Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Lubos na Pasasalamat sa Pagtapos ng Lantern Festival, Kuwento ng Bagong Imigrante, Nakakalat sa bawat sulok ng Taiwan

Ulat sa Balita mula sa Kagawaran ng Sibil Gawain sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei

Tagapaglathala: Patakaran sa Pantaong Populasyon

Petsa: Pebrero 17, 2023

Contact: Division Chief Wu Chong-Xin,  Lo Hsiang-Yun

Telepono: 1999 ext. 6258、6375、0966590813、0935265759


  Magtatapos ang “2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei” sa Pebrero 19, 2023. Mga gawain ng bagong imigrante sa display area sa Songshan Creative and Cultural Park, sa pamamagitan ng pag-imbitang makihalok ang artist, mga bagong imigrante at ang kanilang mga anak sa magkasamang paglilikha sa workshop, mula sa pag-iisip at pakikisalungat ng magkakaibang kulturang background, isa-isang nabuo ang mga gawain na nakakapaggalaw ng damdamin ng tao. Ang gawang lantern ay hindi lamang pansariling likha ng artist kundi paglalahad ng kuwento ng bagong imigrante.

  May taning ang Lantern Festival, walang hangganan ang damdamin. Upang maipagpatuloy ang damdamin at inspirasyon na dala ng mga kuwento at gawain ng bagong imigrante, pinaplano ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ilipat ang display ng mga lantern sa bawat lugar sa Taiwan pagkatapos ng aktibidad na Lantern Festival upang makita ng mas madami pang tao ang magagandang kuwento ng magkasamang paglilikha.

  Ang gawain na ”Ukol sa Taipei” kung saan isinulat ng mga bagong imigrante at ng kanilang mga anak ang impresyon sa Taipei, ay ililipat sa Shilin New Immigrants’ Hall sa Lungsod ng Taipei. Ipagpapatuloy ang pag-display ng guhit ng lutuin sa Bagong Taon sa magkakaibang bansa “Pista sa Bagong Taon” sa Wanhua New Immigrants’ Hall. Ang likha nina Margot Guillemot at Chiu Chiehsen, “Isang Sariling Tahanan” ay ililipat sa plaza sa Longshan komunidad sa Distrito ng Daan. Ililipat rin ang “Kami sa Ilalim ng mga Bituin sa Kalangitan” sa Xingya komunidad sa Distrito ng Xinyi at sa Taipei Cheng Huang Temple. Bukod sa bahagi ng “Itanim ang Lasa ng Taipei” ang ilalagay sa Ludi Park sa Ludi komunidad sa Distrito ng Wanhua, ang isang bahagi ay ililipat sa Jiji Township, Nantou County upang makita ng mas marami pang tao ang naitanim sa puso ng mga bagong imigranteng namumuhay sa Taipei.

  Ang gawaing “Hito Bito” ng artist Chang Yo Da Fu mula sa Japan at ni Chan Ming Nee ay ililipat at ilalagay sa Hakka Museum sa Lungsod ng New Taipei. Ang “Ilog ng Alaala” na naglalarawan sa tradisyonal kultura na bayanihan sa Pilipinas ay magpapatuloy ng alaala sa Chishang Township, Taitung County. Ang paglipat ng mga gawaing lantern ay sumasagot sa tema ng eksibisyon ng mga gawain ng bagong imigrante sa Taiwan Lantern Festival, ang konseptong magkasamang mamalagi, magkasamang mabuhay, magkasamang lumikha. Ipagpatuloy ang inspirasyon at kuwento, ituloy ang pagbibigay ng liwanag sa bawat lugar.