Ahensyang Naglathala: Kagawaran ng Sibil Gawain sa Lungsod ng Taipei
Opisinang Nag-ulat: Patakaran sa Populasyon
Petsa ng Paglathala: Disyembre 6, 2022
Taong Namamahala: Section Chief Wu Chong-Xin, Luo Xiang-Yun
Telepono: 1999 ext. 6258、6375
0966590813、0935265759
Makaraan ang pagganap ng Taiwan Lantern Festival nang 23 taon, muling babalik at gaganapin sa Taipei sa taon 2023.
“2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei”, may natatanging kahulugan sa lunsod ng Taipei at lalo na, ito ang kaunahang internasyonal na kaganapan mula nang magbukas muli ang pintuan ng bansa. Ang Lantern Festival ngayong taon ay may naiiba sa dating mga gawain ng mga artistang tagasining at mga gumagawa ng lantern. Kakaiba at orihinal ang mga gawang itatanghal at inimbitahang sumali rin ang mga bagong imigrante at ang kanilang mga anak sa pagdisenyo at paggawa ng lantern sa layunin na maipagtipon ang magkakaibang kultura sa pag-uusap, magkasamang paglikha at ihikayat ang pagkamalikhain, gumuhit, magsulat o masabi ang nasasaisip ng bawat isa ukol sa pinanggalingang bansa at sa bagong tahanan dito sa Taipei, pagkatapos ipinagsama ng artistang tagasining sa inilikhang “Bagong Taipei” na lantern.
Simula Oktubre ngayong taon (2022), isinagawa ng Kagawaran ng Sibil Gawain ng Lungsod ng Taipei ang 9 na workshop sa sining para sa mga bagong imigrante, kasama ang “Tayo sa Ilalim ng mga Bituin”, “Ukol sa Taipei”, “Paglikha ng Tanawin ng Sariling Bayan”, “Naririto Kami – Diyalogo sa Paglikha at Kawayang Parol” at “Amoy at Lasa ng Taipei” at nag-akit ng mahigit sa 200 bagong imigranteng sumali at may 5 lantern na magkasamang inilikha at ginawa.
Ipinaliwanag ng art design team “Light Arts, Lab” at ni Chou Ming-Yee sa mga bagong imigrante ang kabuuang konsepto sa disenyo ng lantern at ang paraan ng pagsali sa pamamagitan ng mga workshop, ihikayat ang bagong imigrante at kanyang kultura sa paglikha ng sining, iukit ang kakaibang mga simbolo at larawan upang maging isang bahagi ng gawang lantern sa Taiwan Lantern Festival. Inimbitahan sina Chang-Yo-Ta-Fu (bagong imigrante mula Japan) at Chan Ming-Ni, mga arkitekto, Wang Wen-Tzi (lokal tagasining sa paghabi ng kawayan), Cheng Rou-Han, tagasining sa pag-uukit ng papel, na nagsagawa ng art workshop at sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa pagitan ng tagasining at mga bagong imigrante, naisaad ang naramdaman ukol sa Taipei, o sa pamamagitan ng paglalarawan ng pananabik sa sariling bayan. At sa malikhaing plano ng tagasining, binuo at ginawang lantern na inaasam ng lahat.
Ang mga gawang lantern ay hindi lamang pangunahing makikita sa pagtatanghal. Sa pakikilahok ng mga bagong imigrante at ng bagong pangalawang henerasyon, dala ang kuwento ng magkakaibang kultura at sa sandaling umilaw ito, nagdadala rin ng bagong amoy at lasa ng Taipei.