ibang larangan, magkasamang lumikha ng isa-isang gawain na ilaw mula sa sariling naranasan at may malalim na kahulugan. Mula nang ilunsad ang eksibisyon, kinilala ito at magaganda ang komentong natanggap. Nag-iwan ng malalim na impresyon ang ideya sa paglikha at masaganang kultura sa mga nanonood na publiko.
Bukod sa pagmasid sa mga lantern, ang Kagawaran ng Sibil Gawain sa Lungsod ng Taipei ay naghanda rin ng makulay na pagtatanghal sa nakatakdang lugar at oras para maikonekta sa ideya ng paglilikha ng mga ilaw. Inimbitahan ang mga mag-aaral mula Myanmar, dayuhang manggagawa mula Pilipinas, mga mag-aaral sa kolehiyo at mga alumni sa National Taiwan University of Arts at sa Taipei National University of Arts, magtanghal rito sa “Naririto Kami” ng tagasining Wang Wen Chih bawat Biyernes, Sabado at Linggo tuwing 6:30, 7:30 at 8:30 ng gabi. May kabuuang 27 beses ng pagtatanghal, 5 magkakaibang paksa. Inaanyayahan ang publiko, magkasamang magkaroon ng kakaibang karanasan ng kultura.
Ang “Pagkain sa Bagong Taon” ay isang selebrasyon ng masasarap na pagkain, mga anak ng bagong imigranteng may suot na tradisyonal kasuotan ng kanilang bansa, tulad ng waiter/waitress sa restawran, hawak sa kamay ang isang lutuin ng sariling bayan tulad nang nasa “Itanim ang Lasa ng Taipei”. Sa “Ilog ng Alaala” ni Mark Lester Reyes at ng Light Arts Lab, nagmula sa Bayanihan, tradisyonal kultura sa Pilipinas, ang ideya ni Mark sa pagtatanghal. May mahigit sa 20 tao ang naglahad ng “tulungan sa paglipat ng bahay” sa tugtog at sayaw. Parehong nakakuha ng inspirasyon mula sa “Ilog ng Alaala” ang “Water Carnival”. May dalang salakot ng Vietnam sa ulo, may batik sa basket, may isda at prutas sa bilao at pinagtitipon ang madla, paalis na ang tour group ng bagong imigrante at papunta na sa ibang bansa ang lahat!
Bukod dito, nagsasagisag sa Taiwan at Myanmar nabubuhay sa ilalim ng parehong kalangitan “Paghawak ng Ilaw ng Lantern sa Ilalim ng mga Bituin sa Kalangitan”, ipinakita ng Tanalong Grupo sa Sayaw ang isang bagong presentasyon ng kultura sa tradisyonal tugtog at sayaw sa Myanmar kasama ang mga exchange students ng Myanmar mula sa iba’t ibang lugar sa Taiwan. Ang “Hito Bito” ay sayaw ng isang tao hanggang naging magkasamang sayaw ng dalawang tao, nagsasaad ng tulungan at suporta sa pagitan ng tao. Hindi dapat kaligtaan ang mga makukulay na pagtatanghal!
Bukod sa nakatakdang palabas tuwing Biyernes, Sabado at Linggo, ang mga bagong imigranteng tagasalin ay nagbibigay ng guided tour sa mga makukulay na gawain sa 7 uring wika - Mandarin, Ingles, Hapon, Korea, Vietnam, Thailand at Indonesia. Ang bawat tour ay may kalahating oras. Malugod na inaanyayahang magparehistro ang publiko. Upang madagdagan ang interaksyon ng publiko sa mga gawain, may AR filter camera sa “Kami sa Ilalim ng mga Bituin sa Langit” at sa “Ukol sa Taipei”, maaaring gamitin sa FB at sa IG. Scan lamang ng publiko ang QR Code sa karatula ng gawain at sa paggamit ng aksyong pagkindat ng mata, maaaring makipaglaro sa kuneho mula sa iba’t ibang bansa. Sa pamamagitan ng pag-iling at pagtango ng ulo, may interaksyon sa mga salitang “Ukol sa Taipei” at mararanasan ng publikong namamasyal sa mga ilaw ang labis na katuwaan.
Impormasyon sa Aktibidad
1. Nakatakdang palabas: Mula ngayon hanggang Pebrero 19, may isang palabas tuwing 6:30, 7:30 at 8:30 ng gabi sa araw ng Biyernes, Sabado at Linggo.
2. Guided tour sa mga gawa ng bagong imigrante: Mula ngayon hanggang Pebrero 19, Lunes hanggang Linggo, may guided tour sa wikang Korea, Hapon, Ingles, Thailand, Indonesia at Vietnam. May guided tour rin sa wikang Mandarin at Ingles para sa sariling mamamayan at sa mga dayuhang bisita hindi sakop ng nabanggit na wika.
(1) Lunes hanggang Huwebes: 3:00 hapon hanggang 9:30 gabi (3:00-6:00 isang beses bawat isang oras, pagkalipas ng 6:30 gabi, isang beses bawat kalahating oras)
(2) Biyernes hanggang Linggo: 11:30 tanghali hanggang 9:30 gabi (isang beses bawat kalahating oras)